Chapter 39: Closure

34.3K 1.3K 156
                                    


It was already raining when Mona reached the place. It was a good thing that she had a sense to come back for an umbrella. Dahil malayo ang lugar, nag-tricycle siya hanggang sa bungad ng property nila kung saan nakalagay ang koprahan. Saka siya nagpahatid sa caretaker papunta sa kinaroroonan ni Felix. Nagulat pa nga ang matanda dahil hindi nito alam na may naiwan.

Pinabalik na niya ang matanda nang malapit na siya sa kubo.

My gasera na nakasabit sa kahoy na nasa gitna ng kubo. Iyon ang nagsisilbing ilaw. May lamesa lamang sa gitna noon. Nakaupo si Felix sa upuang kawayan na bahagi ng kubo. Mukhang nabasa ito ng ulan. He's drying himself with a face towel. Saka nito tinatampal-tampal ang sarili. Malamok yata.

Nang mapagod sa katatampal ay itinukod nito ang dalawang kamay sa tigkabilang tabi at saka tumitig sa gasera na nasa lamesa. He's in deep thought. Ni hindi nito napansing nakatayo na siya sa bukana ng kubo.

She was still hesitant to go in. Ngayon lang uli siya nakaramdam ng ganoong klaseng kaba. Nanghihina ang mga tuhod niya. So she just stood there for a while and watched him. Iba't ibang klaseng emosyon ang nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. Gulong-gulo siya sa sarili. She was happy to see him but sad to see him in this state. He looks tired and defeated.

Nang makaipon ng kaunting lakas ng loob, tumikhim siya. Agad itong napatingin sa gawi niya at mukhang nagulat nang makita siya. Humigpit ang pagkakakapit niya sa tangkay ng payong nang bigla itong tumayo.

"M-Mona..."

She went inside the hut and closed her umbrella. Doon siya sa kabilang side ng table pumunta. Ipinatong niya ang dalang jacket sa lamesa.

"Isuot mo. Malamig na."

Tumango ito at ginawa ang sinabi niya. Then he sat down again. Naupo rin siya.

Matagal silang nanahimik na dalawa. She was thankful for the rain, for somehow filling in for the silence. It wasn't too awkward, though. Pakiramdam lamang niya ay naghihintayan silang dalawa. It felt like he has so much to say but isn't sure if he should say them. Maybe he's not sure if she'll allow him to or if she would listen.

"Sana hindi ka nagpaiwan," sabi niya rito nang hindi na niya kinaya ang katahimikan.

"Sabi ng daddy mo kailangan na raw bukas. I just want to help."

"You know they just want you to work overtime."

He gave her a tight smile. "Okay lang naman."

"No. It's not okay. Hindi ka pa ba napapagod?"

"I told you, when I love someone, I can't stop. I can't stop until they love me back or break my heart."

Hindi na siya nakapagsalita pa. Ramdam niya ang pag-init ng sulok ng mga mata niya. Baka kapag nagsalita siya, bigla siyang umiyak.

"I know it's been almost a year since I left, but I feel like there is still a chance for us. So I'm taking that chance."

She looked outside and blinked off the tears. The drizzle became a downpour. Parang umiiyak ang langit para sa kanya. When she spoke, she could hear her voice breaking, like pain pounding on fragile glass. "B-Bakit ka ba kasi umalis?"

Bumuntong-hininga ito. "Things got complicated."

"Kaya umalis ka agad? We could've worked it out! Understanding naman ako. Whatever it is you're going through, iniintindi ko naman, di ba?"

He looked at her intently. "You broke up with me."

"You let me break up with you," she replied with spite.

The Way To His Heart (The Starving Squad #3)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu