T.U.Y-10

2.3K 68 0
                                    

"We got this crazy chemistry between us."

Chain's POV

"So dito ka pala lumipat Pipoy? Di ka man lang nagbabye saken nun! Kainis ka!" Naglalakad kami ngayon pauwi, sya ang kasabay ko dahil may klase pa si Jeric ngayon. Sinabi nya kasi sa akin na kapag mauuna daw siya o sabay ang labas namin ihahatid nya daw ako.

"Uy Ichi galit ka pa din? Sorry di ko din naman alam na aalis na kami nun eh, iyak nga ko ng iyak nun kasi di na ko makakapag paalam sayo." Sabi nya na mukhang nalungkot naman ang mukha.

"Hahahaha joke lang baliw, masaya lang talaga ako dahil nakita ko ulit ang bestfriend ko." Sabi ko ng nakangiti habang nakatingin sa dinadaanan ko.

"Ako rin Ichi." Tumingin naman ako sa kanya at nakangiti na rin sya.

"Pero teka, matagal mo ng alam na ako si Ichi o ngayon lang din?" Tanong ko sakanya.

"Matagal na, nung sa tricycle pa lang. Akala mo galit ako nun? Masayang-masaya nga ako nun eh kaso di mo pala ako naalala kaya nagpapansin ako sayo baka sakaling maalala mo ko kaso hindi pala. Kanina di na kita matiis eh kaya ako na ang nagsabi ang tagal mo maka alala eh."

"Eh bakit di mo sinabi agad kung alam mo na?" Tanong ko sakanya, medyo magulo din tong lalaking to eh.

"Eh kasi gusto ko ikaw unang maka alala baka kasi pag ako ang unang pumansin mapahiya lang ako tapos di na pala bestfriend ang turing mo sa akin or worst di mo na talaga ako naalala."

"Tch." Nasabi ko na lang kasi medyo shunga din ako, di ko man lang sya narecognize kaagad.

"Pero alam mo ba Ichi nagtampo ako sayo nun, kasi ikaw kahit ilang taon na ang lumipas di kita nakalimutan. Kahit lumaki ka ng onti tsaka pumayat ka hinding-hindi kita nakalimutan."

"Sorry na nga eh. Kasi nag-iba yung itsura mo eh dati cute ka lang..." Di naman nya pinatapos yung sasabihin ko.

"Ngayon ano na ko?" Nakakaloko yung ngiti at tingin nya.

"Gwapo ka na hahahaha" sabi ko sakanya na may kasama pang tawa.

"Oh bat ka tumatawa? Ano yun joke lang na gwapo ako?" At pumosing posing pa talaga.

"Hahaha hindi promise gumwapo ka nga." Parang pang baliw lang yung usapan namin.

"Sus palibhasa si Jeric lang ang gwapo sayo eh noh." Nagulat naman ako nang nabanggit nya si Jeric.

"Oh bat nasali dito si Jeric?" Tanong ko naman sakanya.

"Boyfriend mo ba sya Ichi?" Tumigil muna kami sa paglalakad atsaka hinarap nya ako sakanya. Hawak hawak nya mga ngayon ang mga balikat ko, hindi naman mahigpit sapat lang.

"A-ah h-hindi pa." Iba yung titig nya, nakakaintimidate kaya tinanggal ko agad ang tingin ko sa kanya.

"Hindi pa? So malapit na?" Hindi nya pa rin tinatanggal ang tingin nya sa akin pero kinalas ko na yung pagkakahawak nya sa mga balikat ko.

"Hindi pa noh! Naguumpisa pa nga lang manligaw eh tsaka di ako mabilis makuha noh lalo na't may trust issues ako." Sagot ko sakanya at nagsimula na ulit maglakad.

"Ahhhh buti naman."sabi nya at nilagay ang dalawang kamay sa likod ng kanyang ulunan at sumunod na rin maglakad.

"Bakit buti naman?" Sabi ko sakanya at nandito na kami sa isang eskinita na short-cut papunta sa bahay namin. Medyo nakakatakot nga lang kasi madilim dahil natatakpan ng bubong ang liwanag.

"Ahhh kasi gusto ko din man---"

"HOLDAP TO IBIGAY NYO SAKIN ANG MGA PERA AT CELLPHONE NYO!" Sabi ng isang lalaki, hindi ko sya napansin ah. Agad naman nyang itinutok ang kutsilyo nya sa akin mas nauuna kasi akong maglakad kesa kay Pipoy.

The Unexpected You (GayXBoy)Where stories live. Discover now