T.U.Y-19

1.6K 54 6
                                    

A/n: Hello! sorry kung super late update, kung kelan bakasyon tsaka naman ako nagkaganito. Pasensya na marami lang ganap kaya ganito. Salamat sa mga nag-aabang ng update! Enjoy this short update.


Chain's POV

"Ichi anong ideal date mo? yung parang iniimagine mo at gustong-gusto mong mangyari kasama yung taong mahal mo." Tanong ni Pipoy na hindi ko alam kung saan nya hinugot.
Andito pa rin kami sa loob ng kotse nya at bumabyahe dahil ang hiniling nyang kapalit ay samahan ko sya magroadtrip. Pinaalam nya na daw ako kay tita at hiniling lang nyang wag banggitin dahil gusto daw niya ay surprise. Sa totoo nga lang ay napangiti ako dahil ang simple lang ng hiling ng bestfriend ko.

"Ayoko sabihin eh, gusto ko kapag nangyari yun parang spontaneous lang, yung parang hindi pinagplanuhan. Pakiramdam ko kasi nawawalan ng essence yung "dream date" o kahit anong dream kapag ini-spoil." Simple lang naman talaga ang dream date ko eh yung maglolong drive kami tapos kapag madaling araw na ay hihinto kami sa isang convenience store para kumain ng ice cream. Weird isn't it? but that's how I like it, weird and simple.

"Ano ba yan, kainis naman. Pero may point ka, ako na lang bahala mag-isip kung ano yung dream date mo." sabi niya habang hindi inaalis ang tingin sa daan.

"Bakit mo ba gustong malaman? ba't hindi mo asikasuhin yung girlfriend mo. Okay lang naman ako Poy, masaya pa naman ako sa buhay ko." napakunot ang noo ko dahil sa mga inaasta nya.

"Pasensya na Ichi ah, di pa kasi pwede ngayon pero promise malapit na, malapit na malapit na." sagot nya na hindi ko ma lang naintindihan kung anong ibig sabihin.

"Ewan ko sayo Pipoy but here's a thing, kung may gusto kang sabihin o gawin then gawin mo na immediately. Naniniwala kasi akong walang tamang panahon na katulad ng kay maine at alden kasi maikli lang ang buhay. Baka mamaya pag hindi mo nagawa, pagsisihan mo pa." sagot ko dun sa sagot niya saken na hindi ko naman alam kung anong gusto nya pakahulugan.

"Sana nga ganun na lang Chi para di na ako nahihirapan ng ganito." hindi ko na siya sinagot dahil di ko na alam kung saan patungo itong usapan namin.

"Tara nga stop over muna tayo." saad niya pagkatapos ng sandaling katahimikan. Iniliko niya ang sasakyan sa isang convenient store. Iniiwasan kong isipin na alam nyang ito ang dream date ko dahil wala naman akong pinagsabihan kahit sino pero bakit parang nangyayari na?

"Tara na Chi, kain muna tayo."

Bumaba kami sa kotse at pumasok sa loob ng 7/11. Tiningnan ko ang relo ko, mag aalas dose na ng madaling araw. mayroon pa ring iilang tao sa loob nito pero mabibilang na lang sa daliri.

"Miss dalawa ngang ice cream." Sabi ni Pipoy dun sa kahera at agad din namang ginawa ng kahera yung dalawang ice cream.

"Tara dun tayo sa labas, mas gusto ko yung hangin dun." sabi nya pagkaabot nya saken nung ice cream.
Umupo kami sa labas ng convenient store habang busy sa pagnamnam ng kanya-kanya naming ice cream at pagtingin sa madilim na kalangitan at mga nagniningning na bituin.

"Alam mo Ichi, for me, the best time to eat ice cream is night time. Di ko alam kung baket pero parang mas sumasarap yung ice--"

"Ito." pamumutol ko sa sinasabi niya.

"Hah? anong ito?" nagtatakang tanong niya.

"Ito yung dream date ko." sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Nagjo-joke ka, diba?" sabi nya saken na mukhang hindi makapaniwala.

"Siguro nga hindi kapani-paniwala, pero trust me 'Poy gantong-ganto yung iniimagine kong date. Kung nanonood ka ng vlogs ko, you will know that I'm not a fancy person. I don't imagine myself eating on a gourmet restaurant while the romantic music is playing, I don't even drink wine for pete's sake! Ganto yung gusto ko, eating ice cream outside the convenient store while talking about our feelings then saksi yung langit at mga bituin sa pagmamahalan namin ng magiging boyfriend ko. Call it corny, weird and unusual, I know. Pero ganun ako as a person eh." mahaba kong litanya. Pagkatapos kong magsalita ay ninamnam ko na muli ang ice cream na hawak ko habang nakatitig sa liwanag ng buwan, ni hindi na nga ako nag-abala pang tignan ang reaksyon nya sa mga sinabi ko.

"Sorry Chi." kumunot ang noo ko dahil sa biglang sabi ni Pipoy

"Uy bakit ka nagso-sorry? Alam mo Poy nawe-weirduhan na ako sayo ah, kanina ka pa." tinignan ko sya atsaka sumagot, pero siya naman ang nakatitig sa madilim na kalangitan, parang nag-iiwasan kami ng tingin.

"Sorry kasi ako yung kasama mo dito sa dream date mo at hindi yung totoong taong mahal mo, hindi si Jeric. Hindi ko naman alam promise." sabi niya sabay yuko at pinaglaruan yung mga maliliit ba bato sa paanan nya.

"Eto parang baliw! sinong nagsabing di kita mahal? Atsaka sino bang nagsabing romantic love lang ang pwedeng date? pwedeng friendly date, family date and such noh! Hindi nga ko maarte sa dream date ko eh, sa makakasama ko pa kaya. Atsaka Poy di mo ba alam na isa ka sa mga importanteng tao at kaibigan sa buhay ko? Kaya there's nothing to say sorry about." sa oras na'to, nagtama ang mga tingin namin at pareho kaming napangiti.



The Unexpected You (GayXBoy)Место, где живут истории. Откройте их для себя