Chapter 42

283K 9K 1.4K
                                    

Chapter 42


Natahimik kaming dalawa ni Sapphire sa sinabi ng sarili naming ama. Hindi man lang siya nagtanong sa panig namin, nakita niya lang umiiyak ang bago niyang asawa kaming mga anak niya na ang lumabas na masama.

Naging bingi siya sa mga paliwanag namin at tanging si Amira lang ang naririnig niya. Anong tingin niya sa amin ng kapatid ko mga sinungaling? Nagpunta lamang dito para makipag away?

Pumunta kami dito ni Sapphire para dalawin ang mga kapatid namin, pumunta kami dito dahil tanggap namin sila. Hindi ako nagreklamo noon, tinanggap ko ang bagong asawa niya, tao akong humarap sa kanya, tao kong tinanggap ang patawad niya. Pero ito pa ang igaganti niya sa akin? Sa kapatid ko?

Napahawak na lang ako sa tiyan ko, ramdam na ramdam ko ang paghilab nito. Siguro ay nararamdaman ng mga anak ko ang matinding galit sa sistema ko. Hinding hindi ako hihingi ng tawad sa babaeng nagawa akong batuhin, ano pa ang maaari niyang gawin sa akin sa mga susunod na pagkakataon?

Bakit ang tangka naming pagdalaw ay biglang naging ganito? Kami pa ang lumabas na masama at walang mga modo. Kami pang mga anak niya na pumunta lang dito para makisama.

Respeto lang, kaunting respeto lang ang kailangan ko. At wala nito ang bagong asawa ng daddy ko.

"Lalayas na lang kami Daddy, hindi ako hihingi ng tawad sa babaeng 'yan!" Matigas na sabi ni Sapphire.

"Saffira Primrose!" matigas na sigaw ni Daddy kay Sapphire.

"What? Sinaktan niya si Florence!"

"I didn't, she's lying Lorenzo.." isinubsob na ni Amira ang kanyang sarili sa dibdib ng daddy ko.

"Oh my god! Hindi ko na kayang tagalan ang lugar na ito. Let's go Florence!" kinuha ni Sapphire ang isa kong kamay. Nakatitig ako kay Daddy at mabilis kong pinunasan ang tumulo kong luha gamit ang isa kong kamay.

"Kailan mo kami pipiliin Daddy? Lagi na lang ganito, lagi na lang. Pababayaan na kita daddy. Dyan ka naman masaya, pero hinding hindi niyo ako mapipigilang ipaglaban ang karapatan ko sa bahay na ito." Taas noong sabi ko.

Sabay naming nilampasan si Daddy at Amira na patuloy pa rin sa paghikbi sa hindi ko maintindihang dahilan. Gusto kong hilahin ang buhok niya palabas ng bahay.

Hindi pa man kami nakakailang hakbang ay narinig namin ang balisang boses ni Daddy.

"Mga anak.." sabay kaming lumingon ni Sapphire kay Daddy. Pansin ko na saglit umasim ang mukha ni Amira sa ginawang pagtawag ni Daddy sa amin.

Hinintay namin na magsalita si Daddy ng ilang segundo pero wala kaming narinig si Sapphire mula sa kanya. Sabay kaming tipid na ngumiti ng kapatid ko at sabay naming itinalikod ang aming mga sarili sa harap ng aming sariling ama.

Hindi ako tanga para magpakababa sa isang taong nagmataas na, nakatamasa lamang ng karangyaan.

At alam kong sa mga oras na ito, hindi lang ako ang lumabas sa mansion na lumuluha. Umiyak din si Sapphire.

Sumakay na kami ng sasakyan at ilang minuto kaming natahimik ng kapatid ko.

"What happened?" natatawang sabi ni Sapphire.

"Pinalayas tayo, lumayas tayo." Matabang na sagot ko. Narinig kong muling tumawa si Sapphire.

"Why I have this feeling na natalo tayo ng impkatang Amira na 'yon?" naiiling na sabi niya.

"No way, pupunta tayo kay lolo ngayon. Alam kong tayo ang paniniwalaan ni lolo."

"Yes" mabilis iniliko ni Sapphire ang sasakyan sa ibang direksyon. Hindi ako titigil hanggang hindi ko napapalayas ang babaeng 'yon sa bahay ng mommy ko.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon