T.U.Y-7

2.6K 63 3
                                    

Earl's POV

"Uy tol di ka ba talaga sasama?" Paanyaya sa akin ni kuya jeric, kuya ng girlfriend ko at ka dance group ko. Nanalo nanaman kasi kami sa isang contest dito sa isang mall at syempre kailangan i-celebrate.

"Ah hindi kuya may dadaanan pa kasi ako tsaka birthday ngayon ni Jada." Sabi ko sakanya. Totoo naman kasi priority ko yung kapatid kong yun kahit anong mangyari.

"Ah oo nga pala, sige tol ako na lang magsasabi sa kanila, pasabi kay jada happy birtday ah. Nga pala pupunta ba si Vera sa inyo?" Tanong nya sa akin. Si vera yung kapatid nya na girlfriend ko.

"Ah hindi daw eh busy daw sya." Hindi ko alam pero parang matagal na naming ayaw sa isa't-isa, naghihintay na lang kami kung sino ang unang makikipag break. Yung relasyon namin na may label pero parang hindi totoo. Hindi ko din kasi alam kung paano ko sya ibebreak eh kaya hinihintay ko na lang na sya ang maunang magsalita.

"Ah ganun ba, sige tol ingat!"

"Sige mauna na ako" paalam ko sakanya at humiwalay na ng landas. Eto nanaman ako naglalakad sa mall ng nakafuccboi outfit. Paano ba naman kasi kahit ayaw ko tong suotin ay hindi pwede dahil everytime na may sayaw kami ganito ang pormahan, malakas daw kasi ang dating sa mga dalaga. Ewan ko ba eh mukhang tanga naman kung titingnan. Naisip ko na rin na magbaon ng damit pamalit kaso hassle eh at ayaw ko rin magdala ng bagna malaki.

Pumasok na ako sa isang toy store para bilhin ang hiling na laruan sa akin ni Jada. Matagal nya na sa aking kinukulit to, siguro noong isang buwan pa. Kaya syempre bilang isang mabait at gwapong kuya, bibilhin ko to para sa kanya.

"Kuya, kuya! Tulungan nyo po akong hanapin si kuya chain!" Sabi ng isang cute na cute na batang lalaki habang hinihila ang laylayan ngt-shirt ko. At ano ngang sinabi nya ulit? Kuya chain?

"Anong pangalan mo bata?" Tanong ko sa kanya na nagsquat upang pantayan sya.

"Parker po, pero tawagin nyo na lang po akong tutuy." Sabi nito na nakangiti pa pero alam mong kinakabahan.

Naalala ko nanaman sya, nung bata rin kasi kami may mga nickname kami at ayun ang tawag namin sa isa't isa imbis na yung totoo naming pangalan. Sana kasi matandaan na nya ako.

"Oh sige tutuy, ano bang itsura ng kuya chain mo atsaka saan mo sya huling nakasama." Ito kasi ang hirap sa mga bata kapag pumasok na ng toy store akala mo nakawala sa kulungan.

"Maganda po yun kuya tapos mo mabait tapos po maputi. Dito ko din po sya huling nakasama, makulit lang po ako kaya po ako nawala." Sabi nya na binibilang pa sa mga daliri ang katangian na sinasabi nya. Teka naguguluhan na ako sa batang to ah, kuya pero maganda? Pero atleast umaamin sya sa kasalanan nya hahahaha.

"Tar--" magsasalita na sana ako ng may sumigaw sa bandang likuran ko.

"TUTUY!!! JUSKO KANG BATA KA!" Nakangiti namang tumakbo si tutuy dun sa kinaroroonan nung sumigaw.

"Ikaw ah kung saan saan ka pumupunta sinabi kong wag kang aalis dun eh, pinagalala mo ko eh." Sabi nung babae na karga-karga at yakap-yakap na si tutuy. Maganda nga, hindi talaga marunong magsinungaling ang mga bata.

"Sorry po ku-kuya di na po mauulit" sabi naman nung bata na kahit sino ay hindi matitiis ang cute cute nya talaga idagdag mo pa na mahilig ako sa bata.

"Uy chain nakita mo na pala sya." Sabi ni jeric na kumakaripas pa ng takbo papunta dito. Teka ba't sya nandito?

"Thank you sa pagtulong jeric ah." Sabi nung babae kay jeric. May girlfriend pala sya. Buti na lang at nagpapalit to ng damit pagkatapos magsayaw kundi para kaming kambal.

"Uy tol kanina pa kita hinahabol tinatawag ah nakalimutan kong ibigay tong hati mo sa prempyo kaso nawala ka sa paningin ko eh." Sabi nya ng mapansin ako. Ngayon lang ako napansin nung babae teka babae nga ba to bakit walang dibdib?

"A salamat tol nakalmutan ko ring kunin pasensya na." Kaya lumapit ako sa kinapupwestuhan nila nasa likod kasi nung babae si jeric.

"Kuya! Kuya salamat po sa pagsama akin ah!" Sabi ni tutuy habang karga-karga pa rin nung babae.

"Walang anuman yun tutuy." Sabi ko at lumapit sa kanya at kinurot ang pisngi. Naamoy ko tuloy yung amoy ng babae. Ngayon ko nasiguradong babae nga sya dahil ambango nya at amoy na amoy babae.

"A-ahm thank you earl" sabi naman nito na kinagulat ko, paano nya ako nakilala? Eh ang tawag sa akin ni tutuy ay kuya at si jeric naman ay tol? Teka nga hindi kaya sya talaga si....

"Chain?" Patanong kong sabi sakanya.

Tumango naman ito at yumuko na tila ba nahihiya sa akin.

Ibig sabihin boyfriend nya tong si jeric? Tangina di ako makakapayag.

"Sige tol samahan ko muna sila ah, maiwan ka na namin." Sabat naman ni jeric at tumalikod na silang tatlo. Nakita ko namang ipinasa ni chain ang pagkarga ng bata kay jeric. Puta ang bagal mo kasi Earl eh!

Chain's POV

"Ahmmmm salamat ulit kuya jeric." Nahihiya pa rin ako dito dahil sa pagistorbo ko sa kanya. Tapos pinilit pa nya akong sya na daw ang kakarga kay tutuy para di na daw mawala.

"Sus ikaw pa malakas ka sa akin eh pero syempre may kapalit yun." Nye! Malakas daw pero may kapalit?

"Ah ano po yun, libre ko po kayo." Sabi ko na lang kasi di ko alam ang sasabihin hahaha.

"Wag mo ka ng magpo po sa akin tsaka wag mo na rin ako tawaging kuya, kung pwede nga lang sana babes na lang eh."
Saad nya pero yung mga huling salita ay pabulong na lamang.

"Ahhh yun la po--- ay este yun lang pala eh." Sabi ko sa kanya at napangiti na lamang. How to yours ba kasi?

"Tara bayaran na natin to." Sabi nya sa hawak-hawak nyang laruan. Yung isang bisig nya lang ang nakakarga kay tutuy at yung isa naman ay hawak-hawak yung binili namin. Gentle man award goes to.........JERIC. HAHAHAHAHA

"Kuya! kuya pagtapos natin bumilu samahan mo kami ni kuya chain sa quantum basketball tayo." Hala ka itong batang talagang to.

"Ay naku kuya jeric wag na po baka po nakakaistorbo na kami sa inyo." Sabat ko naman pero tumingin lamang sya sa akin ng masama at naisip ko yung sinabi ko hayst minsan medyo tanga din ako eh.

"I-i mean wag na jeric baka nakakaistorbo na kami sayo." Nirevise ko lang yung una kong sinabi at tinanggal ang mga "po" at ang "kuya".

"Meron pa palang isang kapalit, kailangan hahayaan mo akong samahan ko kayo ni tutuy ngayong araw dito sa mall at hindi ka na magrereklamo." Edi sya na talaga. Shutanginamerns naiinlove na ata ako sa kanya mga bessy.

"P-pero baka nakakaistorbo na kami sayo." Sabi ko ulit sa kanya.

"Mukha ba akong naiistorbo? Eh gustong-gusto ko ngang kasama tong cute na batang to." Sabi nya kay tutuy, bakit si tutuy lang yung gusto nyang kasama? Paani naman ako?

"Sige ikaw bahala." Sabi ko naman at ako na ang nagbayas nung laruan pinipilit nya ngang sya pa eh at regalo nya daw kay tutuy pero di na ako papayag sa ganun dahil di naman pasko, mabuti na lamang at nagpapigil sya nung nagseryoso ako magsalita.

Pagkatapos namin magbayad ay dumerecho agad kami sa quantum habang masayang kaming nagkekwentuhan ni Jeric. Feeling ko sya na nga yung sinasabi sa horoscope ko hihihihihi.

The Unexpected You (GayXBoy)Where stories live. Discover now