Chapter 38

312K 10.5K 2.8K
                                    

A/N Salamat sa mga angels na binasa muna ang Infinite Eyes :) You'll understand this chapter. Sa mga hindi pa. Lol. You'll be spoiled, so read first Tristan's story. But it's your choice. Haha. 


Chapter 38


Ferells are not just cousins, but brothers for life.

Ilang beses ko na itong nasaksihan sa haba ng mga taon na nakilala ko sila. They never left each other's back during hardships, they shared their laughter, joys and problems. They're always together relying in each other's arms.

Lumaki silang ganito at kailanman ay hindi na ito mawawala sa kanilang magpipinsan. Hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi sa akin noon ni Nero nang paulit ulit kong itinanong sa kanya kung umiyak ba siya nang magkahiwalay kami. Ilang buwan ko rin siyang tinanong nito bago ko nakuha ang kanyang sagot.

I thought he'll just give me silly answers, but it turned out to be the best words from my beloved husband. And I will never forget those words.

"Kahit noong mga bata pa kami, kahit kailan hinding hindi kami pinagbawalan ni LG na umiyak. Yes baby, I did cry. I cried a lot when you left me. At hinayaan lamang ako ng mga pinsan ko at ni LG. Ganito kami lumaki, pinababayaan kaming umiyak ni LG. Hindi siya katulad ng ibang lolo na tuturuan ang kanyang mga apong hindi umiyak para mapatunayang matagtag at ganap na lalaki. He taught us how to cry, he taught us that real men had tears in their eyes, real men can experience pain. We cried a lot when we were kids and we never regretted it Florence."

"Nero, I love LG's words. He's the best grandfather." Ngumiti si Nero sa sinabi ko.

"That title won't give him a justice, he's above all. He's more than just the best.."

"Yes.." sagot ko sa kanya. Hinaplos ni Nero ang pisngi ko.

"There's nothing wrong shredding genuine tears.."

"I will never forget that Nero.."

"And once you witnessed us with tears in our eyes, remember that those are genuine. Bagay na itinuro sa amin ni LG.."

Hindi ko maiwasang maalala ang pinag usapan naming 'yon ni Nero habang tahimik akong nakatayo sa likuran ng pintuan ng kwarto ni Tristan. Hindi ko na kinaya ang bigat, tensyon at sakit sa loob ng kwarto.

He's now awake. At nagsisimula na siyang maghanap at magtanong. Iniwan ko silang limang magpipinsan sa loob pero naririnig ko pa rin ang malakas na pagsigaw ni Tristan at ang pilit na pagpapakalma sa kanya ng kanyang mga pinsan.

Agad akong lumapit sa nurse station para sabihin na tawagin ang doctor ni Tristan dahil nagwawala na ito at hindi na ito maganda para sa kanya. Bumalik ako sa may pintuan at ganito pa rin ang naririnig ko mula sa kanila.

"No..no. Hindi ako naniniwala, she's still alive..she's still alive mga pinsan. Alam nyo namang siya na lang ang kasiyahan ko." Lalo akong napahagulhol ng pag iyak nang marinig ko ang sinabi ni Tristan.

Nakita ko na ang doctor at mabilis akong tumayo.

"Nagising na po siya Doc, nagwawala na siya. Tinanggal na niya ang dextrose niya." Hindi na nagawang sumagot sa akin ang doctor at nagmadali na siyang pumasok sa kwarto.

Hindi na nagawang maisarado ng doctor ang pintuan dahilan kung bakit nakikita ko ang buong nangyayari sa loob ng kwarto.

Another heartbreaking scene.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon