Chapter 13

372K 10.7K 2.6K
                                    

Chapter 13


Troy Alvis Ferell


Unang una, hindi ako lasing. Kailanman ay hindi nalalasing ang isang Ferell, tang ina hindi ako lasing! Hindi ako lasing!

Kanina pa akong nakakaramdam nang pagkabanas dahil sa dami ng alak na nainom ko, fvck! Sobrang init. Nagsisisi akong nagsuot pa ako ng tang inang jacket na ito. Fvck.


Ibinuka ko ang aking mga braso habang mariing nakatitig sa apat kong pinsan na isinusumpa ko na ngayong gabi. Mga gago kayo! Magsama sama kayo! Mga gago! Tang ina nyo huwag na huwag kayong mangungutang sa akin ng gatas ng anak nyo! Hindi ko makakalimutan ang araw na ito!

Dahil maganda akong lalaki, nakuha agad ng mga babae ang gusto kong mangyari. Lumapit ang dalawang sexy na mga babae para hubadin ang aking itim na jacket.

Lalong nagsigawan ang lahat ng mga tao sa nakita nilang ito, sino nga lang ba ako? Troy Alvis Ferell, magandang lalaki? Simpleng bagay.


Sabay pa akong nakatanggap ng halik sa aking magkabilang pisngi mula sa dalawang babaeng nagtulungang hubadin ang aking itim na jacket.

Inggit na naman sa akin ang apat na gago dahil sabay sabay lang namang nakangising umiiling sa akin. Bakit hindi na ako nasanay sa kanilang apat? Lumaki na silang insecure sa akin.

Hindi pa ako nagsasalita niyan lumuluhod na sa akin ang mga babae, papano pa kung magsalita ako? Baka gumapang na sila sa akin. Papaano kung ipasilip ko pa ang aking magandang katawan? Baka sambahin na nila ako.

Ang sa mga pinsan ko? Syempre mga trying hard ang mga 'yan! Akala nila mga gwapo sila, akala lang nila 'yon! Sinuwerte lang sila dahil naging pinsan nila ako! Akala nila sikat silang apat, pero ang totoo naman sikat lang sila dahil may pinsan silang Troy Alvis Ferell.


Bakit ako galit na galit ngayon sa mga gago? Bakit kanina pang kumukulo ang dugo ko sa apat na gagong ito? Dahil mga hindi sila mga tunay na pinsan! Mga lasing sila!

Masama na ang loob ko sa mga pinsan ko, masamang masama na talaga ang loob ko sa kanilang apat. Simula't umpisa alam kong pinaplastik na lang ako ng mga gagong ito. Ramdam ko na naman ito simula nang mga bata pa kami, dahil ako ang paborito ni LG, ako ang pinakamagandang lalaki, ako ang pinakamatalino at higit sa lahat ako na ang nag uumapaw sa lahat ng mga talento. Pinaplastik lang ako ng mga gagong ito!


Kasalukuyan lang namang nakahilera ang madaming baso ng alak sa ibabaw nang napakahabang lamesa habang isinisigaw ng lahat ng mga tao sa loob ng napakalaking bahay na ito ang pangalan ko at ni Owen.

Kami lang naman ni Owen ang magkalaban sa pag inom ng alak at kung sino ang unang makakaubos ng alak na nakahilera sa mahabang lamsesang ito ang siyang mananalo. At ang ikinaiinit ng ulo, ang tatlong natitirang gago kong mga pinsan ko ay piniling pumunta sa likuran ni Owen habang isinisigaw ang pangalan nito.

Walang kumampi sa akin! Mga gago kayo! Sige, magkampihan kayong mga gago kayo! Palibhasa di hamak na mas magandang lalaki ako sa kanilang apat! Palibhasa sampung babae na ang lumapit sa akin ngayon gabi? Ang sa kanila? Apat lang! Apat lang! Tang ina nyo! Ang papangit nyo!


Panay pa rin ang sigawan ng mga tao sa aking pangalan, maging sa pangalan ni Owen. Walang tigil sa kakamasahe si Aldus at Tristan sa balikat ni Owen na panay ang pagtatalon talon na aakalaing papasok sa isang boxing ring habang si Nero naman ay panay ang bulong dito na parang si Coach Freddie Roach ni Manny Pacquaio. Mga gago ba sila? Iinom kami hindi boxing!

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon