Chapter 41

261K 8.3K 1.8K
                                    

Chapter 41


Halos magpanting ang tenga ko habang naririnig ko ang mga sinasabi niya kay Daddy. Alam kong kung hindi ko pinipigilan si Sapphire ngayon, malamang ay kung ano na ang nagawa niya sa asawa ni Daddy.

Kung hindi ako buntis at malaya akong nakakagalaw, baka naunahan ko pa si Sapphire sa anumang gusto niyang gawin. Lumaki ako at nagkaisip sa mansion na ito pero kahit kailan, ni minsan ay hindi ko narinig nagpatawag ang mommy ko ng Madam.

At nakikilala niya ba ang babaeng kinakaibigan niya? Oo at siya ang ina ng asawa ko, ng lalaking mahal ko pero siya ang kahuli hulihang dapat kaibiganin ng kahit sinong may kinalaman sa pamilya ko. Lalo na at hanggang ngayon ay sukdulan pa rin ang galit nito sa akin.

Hindi makagalaw ang mga paa ko habang pinapakinggan ang pagdadrama niya sa telepono. Halos mangngitngit na si Sapphire na pinipigilan ko.

"Hindi ko alam Lorenzo, minsan na nga lang sila dumalaw ganito pa sila sa akin. Nagmakaawa na ako noon, lumuhod at tinanggap ang mga pagkakamali. Pero hindi pa rin sapat sa kanila. Hindi pa rin, mahal. Umuwi ka na dito." Napakuyom na ang kamao ko, pakiramdam ko ay biglang humilab ang tiyan ko. Ramdam ng mga anak ko ang matinding galit na nararamdaman ko.

Buong akala ko totoo siya, buong buo ko siyang tinanggap na parang wala siyang kasalanan at hindi niya itinago ng anim na taon ang aming ama. Kung tutuusin, maaari namin siyang kasuhan sa ginawa niya. Pero ano ang ginawa ko, ni Sapphire at ni lolo? Tinanggap namin siya pero ito ang ang igaganti niya sa amin? Kami pa ang palalabasin niyang masama sa sarili naming ama?

"Ibaba mo ang telepono mo!" malakas na sigaw ni Sapphire.

"Pakinig mo Lorenzo? Natatakot na ako sa kanila, natatakot na ako sa pwede nilang gawin sa mga bata." Umawang na ang mga labi ko sa sinabi niya.

"How dare you?! Anong karapatan mong akusahan kami ng ganyan sa sarili naming kapatid?! Ikaw ang naglalayo sa kanila mula sa amin!" mas iniharang ko ang braso ko kay Sapphire.

Siguradong kami ang lalabas na mas masama kapag nasaktan ni Sapphire si Amira, sa paraan ng pagsasalita niya ngayon sa telepono, kayang kaya niyang kuhanin ang simpatya ni Daddy. Sino nga naman kami? Kami lang naman ang mga anak niyang nakalimutan sa loob ng anim na taon. Siya ang bagong pamilya, dati lang kami. Dati.

"Bibigyan kita ng limang segundo para patayin ang teloponong 'yan at itigil ang kasinungalingan mo." Mahinahong sabi ko.

Nakaupong nakatalikod ito sa amin na abala pa rin sa pagpapaawa sa aking ama.

"Isa.." unang bilang ko. Hindi man lang siya naabala at patuloy lang siya sa pagkausap kay Daddy na parang mga hangin lang kami dito ni Sapphire.

Sobrang layo ng maamong Amira na lumuhod at lumuha sa aking harapan kaysa sa Amira na umiiyak na nakatalikod sa amin ngayon.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko Lorenzo, ilang beses kong sinabi sa'yo na kahit sa isla na lang tayo. Alam mo naman na ayaw ko ng karangyaan, masaya na ako sa simpleng buhay. Masaya na ako, mahalaga buo ang pamilya natin at hindi nagugulo katulad ng dati." Pakinig ko ang malutong na mura ni Sapphire.

"What the hell?! So pinapalabas mo na ginulo namin ang buhay nyo? What? What? Kahit saang anggulo ko tingnan, nagulo ang lahat dahil itinago mo si Daddy sa amin! Oh, shit! Tama na. Hindi ko na kaya Florence." Hindi na nagpapigil sa akin si Sapphire.

Malalaki ang hakbang niya patungo sa bagong asawa ni Daddy, marahas niyang inagaw ang telepono nito at itinapon niya sa pool.

"Lorenzo!" sigaw nito na parang maririnig pa ni Daddy mula sa kabilang linya. Hindi na ako makapagsalita, parang sasabog na ako sa sobrang galit.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon