Chapter 8: D-A-T-E

40.1K 1.3K 243
                                    

Hindi yata nakatulog si Mona nang gabing iyon dahil sa tawag ni Felix. Nakahanda na ang tatlong dress na pagpipilian niyang isuot pagkagaling niya sa trabaho. She also already made several plans for the day para maisakto niya sa alas kwatro ang uwi. Kailangan niyang magpaganda nang bongga.

Dapat nga ay hindi na rin siya papasok. Ang kaso, hirap siyang iwanan ang trabaho. So she made a list of things to do for her team. And she will insist that they call her if anything goes wrong. Syempre hindi niya ikakansela ang date, pero baka madala niya si Felix sa bakeshop nang wala sa oras.

Nang mapansing alas kwatro na ng umaga, nag-set siya ng alarm at saka pumikit. Exactly 2 hours later, she woke up, cooked breakfast, and got ready for work.

Nang makarating namans a trabaho, hindi siya makapagtrabaho nang maayos. Tingin siya nang tingin sa relo. Check nang check ng phone, inaabangan kung magka-cancel si Felix. It happened before, a few times, so sanay na siyang ma-disappoint. Hindi pa rin kasi nagsi-sink in sa kanya na magdi-date sila. Kahit pa sabihing dahil lang 'yon sa special cupcakes na ginawa niya para kay Bullet, date pa rin 'yon!

"Umuwi ka na kaya," sabi sa kanya ni Tatay Ben nang mapansin nitong hindi niya mairolyo nang maayos ang fondant.

"Tatapusin ko lang 'to, 'Tay."

"Kaya na namin 'yan." Lumapit ito at kinuha ang fondant sa kanya. "Umuwi ka na."

"Alas tres pa lang e."

"O, ayaw mo no'n? May apat na oras ka pa para magpaganda," sabi nito nang may ngiti.

Kalat na kasi sa buong bakeshop na idi-date siya ng crush nya. Ang mga empleyado naman niya, sobrang supportive. Ilan kasi sa mga ito ay matagal na niyang kilala at hinihintay na rin siyang makapag-asawa.

"Kami na dito, Ate Mona," sabat ni Tess.

"Umuwi ka na. Para sa pag-ibig!" Ralph raised his closed fist in the air.

Nailing siya. "Seryoso, guys. Lalo nyo akong pinakakaba."

"E bakit ka ba kasi kinakabahan? Gusto mong i-date ka nya, di ba?"

"Wishful thinking lang kasi 'yon," sagot niya. "Hindi ko naman inisip na magkakatotoo e."

Nilapitan siya ni Tatay Ben at inakbayan. "Mabuti nga nagkatotoo pa e. 'Yong iba dyan, hanggang pangarap lang. Kaya 'wag kang matakot. Kasi kapag pinangunahan ka ng takot, saka ka mamalasin."

Ngumuso siya.

"Kaya umuwi ka na at maghanda. Kapag successful ang first date nyo, ilibre mo kami pagbalik mo."

Sinamaan niya ng tingin ang matanda. "Sabi na may kapalit 'yong moral support nyo, e."

Tumawa si Tatay Ben.

"At kapag nagkatuluyan kayo, pakitaasan po 'yong sahod namin," dagdag ni Tess.

She waved her hand dismissively. "Ewan ko sa inyo! Uuwi na 'ko, ha! Kapag may problema—"

"—kami na ang bahala. Sige na. Alis na."

Wala na siyang nagawa nang ipagtulakan siya ng mga ito palabas ng work station. Dala ang bag at bitbit ang kaunting worry, insecurities, at self-doubt, nagpaalam na siya sa mga nasa likod ng counter at saka umuwi.

--

Mona took a bath for one and a half hours. She dried her hair and did her makeup for another hour. 'Yong ayos niya, bonggahan level talaga. 'Yong tipong may plano siyang kabugin.

She chose a sexy dress to wear. Pencil skirt, itim at hapit na hapit sa katawan. Itim, para hindi masyadong malaking tingnan ang balakang niya. Malaki kasi talaga ang balakang niya, mana sa mommy. Ang itaas ng dress ay sleeveless, see-through na printed.

The Way To His Heart (The Starving Squad #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon