T.U.Y.-11

2.3K 75 7
                                    


Earl's POV

"Sir sorry talaga kanina, desperado na po kasi talaga ako." Pagpapa umanhin ni kuya bruce, nandito kami ngayon sa labas habang pinagmamasdan namin si Ichi at si Sasha na masayang nag-kekwentuhan.

"Nako kuya, kalimutan mo na yun. Ang mahalaga po huwag nyo ng ulitin kasi baka di matuwa si Sasha kapag nalaman nya po yun." Saad ko atsaka sumandal sa pader at namulsa.

"Oo sir, siguro magdodoble kayod na lang ako para naman may pantustos. Ma iba ako sir, magka ano-ano kayo ni Sir Chain? atsaka bading ba talaga siya bakit parang ang hindi." napangiti naman ako ng masali sa usapan si Ichi.

"Kababata ko po siya dun sa dati naming tinitirhan. Sa totoo lang nagulat nga din ako sa ginawa nya sayo eh. Ako tong lalaki mas nauna pa akong sumuko." Siguro kung ibang binabae yun ay nagtatakbo at nagtitili na pero si Ichi nakuha pang manlaban.

"Kaya nga po eh, hanggang ngayon masakit pa rin ang braso ko. Natatakot na tuloy ako kay Sir Chain. Pero tignan nyo naman po ibang-iba siya sa kaninang matapang na Chain kanina. Aakalain mong hindi siya makabasag pinggan kung ngumiti." saad niya ulit, ako naman ay nakatitig lang kay chain na tuwang-tuwa sa kwentuhan nila ni Sasha, Hindi ko naman namalayan na nakangiti na pala ako.

"Naku sir, iba yung ngitian at tinginan mo ah! Hindi na ako magugulat kung bukas makalawa ay hindi na lang kayo magkaibigan kundi magka-ibigan na." Sabi ni Kuya bruce at napatawa na lang ako.

"Sa tingin mo ba Kuya makakabawas ng pagkalalaki kung manliligaw ako sakanya?" Seryosong tanong ko kay kuya Bruce. Balak ko na kasi talagang makipaghiwalay kay Vera at simulan na ang panliligaw kay Ichi baka mamaya ay maunahan ako ni Jeric at hinding-hindi ako makakapayag nun.

Kailangan ko pa bang sabihin na may gusto ako kay Chain? Hindi pa ba Obvious? Oo may gusto ako sakanya at nadismaya talaga ako nang malaman ko na nililigawan na pala siya ni Jeric. dapat nga kanina ay sasabihin ko na na gusto ko din manligaw sa kanya kaso naman biglang umeksena to si Kuya bruce.

"Nako sir hinding hindi noh! Tignan mo naman ang itsura ni Sir Chain, pahabain mo lang ng onti ang buhok ay babaeng-babae na. Atsaka mas uunahin mo pa ba ang pagkalalaki kung siya naman talaga ang tinitibok ng puso mo? Baka magsisi ka lang kung ayun ang intindihin mo at baka maunahan ka pa ng iba, masakit pa naman makita na may ibang mahal yung mahal mo. Mukha pa namang lapitin yan si Sir Chain at maraming magkakagusto diyan mapababae man o lalaki isama mo pa yung mga katangian niyang kayang-kayang magpainlove kahit kanino." Mahaba nyang litanya at napangiti na lang ako dahil hindi ako nagkamali sa taong pinagtanungan ko. Desidido na ako, hihiwalayan ko na si Vera sa lalong madaling panahon at sisimulan ko ng ligawan si Chain, hindi pwedeng mapunta siya kay Jeric.

Matagal ko na siyang sinusubaybayan sa youtube. Isang araw nanonood ako ng mga vlogs at nakita ko sa mga suggestions ang pamilyar niyang mukha, noong mga panahong yun ay hindi pa kadamihan ang mga subscribers niya at hindi pa siya masyadong napapansin sa internet. Nalaman ko naman agad na siya si Ichi dahil hindi ko talaga nakalimutan ang mukha niya kahit ilang taon na ang lumipas.

Baka nga kahit hindi ko nalaman na siya si Ichi ay mainlove pa rin ako sakanya through his videos and vlogs. Among all the vloggers na pinapanood ko, siya talaga yung pinakatotoo at hindi pinipilit ibahin ang sarili para lang makakuha ng simpatya ng mga tao. Bonus yung mga ngiti niyang bumubuo ng araw ko.

"Hinding-hindi ko talaga hahayaan na makuha yan ng iba kuya." pursigido ko sabi kay kuya bruce.

"Ayan naman ang gusto ko sayo Sir, huwag mo na talagang hayaang makuha yan ng iba. Bagay na bagay kayo oh." Isipin ko pa lang na magiging kami ni Ichi ay sobrang saya ko na, paano na lang kaya kung magkatotoo na?

The Unexpected You (GayXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon