T.U.Y-16

2.2K 66 9
                                    

A/N: Hello guise! sorry kung mej matagal yung updates kasi mej marami din yung pinapagawa sa amin sa school pero wag kayong mag-alala, tinatry ko pa rin naman isingit ang pagdadraft kahit sobrang dami ko pang ibang dapat intindihin. HAHAHAHAH so calm yo tits mga baby beks at malapit na ang bakasyon sooooooo yeah keep reading. Comments and votes para naman masaya divine?

PS. please play the song above, nakakadagdag yan ng feels promise.





Earl's POV

"Oh pre kumusta! andito ka din pala" Sabi ni Jeric pagkalabas ko ng CR. Nakapambahay pa at mukhang nagmadaling pumunta dito, kunwari pang hindi alam na nandito ako eh narinig ko kanina na sinabi ni Ichi na kasama niya ko. Oo, naririnig ko pinag-uusapan nila ni Jeric at oo din masakit na superman ang tawag sa kanya ni Ichi. Badtrip kasi hindi ako makahanap ng tamang oras para makipag-hiwalay kay Vera eh, ayoko namang simulan ang pag-amin at panliligaw kay Ichi ng hindi pa ako malinis. 

"Ayos lang naman, kanina pa ko andito." Monotonous lang yung pagkakasabi ko, para naman marealize niyang di ako interesado sa pakikipag-usap sa kanya.

"Ah ganun ba? dinalaw ko lang tong boss babe ko, ayos lang ba? hindi ba ko nakaka-istorbo?" Sabi niya sabay akbay kay Chain, hindi ko tuloy alam kung maa-asar ako o maiinggit eh.

"Nako ayos lang, kakatapos lang naman namin magbake eh, diba Ichi?" sabi ko dito sabay tingin kay Ichi at ngiti. Sa ngayon ayaun pa lang ang kaya kong gawin pero sa lalong madaling panahon talaga, kikilos na ang inyong lingkod. hahahahah corny pero ganun talaga eh, corny na kung corny pero para kay Ichi kaya kong maging baduy basta mapakilig lang siya.

"Upo muna kayong dalawa jan, titingnan ko lang yung bini-bake namin baka tapos na." Pagkasabi nun ni Ichi ay agad siyang kumawala sa akbay ni Jeric at dumerecho sa kusina. Kaming dalawa naman ay umupo na pinagpatuloy yung panunuod ng movie.

"Kumusta kayo ni Vera?" paanimula ni Jeric dahil hindi pa dumadating si Ichi.

"Magsasabi na ako ng totoo sayo kuya, hindi kami okay at gusto ko na rin siyang hiwalayan." Derecho kong sabi kay Jeric, alam ko namang hindi siya makikielam kasi nasa tamang edad na kami at may sarili ng pag-iisip yung kapatid niya.

"Bakit mo siya gusto mo siya hiwalayan, para maligawan mo na din si Chain?" sabi nito ng derecho din. Sa una nagulat ako pero mas pinili kong ngumisi, nakakaramdam din pala ang gago.

"Oo sana eh, may problema ba dun?" sabi ko dito na hindi tinatanggal ang ngisi at ang paghahamon sa aking mukha.

"Nako wala naman, alam ko naman kasi yung mga piapasukan kong laban at alam ko din na ako ang mananalo." Confident nitong sabi, di ko itatanggi na medyo na nasakanya ang lahat ng alas. Pero syempre dapat fighting lang, may mangyayari ba kung susuko agad ako at di man lang susubukan?

"Ano namang pinag-uusapan niyong dalawa jan" sabi ni Ichi habang nakangit at dala-dala ang cake na ginawa namin kanina. Napa-isip ako habang nakatingin sa mukha niyang nakangiti, ayan ba yung susukuan ko? hindi, hinding-hindi.

"Wala, pinapayuan ko lang to si Earl tungkol sa kapatid ko." sabat ni Jeric at umusog para bigyan ng espasyo sa upuan si Chain at umupu sa gitna namin. Nakita ko naman na nangusap ang mata ni Ichi sa pagtingin niya kay Jeric, tila ba may gusto siyang sabihin na ayaw niyang malaman ko.

--------------------------------------------------------------------------------------

"Ano na pre? wala pa rin pag-usad?" tanong ni Chris sa akin, naging kaibigan ko simula nung lumipat ako dito sa school na to. Eto namang ugok na to matagal ng may gusto kay Ley, matagal niya ng inaamin pero hindi siniseryoso ni Ley kasi mukhang palaging nagjo-joke to. Palagi niya din kasing pinagtitripan si Ley nun kaya ayan siya ngayon, nga-nga pagdating kay Ley.

The Unexpected You (GayXBoy)Where stories live. Discover now