Chapter 18

358K 10.1K 1K
                                    

Chapter 18


Lalong lumalakas ang kaba sa dibdib ko habang humahakbang na akong muli paakyat ng hagdan. Anong sasabihin ko kay Nero? Damn. Hindi ko akalaing magkakaganito ang honeymoon namin. We're supposed to enjoy the whole night, kissing and touching each other.

Pero anong nangyari sa amin? Damn. Naiinis ako sa sarili ko, bakit ko ba naisipan na iposas ang hari ng mga Shokoy? Sa halip na magsaya kami buong magdamag, ito ako ngayon at problemado kung paano pahuhupain ang mainit niya ulo.

Pinilit kong pasiglahin ang aking boses nang bumalik ako sa kama.


"Let's just sleep Nero, bukas hahanap ako ng tatanggal niyan sa'yo" malambing ko siyang niyakap habang sinisimulan halikan sa kanyang mukha.


"Aabutin ako dito ng bukas? Do you think I can sleep well with this?" iritado niyang pilit tinatanggal ang kamay niya sa posas. Hindi ko na yata mabilang kung ilang mura na ang narinig ko kay Nero. Sino nga ba ang matutuwa sa ginawa ko? Damn.

Nagsisimula na akong maguilty sa ginawa ko, bakit ba hindi ko muna tiningnan kung may susi ang posas na iginapos ko sa kanya? Haist.


"I'm sorry, promise babawi ako sa'yo. Gagawin ko lahat ng gusto mo, hindi na tayo lalabas maghapon sa kwartong ito Nero. We'll do everything you wanted" mabilis ko siyang hinalikan sa kanyang mga labi. Kung kanina ay agad niya akong tinutugunan ngayon ay para siyang estatwa na parang walang kabuhay buhay.


"Nero, I'm sorry. Anong gusto mo? Gagawin ko?" paulit ulit ko siyang hinahalikan pero nanatiling nakakunot ang noo niya. Wala akong narinig sa kanyang sagot ng ilang minuto.


"Let's just sleep, ano pa ba ang magagawa ko? Nakaposas na ako" hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil kahit anong tingnan ay ako ang mali. Humiga na ako at pilit kong isiniksik ang aking katawan sa kanya kahit alam kong mainit na ang ulo niya sa akin.

Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa din ako dalawin ng antok at alam kong ganoon din si Nero. Sino nga ba ang makakatulog ng maayos kapag nakaposas ka?


"Nero, I'm so sorry. Sa tingin mo matutulungan tayo ni Tristan?" pagbabakasakali ko. Kung umiral ang pagkashokoy ng tatlo niyang mga pinsan baka naman hindi tamaan si Tristan? Pwede ba na mangyari 'yon?


"He's my cousin, wala din siyang matinong magagawa kapag nakita niya akong ganito" sagot sa akin ni Nero. Ano na ang gagawin ko? Pansin ko na masyadong malayo ang sunod naming kapitbahay dito. Iiwan ko si Nero na mag isang nakaposas dito bukas ng umaga? I can't leave him like this.


"Bukas ng umaga, hihingi na lang ako ng tulong sa pinakamalapit nating kapitbahay" ito na lang ang nasabi ko kahit labag sa aking kalooban. Ayoko siyang iwan dito. Hindi na siya sumagot sa sinabi ko.

Hinintay ko munang tuluyan nang makatulog si Nero bago ako bumangon sa aming kama at abutin ang telepono ko sa side table. Mas mabuting humingi na ako ng tulong ngayon, dahil alam kong nahihirapan na si Nero lalo na kung paaabutin ko pa ito nang matagal na oras.

Mabilis akong nagtext kay Tristan. Wala na akong pagpipilian pa, baka naman mapakiusapan siya ng maayos.


Ako: 'Hey, we need help Tristan. Please textback' tiningnan ko ang oras mag aalastres na ng madaling araw. Gising pa kaya ang antukin shokoy na 'yon?

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon