Chapter 57

327K 10.1K 2K
                                    

Chapter 57


Mabilis lumipas ang panahon, pitong buwan na ang mga anak namin ni Nero. Habang lumalaki sila, mas lalong nakikita ang malaking pagkakahawig ng mga ito sa kanilang Daddy. Masasabi ko na kulay lang kutis ko ang nakuha nila, ang lahat ay namana nila kay Nero.

Talagang malakas ang dugo ng mga Ferell, nakuha din ng kambal ang dimples ni Owen. Si Vino ay may malalim na dimples sa magkabilang pisngi, si Tovar ay isang dimples sa kanyang kaliwang pisngi habang si Rance naman ay sa kanyang kanang pisngi.

Hindi lang ako, kahit ang mga kamag anak namin ay napapansin na masyadong malalaki ang mga anak namin ni Nero kumpara sa mga normal na batang pitong buwan pa lamang. Hindi na ako magtataka, malalakas silang uminom ng gatas kaya ito sila at namimintog ang kanilang mga pisngi dahil sa sobrang kalusugan.

Kasalukuyan kaming nakahilata ni Nero sa napakalaking baby mat na hugis oso habang naglalaro ang triplets, gumapagapang na silang tatlo. Kaya ito at naglalaro na sila at suot nila ang regalo ng kanilang Ninong Troy.

"Nero, ang cute cute nilang tatlo. Manang mana sila sa mommy."

"Sa akin Florence, sa akin nagmana ang tatlong 'yan." Giit ni Nero sa akin.

"Uhuh? Kahit itanong pa natin sa triplets si mommy ang ituturo nila." Ngumuso si Nero sa sinabi ko.

"Ofcourse, ikaw ang lagi nilang kasama. Ikaw ang ituturo nila." Nakagat ko na lang ang pang ibabang labi ko sa tono ni Nero.

"Don't worry, love ka rin naman ng triplets, tuwang tuwa nga sila kapag dumadating ka. Nagtatampo ka na niyan Nero?" ilang beses ko siyang hinalikan sa kanyang pisngi.

Nakaunan ako sa braso ni Nero habang nilalaro na ng triplets ang suot na damit ni Nero. Kapag tumatawa silang tatlo ay natatawa na rin kami ni Nero.

Nakakatuwang pagmasdan na naglalaro na ang mga anak namin. Tuwing sabado at linggo na lang kaming ganito dahil abala na sa trabaho si Nero.

Tumang tuwa silang habang pinagdidiskitahan nila ang damit ng Daddy nila.

"Bagay na bagay sa kanila ang binigay na ito ni Troy, saan niya ito nabili? Our babies are so cute." Hindi ko mapigilang hindi pisilin ang ilong ng triplets sa sobrang panggigigil ko sa kanila.

"My three little puppies." Ngising sagot ni Nero.

Suot ng triplets ang bigay ni Troy na baby costume na may desinyo na parang mga tuta.

Our triplets are wearing an overall hoddie costumes made of thick fur, color white with brown spots. Ang hoddie nila ay may napakalaking tenga na parang sa totong mga tuta. Ang sarap sarap nilang yakapin.

They looked so adorable, lalo na kapag gumagapang sila. Mas lalong napansin ang namimilog nilang mga pisngi dahil sa mga suot nila.

"Ito talaga ang binigay ni Troy sa mga bata, ginawa niyang mga tuta." Natutuwang sabi ko.

Nakahiwalay na sa amin si Vin at Tovar na naghahabulan sa paggapang. Sabay kaming napapangiti ni Nero, habang nakadapa naman si Rance sa dibdib ni Nero at nilalaro nito ang mukha ng Daddy niya.

Sa kanilang tatlo si Rance ang pinakamalambing, lagi siyang madikit sa amin ni Nero. Hindi katulad ng dalawa na may sariling mundo.

"Dad---dy, repeat after me Rance." Pagtuturo ni Nero. Bumangon ako mula sa kanyang braso at kinuha ko si Vino at Tovar. Idinapa ko rin si Vino sa dibdib ni Nero at sa akin naman si Tovar.

Naghihilahan na ng tenga si Vino at Rance, tawa nang tawa si Nero habang tinatanggal niya ang kamay ng dalawang bata sa kanilang malaking tenga.

"You don't pull each other's ears." Nanggigigil na din si Vino at Rance sa isa't isa. Wala na kaming tigil ni Nero sa pagngiti at pagtawa habang pinapanuod namin ang cute naming mga anak.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon