Chapter 40

306K 8.7K 2.2K
                                    

Chapter 40


Kahapon pa umalis ang mga Ferell papuntang Berlin, Germany. Ito ang kahilingan ni Tristan sa kanyang mga pinsan at kay LG bago nito tanggalin ang benda sa kanyang mga mata.

Hindi na kami nagtanong pa sa kanyang kung bakit ang bansang ito ang napili niya. Hindi man niya sabihin, alam namin na importante ang lugar na ito sa kanilang dalawa ni Lina. Pero ang isa sa ipinagtataka ko, bakit hanggang ngayon ay wala pa rin nalalamn tungkol dito ang pamilya ni Lina? o mas pinili na lamang nilang maging pribado? Kunsabagay, sensitibo ang trabaho ng mga magulang ni Lina. Kasama ang mga magulang ni Lina sa mga tinitingalang abogado sa Pilipinas, siguradong pilit uungkatin hindi lang ng media kundi pati ng mga kakompetensiya ng mga ito ang pagkawala ni Lina na sigurado akong iniiwasan nilang mangyari.

Hanggang ngayon, katulad ni Tristan ay hindi ko pa rin makayang tanggapin na bigla na lamang nawala nang parang bula ang kaibigan ko. Pilit ko man inaabala ang sarili ko na mag isip ng ibang bagay para huwag itong paulit ulit umikot sa sistema ko na hindi maganda sa pagbubuntis ko, hindi ko pa rin mapigilan.

I love her so much, at hinding hindi ko makakalimutan na naging matalik ko siyang kaibigan.

"Bakit kaya sa Berlin, Florence?" tanong sa akin ni Sapphire na abala sa pagbuklat ng isang fashion magazine.

Pinakiusapan ulit siya ni Nero na dito muna tumigil sa aming bahay ng apat na araw para samahan ako. Mawawala ang mga Ferell nang ilang araw para samahan si Tristan.

Kasalukuyan kaming nasa terrace ng kwarto namin ni Nero. Pinapaunood ko lamang ang ginagawa ni Sapphire.

"Maybe they had memories in Berlin, Sapphire." Sagot ko sa kapatid ko. Ibinaba niya ang magazine sa lamesa at tumitig siya sa akin.

"Minsan lang kami nagkausap ni Lina, we're not even close. Pero kahit ako apektado sa mga nangyayari, humahanga ako sa kanya. Mahal na mahal niya talaga si Tristan." Tumango ako sa sinabi ng kapatid ko.

"Why them? Why Tristan? Why Lina? Mababait naman silang mga tao, pinaglalaban nila ang tama. Pero bakit sila na lang lagi Sapphire?" nanghihinang tanong ko sa kapatid ko.

"Love is always unexpected Florence, I might do the same to Aldus. You know, kung maipit ako sa parehong sitwasyon. Mahal na mahal ko ang manyakis na 'yon." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"I don't like that idea Sapphire." Matabang na sagot ko.

"Let's end this topic, tama na Florence. Hindi na maganda sa'yo ang ma stress, your babies are affected. Speaking of Berlin, how about you and Nero? Any symbolic place? 'yong hindi nyo makakalimutan?" saglit akong napaisip sa sinabi ni Sapphire.

"Marami kami ni Nero." Tipid na sagot ko.

"Where?"

"Sa library, cabinet, washroom cubicle, bath tub, seashore at sampayan?" ngumiwi si Sapphire sa sinabi ko.

"Not like that Florence, mahaba ang listahan namin ni Aldus kung ganyan din naman pala." Naiiling na sabi nito. Natawa akong saglit sa sinabi nito.

"Kami kasi ni Nero ang tipo na hindi mahilig gumala na magkasama. Naging kami noong college at isang beses lang kami nag date, 'yon ang araw na magpapaalam ako sa kanya. Ngayong mag asawa na kami, lagi lang naman kaming nasa bahay." Kibit balikat na sabi ko pero natigilan ako nang pumasok na sa isip ko ang lugar na masasabi kong pinakamahalaga sa amin ni Nero.

"Meron pala Sapphire, their mansion. The best place." Ngiting sagot ko.

"I'll agree with that, maganda ang mansion ng mga Ferell. Kakaiba ang disenyo pero dalawang beses pa lang yata ako nakakarating sa mansion nila."

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon