Twenty Ninth Stanza

221K 8.8K 3.5K
                                    

Twenty Ninth Stanza

MIA MILLS.

"Ayoko na munang umibig. Itutulak palayo ang sinuman."

- Silent Sanctuary, Abot Langit


"Beshie, can you please make palit the doll shoes you're wearing? It's not bagay sa suot mo. Wear the red one." sabi ni Sammie sa akin sabay irap. Pinasok na niya ako dito sa room ko. Naramdaman niya sigurong ngarag ako sa pag aayos dahil parating na si Ayen.

"Hindi ko naman kasi kailangan magpaganda! Kakain lang naman kaming dalawa, eh!" irita kong sabi. Pero kahit ganun, sinunod ko pa rin siya. Hinubad ko ang suot kong doll shoes at isinuot yung sapatos na tinuro sa akin ni Sammie. Syempre, mabuti nang mag tiwala sa taste niya. Mas maalam siya rito.

"Sus. Wag ako. Tarantang tara ka nga sa pag aayos diyan, eh. Chill my friend. Napaghahalataang gustong gusto mo siyang makita," sabi naman niya habang isinasaksak niya ang pangplanta ng buhok sa power outlet.

"Hindi 'no!"

Napangiti si Sammie, "Mia, why are you even denying it? I know that you like him that's why I totally understand why you're acting that way. Wala namang mali doon girl. You don't have to feel ashamed. Tsaka ano ka ba, babae rin ako so-- been there, done that," she winked at me. "So ano? Kulot o straight?"

Napangiti na lang ako, "anong mas bagay sa akin?"

Napatawa na lang din si Sammie, "straight muna para hindi masyadong over."

Umupo ako sa harap ng salamin at uumpisahan na sana ni Sammie ang pagaayos ng buhok ko nang biglang may mag door bell.

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Shit! Shit! He's here! Hindi pa ako nakakapag-ayos ng buhok!"

"Okay, chill! Akong bahala! I'll entertain him! Bilisan mo mag ayos!" inabot sa akin ni Sammie ang pang plantsa ng buhok at dire-diresto siyang lumabas ng kwarto ko.

Napatingin ulit ako sa salamin at bigla akong natigilan. Tinitigan ko ang reflection ko.

I'm wearing a white floral dress. Naka eyeliner ako, naka-lipstick, may blush-on pa. At ngayon, plano ko pang mag unat ng buhok.

Oo na. Nagpapaganda na ako para kay Ayen. Kakain lang kami ng dinner sa labas and it's not even a date and yet, nagpapaganda ako.

So ito ba ang tamang ginagawa ng taong iniiwasan ang feelings niya? Ganito ba pigilan ang nararamdaman para sa isang taong hindi ka naman mahal?

Mali na 'to.

I better stop this nonsense. Kahit ano namang ayos ko, kahit anong paganda ko, hinding hindi ko makukuha ang atensyon niya.

I heave a sigh at hinugot ko ang plantsa na nakasaksak sa power outlet.

Pumasok ako sa bathroom ko at dali dali akong nag hilamos to erase my make-up. After that, I grab a pair of t-shirt and jeans at nagpalit ako ng damit. Itinaas ko na lang din ang buhok ko into a pony tail. Ni hindi ko na ulit tinignan ang sarili ko sa harap ng salamin dahil mamaya mag bago na naman ang isip ko at ma-tempt na naman akong mag-ayos.

Kakain lang kami sa labas. Yun lang.

Pagka-labas ko sa room, nadatnan ko si Ayen na naka-upo sa sala namin habang kinakausap siya ni Sammie.

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon