T.U.Y-15

2K 52 8
                                    



Chain's POV

"Sino bang favorite wrestler mo jan?" Biglang tanong sa akin ni Pipoy habang nanunuod kami ng WWE dito sa kwarto ko. Ewan ko ba kung bakit to andito, bigla lang siyang nagtext na pupunta daw siya dito at hindi na ako nakatanggi kasi nandito na siya sa labas nang makita ko yung text niya.

"Ayun oh, si Roman reigns." sabi ko sabay turo dun sa t.v. " Ang gwapo niya talaga, plus that arms and tats tho." dagdag ko pa dito dahil totoo namang sobrang gwapo at hot ni Roman Reigns noh. Kung lalandi man ako ng todo siguro sa kanya na yun.

 Kung lalandi man ako ng todo siguro sa kanya na yun

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

"Ahhhhhh" Tanging sabi niya lang.

" Anong ahhhh ka jan? Aminin mo kahit lalaki ka nagagwapuhan ka sa kanya noh?" sagot ko dito atsaka kumuha ng sandamakmak na popcorn at inilagay sa bibig ko.

"Sus ayan na ba yung gwapo sa'yo eh ano pa ako?" Nadura ko yung popcorn na nasa bibig ko at biglang natawa.

"Seryoso ka jan ah? HAHAHAHAHA joker ka rin eh noh." sabi ko dito dahil ang kapal ng mukha hahahaahah.

"Hoy anong nakakatawa dun? Totoo naman na mas gwapo ako jan ah! Atsaka syempre athlete yan kaya malaki ang katawan. Nako Ichi ah! Ganyan pala mga gusto mo." sabi nito at mukhang nainis dahil sa pagtawa ko.

"Hahahahaha ewan ko sayo, basta siya ang pinaka-gwapo para sa akin. Ang ganda ng mata, ang ganda ng ilong, yung shape ng mukha perfect tapos yung buhok, jusko talaga. Kung makita ko lang talaga yan dadasalan ko, hahahaha joke lang." sabi ko dito ng pabiro.

"Sus ewan ko sayo." sabi nito na mukhang nabadtrip na dahil sa kalandian ko.

"Galit ka na niyan? Maiba ako Poy? May girlfriend ka ba?" Syempre kunwari di ko alam para masurprise din siya pagdating ng monthsary nila ni Vera, atsaka nagiisip na din ako ng paraan kung paano ko isasagawa yung plano.

"O-oo? bakit mo na tanong?" mukha naman naging uneasy siya dahil sa tanong ko.

"Wala lang? Bakit di mo pinapakilala sa akin?" sabi ko sa kanya at medyo umurong ako palapit sa kanya, nandito kasi kami sa dulo ng kama naka-upo.

"Hindi mo naman tinatanong eh." Nakatitig ako sa kanya habang kinakausap ko siya pero siya kunwaring interesadong-interesado dun sa wrestling na pinapanood namin.

"Ahhhhhh okay, Eh asan siya ngayon ba't di kayo magkasama?" tanong ko pa ulit dito, para kay Vera to mga bessy.

"Ewan ko dun, ni hindi nga nagtetext sa akin eh." Liar Pipoy, tsk tsk. Pinakita sa akin  ni Vera ang mga text niya kay Pipoy pati na rin ang mga chats at itong kumag na to ang hindi nagrereply at nangsi-seen lang.

"Talaga?" Alam kong wala naman akong karapatan na magalit kaya pinipigilan ko, pero siguro dahil sa alam kong nagsisinungaling siya at sinasaktan niya si Vera ay hindi ko maiwasang magalit.

The Unexpected You (GayXBoy)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin