T.U.Y-6

2.5K 66 0
                                    

"Kuya chain! Pagkatapos natin bumili ng clay kain tayo ng Ice cream pleaseee." Sabi ng makulit na bata habang hawak hawak ko ang kamay niya.

Papunta na kami sa entrance ng mall at nararamdaman ko na mula dito ang aircon nito. At oo, naka wig ako at nakadress, ano pa bang magagawa ko? Si ate Correen naman ay ngiting-ngiti sa kalokohan na ginawa mya sa akin.

"Sure tutuy, pagtapos natin kumain ng ice cream uwi na tayo ah?" Oo uwi agad para makatakas na sa kalokohan ni ate Correen.

"Eh kuya gusto ko pang pumunta ng quantum, laro tayo ng basketball tapos sakay tayo sa ambulansya na hindi umaandar." Aba daming demand netong batang to ah gusto pa talagang sumakay ng ambulansya.

"Okay tutuy pero pagtapos nun uuwi na tayo kundi magagalit na si kuya chain, okay?" Pinantayan ko yung tangkad nya at tinignan sya sa mata, para makumbinsi na talaga syang malapit na kong magalit pero di naman talaga gusto ko lang talagang maka-uwi na.

"O-okay po kuya." Mukha namang natakot na hahahahaha

"Chain andaming nakatingin sayong fafa." Sabi ni ate Correen nang makapasok na kami sa mall. Nakatingin lang ako ng derecho at hindi na lumilingon pa, binibilisan ko na rin ang lakad ko pero sinisigurado kong hindi madadapa si tutuy.

"Ikaw kaya tinitignan nyang mga yan ate baka gustong magpapicture sayo." Pagtanggi ko naman. Pero feeling ko talaga si ate yung tinitingnan nila.

"Tse! Pahumble ka pa bakla." Sagot naman nya. Pagkatapos nun ay may nakasalubong kaming grupo ng mga lalaking estudyante na biglang huminto sa harapan namin.

"Ahm miss pwede po bang magpapicture?" Sabi nung isa sa kanila. In fairness naman dahil lahat sila ay gwapo at mga mukhang mas matanda sa akin. Nalaman ko din na mga college students sila dun sa university na pinapasukan ko.

"Oy ate picture daw, sige po payag po yan. Akin na po camera ako po magpipicture." Sabi ko kay ate Correen na nakangiti lang sa grupo ng mga lalaki.

"Ay hindi po, sa inyo po sana." Sabi nung isa sa kanila na ikinagulat ko at mukha pa akong napahiya. Natameme tuloy ang lola nyo.

"Oh pwesto na boys. Isa isa lang mahina kalaban." Saad ni ate na napahagikgik pa. Tinignan ko naman sya ng masama pero mas lalo lang tumawa. Hayst bruha talaga.

At ayun na nga nagpapicture sila sa akin isa-isa na hindi ko man lang alam kung anong itsura ko dun sa mga kuha. Hindi ba nila nararamdaman na lalaki ako?

"Sige miss, thank you po sa picture ang ganda nyo po."sabi nung mukha leader ng grupo nila at siya din ang pinakagwapo sa kanilang lahat. Kikiligin na ba ko dahil sa sinabi nya? Hahahaha

"Sabi ko sayo ikaw ang tinitignan eh hahahaha." Sabat ni ate Correen nang makaalis na ang mga lalaki.

"Bakit ko ba kasi to ginawa ugh." Sabi ko at napabuntong hininga na lang. Si ate naman ay napatawa na lang.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makita na namin ang toy store.

"Chain, nagtext sa akin yung isang kaibigan ko, nakikipagkita sa akin pero dito din naman sa mall. Pwede ikaw muna magbantay kay tutuy? Text kita kapag uuwi na tayo okay?" Saad ni ate nang papasok na sana kami ng toy store.

"Sure ate, basta bilisan mo lang ah wag mo ng patagalin please." Pagmamakaawa ko sa kanya

"Okay, okay mabilis lang talaga kami, promise. Ikaw tutuy wag kang hihiwalay kay ATE chain ah. Pag ikaw kinuha dyan wala na kaming baby tutuy, okay?" Sabi nya at inemphasize pa talaga ang ate. Pagkatapos ay umalis na.

"Okay po ate." Sabi ng bata na tumatango-tango pa.

"Tara na pasok na tayo tutuy?" Pagkasabi ko nun ay akala mo nakawala sya ng kural kung magtatakbo. Ako naman tong  humahabol dahil baka mamaya ay mawala. Langyang yan kala ko ba 'opo ate?'

"Ate chain!ate chain! ayan po yung gusto ko!" Sabi nya na tinuturo sa pinalatuktok ng shelf ang gusto nyang set ng play-dough.

"Okay kukunin ko basta dyan ka lang ah wag kang aalis." Bilang ako ay hindi pinagpala ng katangkaran hirap na hirap ang lola nyo sa pagkuha.

"Ay shems kailangan ko ng upuan." Sabi ko sa aking sarili dahil di ko talaga abot mga bes.

"Mind if I'll help you?"

"Ay putong inamoy." Jusko nakalagulat naman tong lalaki sa likod ko, bigla biglang nagsasalita.

"J-jeric?" Sabi ko pagkalingon ko sa kanya. Feeling ko sya na nga talaga HAHAHAH. Edi ako na ang assumerang bakla mg taon.

"A-ahn do I know you?" Ay shit nakalimutan ko nakapambihis babae at naka wig pala ako.

"Oww chain! Is that you?" Kita sa mukha nya ang gulat ng marealize niyang ako pala ito. Yumuko ako dahil nahihiya ako sa itsura ko.

"A-ahhh oo jeric." Sabi ko habang nang hindi man lang nag abalang tumingin sa kanya.

"Goddamn it, you look gorgeous!" Hindi ako nakatingin sa mukha nya pero base sa tono ng mukha nya para syang manghang-mangha at di makapaniwala. Hindi ko tuloy alam kung mahihiya pa rin ako o matutuwa na dahil okay sa kanya ang ayos ko.

"Can you just reach that toy for me?" Sabi ko ng nakatingin na sa mukha nya baka sabihin pa niya patweetums at nagpapacute ako. Kailangan demure, ganoin! Hahahaha

"O-okay, anything for you." Sabi nya at sya naman ang mukhang uncomfortable dahil sa pagtingin ko sa kanya. Oh well.

Edi sya na ang matangkad! Ni hindi nya na kinailangan pang tumingkayad para abutin lang yung laruan na yun samantalang ako halos magtatalon na hindi pa rin abot. Anuna puberty?

"Here." Pagka-abot nya ay ngumiti sya. Jusko mga bessy, yung ngiti nya pang toothpaste commercial! Mahihiya angga dentista sa kanya, pano ba naman yung ngipin nya ang puputi at pantay talaga ni wala man lang siyang sungki, samahan mo pa nung labi nyang pinkish at yung pangmalakasan nyang cupid's bow. I'm dead mga bessy!

"Thank you." Sabi ko sa kanya at nginitian din sya, syempre kailangan ko din magpa impress noh! Di lang siya maganda ang ngiti.

"Oh eto na tutu--- asan na si tutuy!" Taranta kong sabi ng makita na wala na si tutuy sa likod ko. Kakalandi mo Chain nawala na yung pinsan mo jusko ka!

"Huh sinong tutuy?" Nagtatakang tanong ni Jeric.

"Yung batang lalaki dito, yung cute at mataba. Hindi mo ba sya nakita kanina." Tanong ko sa kanya. Kasabay ng pagtulo ng mga pawis ko sa lahat ng parte ng katawan ko kasama ang talampakan.

"Hindi eh, ikaw lang nakita ko dito na tumatalon talon." Ugh patay, ibig sabihin kanina pa sya nawawala. Lord help me.

"Tara hanapin na natin aya baka hindi pa nakakalayo." Sabi ni jeric. Bongga to si Lord ang bilis ng response sa dasal ko.

The Unexpected You (GayXBoy)Where stories live. Discover now