Thirty Eighth Stanza

214K 8.2K 2.3K
                                    

Thirty Eighth Stanza

JARREN REYES

"This feels like falling in love. Falling in love. We're falling in love."

- Ed Sheeran, Kiss Me.

"Oh my gosh! Like, I'm so kinakabahan na. Can I make alis na and just text me na lang what happened?" sabi ni Sammie—yung conyong best friend ni Mia.

Katabi ko si Sammie ngayon sa loob ng studio kung saan nagaganap ang competition ni Mia. Hindi pa nag p-perform si Mia pero ramdam na ramdam ko na ang tensyon sa paligid. At alam kong maging si Sammie eh grabe na ring kinakabahan. Mas lumala pagiging conyo niya eh.

"Relax ka lang. Kayang kaya yan ni Mia," sabi ko sa kanya. "Tignan mo nga oh, di naman magaling yung kalaban niya. Ang tahimik sa buong studio. Wala man lang humihiyaw," dagdag ko pa.

Natapos kumanta yung kalaban ni Mia at biglang nagtayuan ang mga tao sabay palakpakan. Ang lakas ng hiyawan nila.

Pareho kaming natahimik ni Sammie.

"That was amazing! This is so far the best performance I've seen tonight!" sabi nung isa sa mga judges.

Sammie cleared her throat, "actually, I talked to Mia last night," bulong niya. "I told her, hindi man siya manalo dito, at least waging wagi naman ang lovelife niya."

Napatawa ako ng mahina, "loko. Makakapasok yang si Mia sa top five, maniwala ka."

"OMG! Binayaran mo mga judges para papanalunin si Mia?"

Mas napatawa ako kay Sammie.

"Hindi! Ikaw talaga. Basta, naniniwala ako na makakapasok si Mia. Magaling siya, eh. Tsaka..." napangiti ako ng malawak, "inspired sa akin yun ngayon kaya gagalingan niya."

It's Sammie's turn to laugh, "hay love birds. Sige na. Kayo na may mga lovelife."

"Dalawa sa EndMira boys ay single. Gusto mo ipakilala kita?" I offered.

"Nevermind. Ayoko magka jowa ng celebrity."

Hindi ko na nagawa pang sagutin si Sammie dahil tinawag na ang pangalan ni Mia at parehong napabalik sa stage ang atensyon namin.

Nakita kong umakyat si Mia sa stage and she's---she's glowing. Ang ganda ganda ng ngiti niya ngayon.

She has her signature look. Nakasuot ng bestida at knee high boots. Sa balikat niya ay doon nakasabit ang gitara niya. Nakalugay lang ang buhok. Simple ang make up. Pero iba ang ganda niya ngayon. Ang sarap bumaba sa stage at halikan siya at i-announce sa buong mundo na that girl is in love with me and I am the luckiest guy on earth because of her.

"Paki explain nga kung paanong ang perpektong babae na yan ay in love sa akin?" bulong ko kay Sammie.

"Ay fuck. That's so cheesy. I'm so kinikilabutan, ha," sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Nakapako lang ang tingin ko kay Mia.

"Hi Mia," bati nung isang judge sa kanya, "so, isa ka sa mga contenders nakitaan ko ng sobrang laking improvement from day one until now. Alam kong isa kang fighter. Ngayong pipiliin na namin ang top five, ano ang nagtutulak sa'yo para mas pagbutihin ang performance mo ngayong gabi?"

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon