Chapter 28: Dealing with the Truth

36.1K 1.3K 339
                                    


"Mag-Tinder ka na lang kasi!" bulalas ni Brandi nang ikwento ni Mona sa kaibigan ang nangyari noong bagong taon. Galit na galit ito dahil sa naging trato ng pamilya ni Felix sa kanya. "Hindi ko talaga ma-gets kung bakit nakikipagsiksikan ka pa sa pamilya ni Felix, e. Kung gusto mo ng boyfriend, sana nagsabi ka sa 'kin! I can hook you up with someone na single at walang sabit!"

Nagpangalumbaba siya. It was a Saturday, one week ago from new year. Plano sana niyang magbakasyon ng buong weekend kasama si Felix kaso hindi raw ito pwede dahil may lakad ang buong pamilya nito. Umiyak daw nang umiyak si Angela hanggang sa mapapayag ang daddy nito na sumama. She's been busy all week. Ganoon din si Felix. Friday morning, he confirmed that he can't go. Inaya siya nitong sumama na lamang sa pamilya nito pero tumanggi siya. Sinabi na lamang niyang gusto rin namang makipagkita ni Brandi.

It turned out that the latter had no plans for the weekend, so here they are, drinking their milkshakes and eating pasta.

"Beh, for hookups lang ang Tinder. Di naman ako tigang. Saka ang daming gago sa app na 'yan."

"At matino si Felix?" taas-kilay nitong tanong.

"Matino sya, Beh. Nagkataon lang na may anak na sya," pagtatanggol niya sa lalaki.

Brandi shook her head. "Okay, so matino sya. But he still has a child. He's still responsible for her. And I'm sure that kid wants to make her family whole again. The Mona I know won't get in a way of that happening."

Yumuko siya, biglang tinamaan ng hiya sa sinabi nito. "I know, but..." She bit her lip and whispered, "I love him."

Kasabay ng malakas na pagmumura ni Brandi ang pagtama ng kamao nito sa lamesa. Nagulat ang mga tao sa café. Napatitig sa kanila ang mga ito.

"Kumalma ka nga!" she hissed at her friend.

"Paano ako kakalma? Lampas na sa kalendaryo 'yang edad mo pero tatanga-tanga ka pa rin!" pasigaw nitong sabi.

Hiyang-hiya na siya dahil maya't maya silang nililingon ng mga tao roon. Kung bakit ba naman kasi napaka-eskandalosa ng kaibigan niya.

"Beh, tone it down, please. Nakakahiya sa mga tao..." pakiusap niya.

Huminga ito nang malalim. Saka siya nito tiningnan nang mataman. "Sort this out, Mona, okay? You don't need to waste your time waiting for him to figure out where you could fit in. Other guys could give you more than what he's giving! Pumili ka naman kasi ng taong kayang ibigay 'yong lahat ng oras nya sa 'yo. 'Yong ikaw ang priority, hindi 'yong isinisingit ka lang kapag hindi sya kailangan ng anak nya."

"Madaling sabihin pero alam mong mahirap gawin."

"Hindi mo kasi sinusubukan!"

She rolled her eyes. "Trust me, Beh, I've tried."

"Well, this time, do it with a little more conviction!"

"Alam mo, you almost sound like Baste."

"'Yong kababata mo?" tanong nito na sinagot niya ng tango. "What's up with him, nga pala? Kwento ni Tita, gwapo raw. Mayaman. Doktor. And he's single. So... bakit hindi na lang kayo?"

"Wala kasi akong maramdaman para sa kanya, Beh."

"Choosy ka pa?"

"Oo na, choosy na kung choosy, but between him and Felix, si Felix ang mahal ko. Syempre, sa kanya ako."

Brandi sighed exasperatedly. Mukhang napagod ito sa pakikipag-usap sa kanya. So, instead of adding anything to the topic, kinuha nito ang phone niya.

The Way To His Heart (The Starving Squad #3)Where stories live. Discover now