Thirty Third Stanza

222K 8.8K 4K
                                    

ALY'S NOTE:

Sorry guys ang tagal ng update, bukod sa busy, may writer's block, I've also been struggling this past few weeks. Pasensya na po. 




Thirty Third Stanza

MIA MILLS.

"Pag-ibig na palaisipan, sa kanta na lang idaraan."

- Kamikazee, Narda

"Wait, ano ulit?" gulat na tanong sa akin ni Sammie. "Hindi na tuloy ang collab mo with EndMira? At pinalitan ka?"

Halos kararating lang ni Sammie from her one week photoshoot at eto na nga, naikwento ko na ang mga nangyari sa akin this past few days.

Tumango ako, "that's right!"

"And you're grinning from ear to ear kasi.... Ayen gave you a poster of Geo with his signature?"

"Tumpak!" masigla kong sabi.

Napatingin si Sammie sa poster ni Geo na nakasabit sa pader ko---katabi ng iba pang mga posters ng EndMira.

"Okay, 'di ko gets bes. Why are you happy na hindi na ikaw ang makikipag collab with EndMira? At bakit kinikilig ka sa poster ni Geo? Are you like natuluyan na bang ma-fall sa kanya? You don't like the hot songwriter anymore?"

"Loka hindi! Hindi naman ako masaya na hindi tuloy ang collab. Syempre malungkot ako dahil doon but hindi ko magawang maging sobrang lungkot because of Ayen."

"Dahil binigyan ka niya ng poster?"

Tumango ako, "kahit ayaw niya sa akin para kay Geo, binigyan niya ako ng poster. Tapos grabe ang caring niya sa akin. Mas affected pa siya nung sinabing hindi na ako ang ka-collab ng EndMira. Siya yung nagwawala doon imbes na ako."

Sammie gave me a knowing smile, "oh, so hindi ka masyadong sad sa nangyari because natabunan na ng kilig feels mo towards Ayen ang sadness mo."

Nahihiya-hiya akong napangiti, "parang ganun na nga bes."

"As in malala pa sa kilig na naramdaman mo everytime may kissing scene si Kim Soo Hyun at Lee Jong Suk?"

Tumango ulit ako.

"Oo. Matindi pa doon."

Napabuntong hininga na lang si Sammie, "and yet you're telling me, gusto mong mag move on sa kanya. Bes, in my opinion, malabo na. Wala nang atrasan yan. In love ka na ng bonggabells, eh."

"Yun nga eh. Yun na nga, Sammie. Hindi lang ako basta in love. Umaasa na rin ako sa kanya. I mean, yung mga kinikilos niya, mga sweet gestures niya, hindi ko maiwasan na hindi bigyan ng meaning yun. But I know naman na sweet guy talaga siya at normal lang sa personality niya yung ganung bagay pero kasi alam mo yun bes? Dahil gusto ko siya, nabibigyan ko ng meaning ang mga bagay na alam kong wala naman talaga? At nakakainis, I should be scared for myself. Kung mas lalala pa 'to, masasaktan ako. Pero wala, na cloud na ng kilig lahat ng takot na pwede kong maramdaman."

"I know bes. I understand you naman. Hindi ko rin naman ma-say kung yung mga pinapakita ba niya is sign na ba or wala lang. Hindi naman talaga natin matutukoy, right? Siguro ang pinaka maigi mong gawin ngayon is, go with the flow. Enjoy the moment."

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon