T.U.Y-20

1.5K 40 6
                                    

A/n: Hey guise! suggest naman kayo ng maganda bxb story. Nandito nanaman kasi ako sa phase na nawawalan nanaman ako ng ganang magsulat or should I say nawawalan ng idea hahahaha. Dati kasi yung nakapagbalik lang ng drive ko sa pagsusulat ay ung story dito din sa wattpad na bxb, baka may suggestion kayo o kaya suggest nyo story nyo. Yun lang, enjoy this update. :)

Chain's POV

"San mo ba ko balak dalhin?" Time check - 12:50 am. Patuloy pa rin sa pagmamaneho itong kumag na kasama ko. Pero sa totoo lang gustong gusto ko to, yung magroadtrip sa madaling araw.

"Chill ka lang jan, promise maganda dun. Idlip ka na lang muna kung gusto mo." sabi niya na hindi inaalis yung titig sa daan.

"Ayoko nga, patay ko na lang aircon. Gusto ko makalanghap ng totoong hangin. Wala nama masyadong usok ngayon oh." sabi ko sakanya dahil kakaunti na lang ang sasakyan na bumabyahe dahil sa gantong oras. Pinatay ko ang aircon ng sasakyan at binuksan ang bintana ko. Nakita ko din na binuksan ni Pipoy yung bintana niya, ako naman ay dumantay sa bintana at pinagmasdan ang dinadaanan namin. Hindi muna ako nagsalita, dinama ko na muna ang pagtama ng hangin sa mukha ko, ang sarap sa pakiramdam.

I want somebody to share
Share the rest of my life
Share my innermost thoughts
Know my intimate details

Napatingin ako sa kanyanang bigla siyang sumabay dun sa kanta. Medyo natatawa pa nga ko kasi sintunado siya pero mararamdaman mo yung sinseridad sa pagkanta niya.

Someone who'll stand by my side
And give me support
And in return
She'll get my support

Sumabay ako sa pagkanta niya dahilan para siya naman ang mapatingin sa akin pero agad din niyang binalik ang tingin sa daan nang samaan ko siya ng tingin dahil baka mamaya ay mabangga pa kami.

She will listen to me
When I want to speak
About the world we live in
And life in general.

Earl's POV

Gusto ko sana siyang sabayan sa pagkanta kaso alam ko naman na hindi kaganda yung boses ko kaya hinayaan ko na lang siyamg kumanta. Sobrang sarap sa tenga ko kapag naririnig ko siyang kumanta, hindi ako nagiging bias dahil lang may gusto ako sa kanya pero maganda talaga ang boses niya. Isa nga sa mga sikat na videos ay yung mga song covers niya eh, sobrang nakakarelax yung boses niya.

Napapangiti na lang ako sa mga nangyayari, ako kasama yung taong gusto ko na kaming dalawa lang habang gabi. Sobrang perfect nitong mga oras na to para sa akin.

"Oy Poy, kumusta kayo ng girlfriend mo?" Tanong niya nang matapos ung kanta. Ano ba ang dapat ong isagot? Hindi kami ayos kasi gusto ko ng makipaghiwalay sa kanya dahil ikaw ang gusto ko? ganun ba dapat? Kaso parang mali, wala man lang bwelo.

"Sa totoo lang hindi kami ayos." sahi ko na lang sa kanya, siguro ay dadahan-dahanin ko muna para di naman siya mabigla.

"bakit naman? Your fault or her's? Kwento ka." sabi niya, nararamdaman kong nakatingin siya sa akin at naghihintay ng isasagot ko.

"Pareho, ewan ko parang ayaw ng magwork ng relationship namin. Yung para bang ayaw ko na at ayaw niya narin." Totoo lahat ng sinasabi ko, mukha namang wala na din pake sa akin yun. Yung relasyon naming may label pero walang feelings na naka-invest.

"Nye paano mo naman nalaman na ayaw niya na? Tinanong mo na ba siya? Malay mo binibigyan ka lang niya ng time para makapag-isip isip." Pangungumbinsi nito sa akin. Bait ba ipinagtutulakan ako nito sa iba? hehe biro lang.

"Bakit ba puro ako yung sumasagot, ako naman ang magtatanong." Pagiiba ko ng topic, baka kasiamaya ay saan pa mapunta ang mga tanong niya eh.

"Sige, go." Matapag niyang sagot, wala atang tinatago tong tao na to eh.

"Paano kapag nagkagusto sayo yung kaibigan mo? Ahmmmmm rhetorical lang." Dagli akong sumulyap sa kanya at nakita kong napangisi siya, mukhang hindi gumana yung rason ko ah.

"Depende." maikli niyang sagot

"Depende? in what way?" tanong ko ulit sa kanya.

"Depende kung magugustuhan ko rin siya higit pa sa kaibigan. Sobrang dali ko lang kasi ma-attach sa tao, medyo impulsive din ako magdesisyon sa ibang bagay pero pagdating sa taong magugustuhan ko medyo nagdadahan-dahan ako. Ayoko na kasi masaktan ulit." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Nagka boyfriend ka na?" tanong ko sa kanya dahil ayun yung pagkakaintindi ko sa sagot niya.

"Oops, bakit puro ako ang sumasagot?" nalatawa nalang kaming pareho dahil sa paggaya niya sa akin.

"Ano ba naman yang kanta na yan, dapat diyan nililipat eh." sabi jiya at agad nilipat yung kantang happier ni ed sheeran. Nakita ko pang nagpunas siya ng mga kakaunting luha sa mga mata niya.

Sino kaya ang gagong nanakit kay Ichi? Ibig kong sabihin, masyado siyang mabuti para saktan, para gaguhin. Sa maikling panahon na pagsasama namin ulit, kitang-kita ko yung kabutihan niya. Sa bata, matanda maski sa mgaka-edad niya, wala siyang pinipiling tulungan. Ayokong mangako kasi sobrang dali lang nun, pero ang gusto ko lang sa mga panahon na to ay ang mapasaya si Ichi, kasi ayun ang dapat.

"Chi andito na tayo."

Chain's POV

Dinala niya ako dito sa tagaytay, to be specific, sa isang restaurant na over looking lang ang taal volcano.

"Ayos ba?" nakangiti niyang tanong sa akin pagtapos kong titigan kung nasaan kami. Napangiti na lang ako at napasagot ng "Ayos na ayos."

Sobrang ganda dito, sobrang tahimik, medyo madilim pa nga eh pero pasilip na ang araw. Alas singko pa lang kasi ng umaga, mabuti na lang at 24 hours bukas tong restaurant na to.

"Tara dun tayo sa 2nd floor, mas maganda magsight seeing dun!" maganang sambit sa akin ni Pipoy sabay hawak sa kamay ko at hila sa akin papunta sa second floor ng coffee shop. Hind ko na pinansin yung paghawak niya sa akin dahil magkaibigan naman kami, wala namang masama duon?

Pumwesto kami dito sa veranda kung saan kitang-kita ko yung kagandahan ng kapaligiran. Inabot nasa amin ng waitress yung menu at agad naman kaming pumili ng kakainin namin. Para ngang ayaw ko ng kumain at tumitig na lang sa bulkan eh, kaso mukhag tanga naman ako pag ka ganun.

"Sobrang ganda dito." biglang sambit ng bibig ko ng hindi namamalayan. Tumingin naman ako sa taong kaharap ko at nakita ko naman na sa akin siya nakatitig.

"Oo nga......sobra."

The Unexpected You (GayXBoy)Where stories live. Discover now