T.U.Y.-8

2.6K 72 4
                                    


A/n: hi guysssss finally may nakakapansin na rin dito kahit papaano hahahaha dedicated to kay essen_tial tsaka na yung totoong pagdedicate kapag nakapag computer ako sa cp lang kasi ako maguupdate eh. Thank you sa comment!

Chain's POV

"Uy ano ng sagot dun sa tanong ko?" Si jeric kakatapos lang namin magquantum at andito kami ngayon sa isang fastfood ng isang baklang bubuyog.

"Huh ano ba yung tanong? Kung gwapo ka?" Kanina nya pa kasi tinatanong yan at tumatawa lang ako. Malay ko ba kung seryoso o joke lang.

"Oo nga! Ano sa tingin mo, may nagugustuhan kasi ako kaso di ako confident sa itsura ko eh baka di ako gwapo para sa kanya." Ah seryoso naman pala. Kaso ako naman tong nalungkot, umasa nanaman si bakla hahaha.

"Eh bakit di sya tanungin mo?" Medyo masungit kong sabi, ewan ko kung napansin nya. Atsaka kahit di naman nya tanungin obvious na obvious na gwapo sya.

"Eh gusto ko ikaw muna ang sumagot." Ang kulit neto ah sana kung ako yung gusto nya edi kanina ko pa sinabi gwapo at ang hot nya kaso hindi eh!

Kumagat naman ako sa burger ko para di muna magsalita, give me time to think naman hahaha baka pag sinabi kong gwapo sya akalain pa nyang may crush ako sa kanya which is totoo naman.

"Alam mo jeric hindi mo naman kailangang maging gwapo para magustuhan ka din ng nagugustuhan mo. Maraming factor na pwedeng magpainlove sa isang babae. Una pagiging gentleman, ang sarap kaya sa feeling nung iniingatan ka ng lalaki na hindi ko pa naman naeexperience hahahaha pity me. Pangalawa, sense of humor. Kung kaya mo syang patawanin at pasayahin sa maliliit na bagay, big deal na yun. Ang effort kayang magpatawa lalo na kung pinanganak kang corny. So yunnn." Litanya ko sabay higop ng softdrinks at kagat uli sa burger.

"Ahmmm I agree pero hindi mo pa rin sinasagot yung tanong ko. Siguro panget nga ako, tanga-tanga ko kainis. Umasa pa akong aagree kang gwapo ako." Sabi nya at mukhang nalungkot pa yung mukha at yumuko. Tinignan ko naman si tutuy na busy sa pagkain ng spaghetti nyang nagkalat na yung sauce sa paligid ng bibig nya.

"Oy ang drama ah! May sinabi ba akong hindi ka gwapo?"

"Wala pero parang ayun na rin yung gusto mo sabihin eh!" Ang bilis naman magconclude neto.

"What? Ang gusto ko lang iparealize sayo na hindi lahat ng tao sa mukha bumabase, siguro yung karamihan oo but still may mga tao pa rin na mas pinapahalagahan yung ugali kesa sa physical appearance. Atsaka yung sagot sa tanong mo, oo." Nakita ko naman na napangiti sya sa mga sinabi ko pero mukhang nagulat nung sinabi ko yung "oo".

"Ibig sabihin gwapo ako para sayo?" Sabi nya na mukhang masayang-masaya. Teka naweweirduhan na ko sakanya.

"Hindi lang gwapo, gentleman, mabait at nakakatawa pa."sabi ko sakanya at ngumiti.

"T-totoo?"

"Ayaw mo, edi wag na lang. Okaya ibahin ko, panget, bastos, masama tsaka corny. Ayan ayos na ba?" Pabiro kong sabi ko sa kanya.

"Ikaw talaga chain puro ka biro. Pero kung totoo talaga yang mga sinasabi mo edi ibig sabihin malaki ang chansang magkagusto ka saken?" Hala paano napunta sa akin ang topic?

The Unexpected You (GayXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon