Chapter 10

399K 13.2K 10.1K
                                    

Last LG's POV


Chapter 10


Dumating na ang araw ng pagtutuos. Puputulin na ang dapat putulin, patatalasin ang dapat patalasin, babalatan ang dapat balatan. Nakasalalay sa araw na ito ang kinabukasan ng buong lahi ng mga Ferell.

At ako bilang mabuting lolo nararapat ko lamang patatagin ang loob ng aking mga apo na nakatakda nang tulian.

Ibinaba ko na ang dyaryo na hawak ko. Katatapos ko lamang magbasa ng aking horoscope. 'Hawakan ang dapat hawakan, hugasan at linisin ang masamang enerhiyang maaaring sumalubong sa'yo'

Nangunot ang noo ko sa nabasa ko, hindi ko maintindihan. Baka naman ang ibig sabihin nito, kapag natulian ang mga apo ko ay ako ang maglilinis at maghuhugas?

Nagkibit balikat na lang ako, kinuha ko ay remote ng aircon at itinudo ko na ang lakas nito. Masyadong mainit ang panahon ngayon.


Dalawang oras na lang ay magtutungo na kami sa ospital para sa mangyayaring tulian. Dahil apo silang lima ng isang Don, syempre hindi ko sila dadalhin sa libreng tulian na maraming mga batang lalaki na kapwa nakapila at halos maubusan na ng tubig sa katawan dahil sa sobrang kaba.

Nararapat lamang ang mga apo ko sa pangmayamang tuli, lalo na at masyadong sensitibo si Troy sa lahat ng mga bagay.

Kasalukuyan kaming nakaupo habang pinalilibutan namin ang isang bilog na lamesa na may nakapatong na itlog na may kamatis, bayabas at ginatang puso ng saging. Kailangan nila ito para mawala ang kaba nila sa kanilang mga dibdib. Pero alam kong kahit ilang kamatis, bayabas at puso ng saging pa ang kainin nila, mukhang wala na yata akong magagawa. Masyado na silang tensyonadong lima, nakakatuwang pagmasdan.

Si Tristan na ilang beses kong nakikitang umiiling at napapasubsob na lang sa lamesa na parang nag iimagine na sa mangyayari sa kanya mamaya. Si Owen na ilang beses nang papikit pikit na parang kinakausap ang sarili, si Aldus na kanina pang hinihipan ang mga kamay sa panlalamig, si Nero na nakatulala na sa kanyang wristwatch at walang tigil sa kapupunas ng kanyang pawis at si Troy na walang tigil sa pagtikim ng bayabas, kamatis at puso ng saging.


"This will work, right lolo?" ngumunguya na ng kamatis si Troy.


"Yes, kumain lang kayong lima.." sagot ko na lamang.


"I thought we'll eat our guava at the time of circumcision, hindi ba at ganito daw noong una lolo? How come we're eating these right now?" sabat na naman ni Tristan. Minsan napapaisip ako, mahirap din palang magkaroon ng apong matalino. Nakakasawa nang magpaliwanag.

Kung sabagay kanino pa ba magmamana ng katalinuhan ang apo kong ito?


"Noon 'yon apo. Today everything is modernize, mas mabuting advance na ang pagkain niyo ng bayabas para hindi nyo para maging mabisa ang pagkakatuli sa inyo. Huwag ka nang maraming tanong Tristan. Sinong maghuhugas sa'yo kapag natulian ka? Hindi ba at ako? Just eat, pinapasakit mo ang ulo ko" inabot ko sa kanya ang bayabas kaya wala na siyang pinagpilian kundi kumain na rin nito.


"Hindi ba at paboriro mo naman ang bayabas Tristan, kainin mo na lang" sabi sa kanya ni Aldus na kumakain na rin nito.


"I am nervous, I can't enjoy the taste of it.." ismid na sagot niya sa pinsan niya.


Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon