T.U.Y-5

2.9K 75 4
                                    

A/n Hello guysss. Baka magtaka kayo ah random lang talaga ang pagpili ko sa mga imaginary characters dito. Ibig sabihin halo-halo talaga hahaha may british, american, pilipino basta halo talaga pero lahat sila ay youtubers. Dahil naadik ako sa mga youtubers lately at hindi ko alam kung bakit hahaha masarap kasing panuorin yung buhay nila?¿?? Hahahaha so yun basa na :)

"Hoy chain, ikaw ah matuto ka ngang kumain ng gulay. Maganda yan sa kalusugan atsaka masarap naman ah." Sabi ni tita, nandito kasi kami ngayon sa bahay at sabay sabay kumakain. Sabado kasi ngayon at walang pasok.

"Ih tita anong masarap ka dyan, kung hindi lasang damo lasang baby food naman." Daing ko dahil ayun naman talaga ang totoo.

"Nako ikaw Chain ah. Kainin mo yang kalabasa nakakalinaw yan ng mata lalo na't mahilig kang magbabad sa computer at magbasa." Sermon nya ulit, pinakbet kasi ang ulam namin ngayon at pinipili ko ang mga baboy at ayun lang ang kinakain ko.

"Sige tita, kakainin ko tong kalabasa pero please wag mo nang ipilit tong talong ayaw ko talaga neto." Katanggap tanggap pa kasi ang lasa ng kalabasa kumpara sa ibang gulay.

"Gaga ka! Kung yang kalabasa pampalinaw ng mata, yang talong nakakapagpatirik ng mata yan kaya kainin mo din yan!" Nanlaki naman ang mata ko at napatingin sa mga pinsan kong busy sa pagnguya at panonood ng t.v.

"Oo nga Chain, proven and tested." Sabi naman ni ate correen na may pagtaas pa ng kilay at may ngiting nakakaloko.

" Sabi naman ni ate correen na may pagtaas pa ng kilay at may ngiting nakakaloko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kayo talaga pino-pollute nyo ang utak ng mga bata. Kumain na nga lang tayo." Sabat ni kuya mist na halatang may otoridad. Simula kasi nung nawala si tito ay sya na ang tumayong ama ng pamilya nila.

The Unexpected You (GayXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon