Chapter 32: B and B

32.6K 1.3K 283
                                    

Even though they already said goodbye, and even though she wants to hate him for leaving without giving her a second look, Mona was still hoping for Felix to come back. Every phone call, she hoped that she'd hear his voice again. Every message, she wished for his apology. Every knock on her door, she expected that she'd see him standing outside.

Pero ilang araw na ang lumipas, wala pa rin itong paramdam. Apektado na pati ang trabaho niya. Hindi siya makakilos. Lulugo-lugo palagi. Hindi magawang ngumiti. Pinagpapahinga na nga siya ng mga katrabaho pero ano naman ang gagawin niya sa bahay? Magmumukmok? Lalo lang siyang malulungkot kapag mag-isa.

"Anak."

Lumapit sa kanya si Tatay Ben. Kinuha nito ang mixture ng icing na gagamitin nila sa cake, hindi pa niya nahahalo. Kanina pa yata siya nakatulala. Wala siyang lakas na magpumiglas nang dalhin siya nito sa office niya.

Pinaupo siya ni Tatay Ben.

"Umuwi ka na muna."

Umiling siya. "I need to work, Tay."

"Hindi ka naman nagtatrabaho, e. Nakatulala ka lang maghapon. Nag-aalala na kaming lahat sa 'yo."

"Gutom lang po ako," dahilan niya. Totoo naman dahil kagabi pa siya hindi kumakain. She just doesn't feel like doing anything. She can't cook at night. She can't eat at night. Medyo sanay na kasi siyang kasabay si Felix kumain, sa labas man o sa bahay niya.

"Dito ka lang, ha. Magpahinga ka muna," sabi sa kanya ng matanda.

Nang lumabas ito ng opisina, sumubsob siya sa lamesa at pumikit. Nanghihina siya. Hinang-hina. As if every ounce of her strength left her when Felix left.

She sniffed. Unti-unti na naman niyang naramdaman ang piga sa puso niya. Sawang-sawa na siyang umiyak pero hindi niya mapigilan ang sarili. The thought that she might never see him again, ever, hurts.

Hindi niya namalayang humahagulhol na siya.

--

Kumuha si Tatay Ben ng pagkain kanina. Pakakainin sana siya. Kaso ay naalarma ito nang makita siyang umiiyak kaya pwersahan siya nitong pinauwi. Ito na mismo ang naghatid sa kanya pauwi. At hindi ito umalis nang wala siyang kasama. Kaya napilitan siyang tawagan si Baste. Ito lang kasi ang alam niyang hindi masyadong busy at malapit lang sa kanya.

Brandi would be a nice option too, pero ayaw naman niyang pabayaan ng kaibigan ang trabaho nito dahil sa kanya.

Tatay Ben left when Baste arrived. May dala rin itong pagkain dahil hindi pa siya kumakain simula kagabi. He was quietly observing her while she ate. Pakiramdam niya ay hinuhusgahan siya nito dahil mugtong-mugto at pulang-pula ang mga mata niya.

She handed him a burger. "Have some."

"I'm not hungry."

"Hindi ko ubos 'to."

"Pilitin mo."

Dalawang malaking burgers ang binili nito. May isang paper bucket ng fries. Saka salad. Simangot siyang kumagat ng burger.

There's no pity in his eyes. But there is no warmth either. Ilang linggo rin yata silang hindi nagkita pero ganoon pa rin ito, cold and apathetic. She munched on her fries. Everything tastes salty. Ganoon ba talaga ang lasa ng pagkain o may problema lang ang panlasa niya?

"Kumusta ka naman? May work ka na?" tanong niya kay Baste.

Sumandal ito sa one-seater niya. "Ayos naman. And wala pa."

"What's keeping you busy?"

"Things," he answered nonchalantly.

"Do you go out on dates?"

The Way To His Heart (The Starving Squad #3)Where stories live. Discover now