ONS 15

3.9K 69 17
                                    

K E N T

"Kent! Teka ano ba! Bakit ka ba nagmamadali?!"

Inis kong tiningnan si Hens na ngayon ay nakasabay na sakin mag lakad "Wala na tayong oras!"

Tumawa siya sa sinabi ko kaya akma ko siyang susuntukin "Ano ba! Maririnig mo naman iyon pag uwi!"

"Pano kapag hindi?!" Sigaw ko sa kanya at pumasok sa kotse. Sumakay naman siya agad habang tumatawa pa din.

"Ulol, matatalino mga inaanak ko. Sabihan mo lang iyon 'say daddy again, say daddy again' magsasalita ang mga iyon!"

Nasa last subject kami ni Hens nang tumawag si mommy na nakapagsalita na daw ng first word si Dylan, at sunod sunod daw yung tatlo mag salita.

Pinakuha ko pa kay mommy ang camera na nasa drawer ko para i-video ang mga anak ko. Hindi pwedeng wala ako sa first word nila, ipinangako ko sa sarili ko na kukunan ko lahat ng video ang mga anak namin para walang ma-miss si Gabriella kapag nagkita kami ulit ng mga anak niya.

"Kalibhasa wala akong anak eh."

Napailing nalamang ako at kumalma mag drive pauwi ng bahay.

"Nga pala, yung Candice aka Candy, gusto makipag group sa atin sa isang subject. Sa major. Sa research."

"Yung mag jowa ba?"

"Oo sila nga. Makakatulong kaya iyon? O pabuhat?"

Napangisi ako sa sinabi niya "Kilalanin na muna natin bago ka um-oo."

Nang maka park ako sa garahe ng kotse ay agad akong tumakbo papunta sa loob ng bahay. Nasa playroom daw sila, kaya agad akong pumunta doon. Nadatnan ko si mommy, habang patuloy na rine-record ang tatlo habang nakaalalay ang magkapatid na yaya nila na kinuha ni mom simula nang mag aral ako. Si Gwen at Wenny.

"Oh here's your daddy.."

Ibinaba ko ang bag at lumapit sa kanilang tatlo.

"Dydy? Here's your daddy.." I told Dylan who went to me with his walker.

"Da..dada.."

Napanganga akong tumingin kay Hens na kasalukuyang suot rin ang saya sa mukha niya sa narinig.

"Rylan? How about my Finny?"

"Dada...dadada..dada?"

"Dada.. bwamlahmlah di.."

Sunod-sunod na silang tatlo nag sasalita ng word na dada. Manghang mangha ko silang hinalikan isa-isa "Yes, yes.. I'm your dada.."

Halos maluha ako sa narinig "Dadaa..di..di..dada.."

Kinuha ko ang camera kay mom at agad silang kinunan ng videos. Si Hens naman ay tumawag habang nilalaro namin sila.

"I told them to say mommy, but only the word M ang kaya nilang sabihin."

"It takes time mom." I said to her "They'll know it and will surely let them say it."

"Ihanda ko lang po ang gamot ni Dylan." Pag excuse ni Gwen at umalis.

Dylan has his monthly check up on dad's hospital. May bagong heart specialist na ine-recommend sa amin. They take good care of Dy. And usually kapag may mga di inaasahang atake, sila ang pumupunta sa bahay. Sobrang pasasalamat ko sa panginoon dahil biniyayaan ako ng isang bagong pamilyang inaalagaan ang mga anak ko.

"May balita ka na ba kay Gabriella?" Tanong ni Hens na nakapag pa hinto sa akin saglit.

Umiling ako at ngumiti ng mapait "Gusto ni dad kumuha ng isang private investigator pero kusang ako ang himinde."

Runaway Dad (Under Revision)Where stories live. Discover now