T.U.Y-23

1.6K 54 13
                                    

A/N: Eyow GG!!! char hahahahaha. So eto na yung update. Madali naman ako kausap eh. Basta pinaparamdam nyo saksn na gusto nyo ng update ibibigay ko, so keep commenting mga baby beks!

Chain's POV

"Oh ano okay ka na ba dyan sa milk tea mo?" Tanong ni Pipoy sa akin. Andito kasi kami sa isang milk tea shop at nagpalibre nga ko ng isang venti na wintermelon na milk tea kapalit ng pag nuod ko sa laro nila. Si Pat at Ley naman ay nauna na dun sa court.

"Okay na Poy, hehe thanks." Sagot ko sa kanya sabay higop dun sa milk tea ko. Sana mag stay kami ng ganito, yung friends lang. Pero diba, we'll never know iba din kasi maglaro ang tadhana.

"Oh ano tara na? magpapalit pa kasi ako eh." Malapit lang naman sa shop na ito yung court napaglalaruan nila kaya lalakarin na lang namin.

"After you." sabi niya pagkabukas ng pinto, napakunot ang noo ko pero at the same time ay napapangiti din ako. Pagkalabas ko ay nakita ko syang may kinakalikot sa bag niya kaya di muna ako naglakad papalayo.

"Oh boss, bawal ka mainitan. Masasayang yang balat mo." payong pala yung hinahanap niya sa bag niya.    Dapat bang bigyan ko to ng meaning o hindi? Nahihirapan din ako mag-isip kung paano ako magrereact sa mga ginagawa niya ngayon. Kung noong dati na hindi ko pa alam ay okay lang to, pero pagkatapos ng mga pag-amin niya parang iba na kasi.

"Oh huwag na mag-isip ng kung ano-ano. Diba bestfriends? at bilang bestfriend mo kailangan kitang alagaan at alam kong ganun ka din naman saken diba chi?" Kanina pa ko sumisipsip sa milk tea ko habang nginunguya yung mga pearls, di ko kasi alam kung paano ako magrereact sa mga pinagagagawa niya.

"Oo naman noh! ikaw pa ba malakas ka yata saken." Sumagot na ko this time kasi nakikita kong nage-effort siyang hindi maging awkward ang lahat kaya dapat ganun din ako.

"Pwesto ka na dun Chi, magbibihis na ko. Tignan mo ko kung gaano ako kagaling ah!" Ginalingan din naan sa pagbubuhat ng sariling bangko nitong unggoy na to.

"Ewan ko sayo Poy, pero Goodluck ah! pag yang pamamayabang mo hanggang salita lang may kutos ka saken mga 20 x." Nakita ko siyang napangiti ng sabihin ko yun. Hindi na siya sumagot at dumerecho na sa Cr at ako naman ay pumunta sa pwesto nila Ley at Pat.

"Ang sweet ng magbestfriends ah!" Sabi ni Ley pagkaupong pagkaupo ko. Hindi ko alam kung double meaning ba o ano eh.

"Sa sobrang sweet mukhang may nagseselos." Pang gagatong naman ni Pat. Tinignan ko siya at nakita kong may tinuturo ang nguso niya. Pagkatingin ko ay si Jeric pala, nakatingin saken ng blank face lang. Hindi ko mabasa yung emosyon. I just shrugged the fact na baka nga nagseselos siya ad imbis na intindihin ko yun ay I just mouthed "goodluck" sabay ngiti. Nakita ko naman na gusto niyang i-maintain yung blank face niya pero di nuya nagawa at napangiti din ng bahagya.

"Oy kayong dalawa ah, ma-issue kayo talaga." sagot ko nanlang dun sa dalawa.

"Sus kahit nama hindi mo ikwento bessy ay alam na namin. Huwag ka ng magkaila. Pero syempre nag-aantay pa rin kami ng in-depth na story telling kaya be ready ha." Pucha alam na ata ng dalawa yung ginawang pag-amin saken ni Pipoy. Mukhang wala nga akong matataho sa dalawang to.

"Ewan ko sainyo, manuod na lang tayo magsisimula na yung game oh." nakita kong lumabas na si Pipoy mula sa Cr at ngayon ay naka jersey na. To be honest kahit sinong bakla o babae ay maa-attract kay Pipoy kung physically ang usapan. Ang hipokrito ko naman kung sasabihin kong hindi mahalaga yun pero iba kasi eh, iba yung nagugustuhan ko sa tao. The personality is the most important for me, I'm not looking for a "syota" na short time lang. I'm looking for someone na I can grow old with, Yung masasabi kong "Hindi ako nagkamali na siya ang minahal ko" kapag matanda na kami. In short, I am looking for a long term relationship. Sobrang hirap kasing maginvest ng feelings tapos walang assurance kung magtatagal ba.

The Unexpected You (GayXBoy)Where stories live. Discover now