T.U.Y-21

1.4K 44 3
                                    


Chain's POV

"Gurl mali ata na binigyan mo siya ng time para makapag-isip." Kausap ko ngayon si Vera, nandito kami sa isang kainan sa labas ng school. Dito din pala siya nag-aaral, magkaiba ngalang kami ng building kaya hindi kami nagkakakitaan.

"Ha? baket? baket daw? ano bang sabi niya." Kita ko sa mukha niya ang pagka-balisa.

"Ang akala niya kasi wala ka ng gana sa relasyon niyo. Sinabi niya pa na mukhang ayaw mo na daw kaya ayaw na din niya." Medyo alinlangan ako sa mga bibitawan kong salita, ayoko naman kasing masaktan siya. Ang gusto ko totoo yung mga sinasabi ko pero hindi nakakasakit.

"Bullshit! ang tanga tanga ko! May nalalaman pa kasi akong bigyan ng time eh, ayan tuloy!" Nagpupunas na siya ng luha na papatulo pa lang sa mata niya. Hindi ako nakaimik, hindi ko kasi alam ang sasabihin kaya nag ginawa ko na lang ay ang hawakan siya sa balikat.

"Sorry Chain, sayo pa talaga ako nag vent out. Nakakahiya."

"Nako, it's okay. Diba magkaibigan na tayo? Wala yun, gusto ko ngang ako yung napagsasabihan ng problema ng mga kaibigan ko eh kesa kinikimkim lang, mahirap kaya yun." Nakita ko naman na kahit papano ay ngumiti siya.

"Ang swerte ni kuya kapag sinagot mo siya." Medyi busy kasi ngayon si Jeric dahil sa nalalapit nilang exam kaya hanggang text muna kami.

"Bola hahahahaha"

"Nako hindi chain ah! totoo yun. Ang talented mo kaya tapos ang ganda mo pa, mabait, friendly. Nako kapag pinakawalan ka pa ni kuya ako talaga ang unang mananakit sa kanya." Hinayaan ko na lang siya sa mga sinasabi niya dahil kahit papaano ay naramdaman kong nag-iba ang atmosphere na kanina ay malungkot.

"Chain sa tingin mo ba may iba nang nagugustuhan si Earl?" Sabi nito at nakita ko nanaman na lumungkot ang mukha niya.

"Hindi ko alam eh, pero diba may gagawin pa tayo? para mapalapit ulit kayo, malay mo kapag ginawa natin yun babalik na ulit sa dati." Pagbibigay ko sa kanya ng lakas ng loob.

"Pero paano pag hindi na?" sabi niya at humugot ng isang malalim na buntong hininga. Sana nga eh kapag nagbuntong hininga tayo ay magrerestart ang lahat, kaso hindi.

"Chain anong gagawin mo kapag may mahal ng iba yung mahal mo? Kakapit ka ba o papakawalan mo na lang?" tanong niyag muli, ayaw ko naman na wala nanama akong isasagot, ang hirap kasing maging totoo kapag ayaw mong may masasaktan.

"Yung totoo? papakawalan ko. Mahirap magmahal ng taong ayaw kang mahalin. Yung tipong binibigay mo lahat ng atensyon mo sa kanya pero yun pala sa iba siya nakatingin. Ang hirap nun, sobra. Para kang lumalaban sa gera na ikaw na lang yung sundalo tapos sugatan ka pa." Ayan yung lumabas sa bibig ko kasi ayan yung gusto kong sabihin. Nasa sakanya na kung pakikingga niya o hindi, after all hindi pa naman namin alam kung may nagugustuhan na ngang iba si Earl eh.

"That's what I like about you Chain. Your personality, your principle in life, the way you think. Hindi ka greedy or selfish, napaka mapagpaubaya mo. Siguro nga tama ka, ganun na lang siguro ang gagawin ko kapag nalaman kong may mahal ng iba si Earl. Everything happens for a reason naman diba?" sabi niya nang may mga ngiti sa labi, pero ibang -iba yung sinasabi ng mga mata niya, na wag sumuko.

Pagkatapos namin mag-usap ay bumalik na kami sa building namin, hindi nga ako nakasabay kay Ley at Pat ngayon dahil dun sa pag-uusap namin ni Vera eh. Pero okay lang naman daw.

Pagkadating ko sa room ay nadatnan ko na nag-iisa sa si Pat habag katabi naman ni Ley si Chris at mukhang sweet na sweet sila, tama nga si Earl na ayos lang ang lahat. Hinayaan ko na muna sila at tinabihan ko si Pat dahil nag-iisa siya, mukhang malungkot. Wala pa din kasi si Earl, kinukulit nga ko kanina na sabay daw kami kumain pero sinabi kong may mahalaga akong kakausapin.

"Hey bessy!" bati ko sa kanya, nakatulala kasi kaya kung hindi ko babatiin ay hindi pa niya ako mapapansin.

"Uy Chain, kanina ka pa?" tanong niya sa akin ng bumalik na siya sa ulirat.

"Hindi kakadating dating ko lang, maaga pa pala. Di kayo bumaba ni Ley?"

"Ah ako lang ang hindi bumaba. Kasama kasi ni Ley si Chris, eh ayoko naman magthirdwheel kaya dumito na lang ako. Wala din naman akong gana kumain eh." Binigyan ko siya ng mukha nang hindi naniniwala kaya napatawa siya.

"Hay nako Pat, lokohin mo lelo mong panot. Ikaw? hindi nagugutom? sapakin kaya kita?" Masiba kasi tong babaeng to, kaya kapag sinabi niyang di siya nagugutom, walang maniniwala.

"Grabe ka naman bessy, ganun ba ako ka pg?" Sagot niya na natatawa din sa kagagahan niya.

"Mej hahahahah, fried cookies. Busog na ko eh." sabay abot ko sa kanya ng fried cookies na hindi ko pa nagagalaw.

"Sure ka akin na lang to?" Nagtanong pa ang gaga eh hawak hawak na niya yung pagkain.

"Hindi ka nga gutom ah" sabi ko kaya sabay na lang kaming napahagikgik.

"Chi pwede ba tayong mag-usap?" Katabi ko na pala si Pipoy nang hindi ko napapansin dahil sakwentuhan namin ni Pat.

"Tungkol san?" Mukha kasi iyang seryoso pero kalmado pa rin.

"Pat hiramin ko muna to si Ichi ah" sabi niya sabay hila sa akin palabas ng room. Dinala niya ako sa isang room na dalawang rom lang ang pagitan mula sa room namin, walang nagkaklase sa room na to kaya patay ang kuryente.

"Oy tungkol san ba? magta-time na oh." Kumuha siya ng upuan at pinagtapat ito, nauna siyang umupo pero nanatili lang akong nakatayo.

"Umupo ka muna." napabuga nalang ako ng hangin dahil sa kaartehan nitong lalaking to.

"Oh nakaupo na, tungkol saan nga?" mahinahon kong pagtatanong.

"Bakit kayo nag-uusap ni Vera?"

The Unexpected You (GayXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon