T.U.Y-2

3.8K 90 6
                                    


Chain's POV

Nakauwi na ko ng bahay. Bukod sa pagpapakilala sa harapan at pagpapapirma ng reg card ay wala na kaming ibang ginawa. Inarrange din pala kami, magkakasama ang boys at ang girls which is I don't like. Mas gusto kong katabi ang mga babae dahil madaldal at masarap kakwentuhan pero nung nalaman kong katabi ko naman pala si Ley, yung gwapong bading ha ha ha ay naging okay naman na. Buti na lang at madaldal ang bading.

 Buti na lang at madaldal ang bading

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Chain, anak. May gagawin ka pa ba? Magpahinga ka muna dun sa kwarto mo. Hatid ko na lang sayo to pagtapos kong lutuin" Sabi ni tita habang nagluluto ng pancakes sa kusina, anak na rin ang tawag nya sa akin dahil sobrang close talaga kami nito. Tuwing bakasyon kasi ay dito ako nakaistambay sa kanila. Ang boring kasi sa bahay namin di tulad dito andyan si ate Coreen, si kuya Mist, si baby Parker na sobrang cute at pati na rin si Tita Eve na cool.

"Ahmmmm tita sige po pero baka di ako matulog, baka mag film na lang ako ng video. Kawawa naman mga subscribers ko antagal na naghihintay ng haul hahaha" Nasabi ko na bang youtuber ako. Hindi naan sobrang sikat pero kahit papaano may nakakakilala na sa akin. 100,000 subscibers and I treat them as my friends talaga. Yung iba nga naging kaibigan ko pa sa totoong buhay eh.

Masaya kayang maging youtuber, bukod sa mga sponsor, sweldo at free items ay nakakakilala din ako ng ibang youtubers na katulad ko kapag may mga events akong pinupuntahan. At oo may sweldo talaga sa youtube. Tuwing may nakikita kayong ads or yung mga nagpapop up bago magsimula ang video ay bayad yun at binabahagian lang kami ng youtube.

"Sige anak, pero teka." Sabi ni tita na ipinagtaka ko.

"Ano po yun?" Sagot ko ng nakanuot na noo.

"Maple syrup, chocolate syrup o whipped cream?"napangiti naman ako sa tanong nya.

" You know me tita. I will sell my soul for some chocolates." Yes that's true. I really love chocolates any shape, any size, any flavor. I don't judge HAHAHAHA

"Okay anak, magfilm ka na dun pero wag mo ng i-lock ang pinto mo para di na kita maistorbo habang nagfifilm ka." Di ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot eh. Paano ba naman ibang nanay ang gumagawa sa akin nito imbis na yung nanay ko talaga. Pero siguro dapat na rin akong maging masaya at maging thankful kasi yung iba nga walang makain eh. Konek? Hahahahahaha.

"Okay tita." Sabi ko ay nginitian sya.

Pagkaakyat ko sa kwarto ay sinetup ko na ang mga kailangan kong gamitin. Ang ring light camera pati na rin ang mic. Pagkatapos ay sinimulan ko na ang pagfifilm

"Hi bestfriends, my name is Chain. If you do not know, now you know, your life is different now." Panimula ko. Syempre kailangan energetic at masaya talaga dapat, siguro ang trabaho namin ay magpangiti at maging relatable. Hindi kasi kami katulad ng mga artista. Kami what you see is what you get. Hindi kami umaarte, I mean totoong tao kami.

Nagfifilm ako ng haul video o yung video kung saan ipinapakita ko at tinatry ang iba't ibang bagay na pinapadala sa akin ng mga companies. Wala itong bayad ang gusto lang nila ay i-review namin ang mga products nila. Pero ako hindi ko nirereview yung mga products na ayaw ko naman talaga baka magalit pa sa akin ang mga viewers ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagfifilm ng dumating si tita dala ang pancakes na naguumapaw sa chocolate syrup, magthumbs up pa at ngumiti sa akin. I just love my tita hahahaha. Napangiti na lang ako habang nagsasalita sa harap ng camera.

Pagkatapos kong mag film ay agad kong nilantakan ang mga pancakes at nagpahinga na rin. Mamaya ko na lang ieedit ang videos pati na rin ang pagliligpit ng kalat. Nakakapagod din kayang dumakdak ng dumakdak noh.

Pagkagising ko ay tumingin agad ako sa orasan mag aalas siyete pa lang pala. Agad kong niligpit ang mga kalat at bumaba dinala ko na rin ang pinagkainan ko kanina.

"Oh gising ka na pala anak, how wss your sleep?" Sabi ni tita na nanunuod ng wait...... Whatttttttt

Pinapanood nya ang mga video ko sa cellphone nya. Which is very uncomfortable for me jusko.

"Omg tita why are you watching that. Nakakahiya jusko." Sabi ko at agad kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko.

"Bakit ba chain, gusto ko kasing maging kasing kinis mo. Teka nga san ba nabibili to." Sabi nta at tinuro ang pinapakita kong product sa video. Yung video na yun ay last month pa at yun yung skincare routine video ko.

"What tita! Ang kinis kinis mo na eh. Ikaw talaga ha." Sabi ko at ayaw ko ng tignan yung video ko. Nakakahiya talaga azar. I don't know why pero lagi akong ganyan minsan nga sa jeep ay nanunuod yung katabi ko ng video ko pagkatapos ay nginingiti-ngitian pa ako. I mean if you want to approach me then approach me, don't give me creepy smile jusko. Lumipat na lang tuloy ako ng upuan.

"Oy chain san nga nabibili to, feeling ko kasi ang dry ng skin ko eh." Ewan ko ba dito kay tita ang puti-puti at kinis kinis na nga eh ayaw pang magpaawat.

"Bibigyan na lang kita tita. Maraming binigay sa akin ganyan promise. Just stop watching that video. " sabi ko sa kanya ng matigil lang sya sa panunuod.

Mas lalo akong nahiya nung pinapakita ko na kung paano ako maligo kasabay nang pagpapakita ko ng mga ginagamit kong sabon. Well hanggang shoulders lang naman ang kita. The nerve kung ipapakita ko ang half body jusko ew talaga.

"Ay chain ang kinis mo dito ah at ang puti pa feeling ko mas maganda pa yang kutis mo kesa sa akin." Tita why are you that to meeeee.

"Tita please stop that video." Sabi ko habang hindi ko na tinitignan, pinagtuunan ko na lang ang paghuhugas ng pinagkainan ko. Yan kasi Chain gagawa gawa ng video tas mahihiya pag may nanunuod na. Well, hindi naman ako nahihiya I just don't like to see their reaction LIVE. Hahahahaha

"Oh ayan na tinigil ko na, basta yung sinabi mong ibibigay mo ah." Pagkasabi nya nun ay agad lumuwag ang paghinga. Hay salamat.

"Thanks tita."

A/n helloooooo I'm just really pumped up na mag update dahil bumabalik na ang drive ko sa pagbabasa at pagsusulat. I just miss the feeling hahahaha daming dama. Dedicated to kay Iamjaelopez because his stories are one of the reason kung bakit ako nagbabalik. Hi author #AshTrey nga pala ako forevs hahahaha. Si earl ang nasa media.

The Unexpected You (GayXBoy)Where stories live. Discover now