Twenty Fifth Stanza

222K 8.3K 3K
                                    

Twenty Fifth Stanza

MIA MILLS

"Tanggap ko 'to aking sinta, pangarap lang kita."

- Parokya ni Edgar, Pangarap Lang Kita


"So, sa La Union ka madalas mag surf?" tanong ni Ayen doon sa model na kausap niya na si Maureen.

Mine-make-up-an na ako at talagang pumwesto pa yung dalawa sa tabi ko kaya rinig na rinig ko an gang pinaguusapan nila. Masyado silang close, ha? Kanina ko pa gustong mag walk out kaso di ko magawa dahil nga inaayusan ako.

"Yep. Minsan sa Baler, minsan sa Siargao pero mas madalas ako sa La Union."

"Nice. Parang gusto ko tuloy mag bakasyon para i-try yan."

Bakasyon na naman? Kakabakasyon mo pa lang. Ano, na brokenhearted, nag adik sa bakasyon? Ako nga di makapagbakasyon nung nag m-move on kay Sam, eh! Bwiset!

"Alam mo, pupunta kami next month sa Siargao. You want to join us?" tanong ni Maureen kay Ayen.

Nagyaya pa talaga ang bakla.

"Talaga?" masiglang tanong naman ni Ayen. "Sure! Gusto kong sumama. Game ako diyan. Sabihan mo 'ko ha?"

"Alright! Naku mag-eenjoy ka doon," sabi ni Maureen sabay wink kay Ayen.

Ang lawak lawak naman ng ngiti ng loko.

"Nararamdaman ko nga," sagot niya kay Maureen.

Halatang excited.

Pss. Excited makita si Maureen na nakabikini, ganon? Excited mag sight seeing?

'Di ko mapigilang mapa-irap. Kainis, eh.

"Ay Mia, wag igalaw ang mata. Ayan kumalat yung eyeliner mo," sabi sa akin nung make-up artist at dali dali niyang pinunasan yung eyeliner ko.

"S-sorry," pabulong kong sabi.

Nakakainis kasi. Hmp.

Nakita ko sa salamin na napatingin si Ayen sa akin. Nang magtama ang tingin namin sa reflection ng salamin, he smiled at me at kumaway pa.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.

Ang cute niya bwiset siya. Nakakainis siya! Ano baaaaa? Paano baaaa? Too early pa para ma-inlove sa kanya 'di ba? Pero bakit siya ganyan?!

Huminga ako ng malalim.

Mia, ano baaaaaaa. Ngumiti lang siya at kumaway sa'yo. Ayun lang ang ginawa nya. Bakit parang may nagsabog na agad ng granada sa feelings mo?

Juskolord, malala na 'ko.

"Maureen, you're next!" tawag nung photographer.

"Ay, wait, ako na," paalam niya kay Ayen. "Kwentuhan ulit tayo later?"

"Sige. Dito lang naman ako."

So may part two ang pahaharutan nila, ganun? Kung siya nalang sana niyaya niya mag dinner kesa ako, 'di ba? Mukhang enjoy na enjoy naman siya makipagusap doon about surfing!

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon