Chapter 14

357K 10.3K 1K
                                    

Chapter 14


Troy Alvis Ferell

Mag aalas singko na ng umaga nang makalabas kaming lima sa hospital. Nagtagal pa kami dahil kailangan pa naming igapos si Owen para lamang maturukan ng doktor. Parang tanga lang, karayom lang! Karayom lang!

Mabuti na lang at may tatlong sexy na mga nurse na dumating na pang madaling araw ang shift, nahiya yata ang gago kaya nagpaturok din sa huli. Nalaman namin na apat na turok pala ang mangyayari, sa susunod sila na lamang ni LG ang magsama sa hospital. Hiyang hiya na ang kagwapuhan ko sa nangyayaring ito sa amin.


Si Aldus na ang nagdadrive pabalik sa bahay dahil siya na lamang ang makakapagmaneho nang matiwasay sa aming lima. Hindi naman ako pwedeng magmaneho. Ako gagawin nilang driver? Ang mestizong katulad ko ipagmamaneho ang mga negro kong pinsan? Parang hindi naman yata tama. Baka tumaas na ang standards sa mga driver kapag naging driver ako.

Itinigil na niya ang sasakyan sa harap ng aming gate, magkatulong kami ni Nero para buhatin ang gagong si Tristan. Oo si Tristan ang buhat namin at hindi ang nakagat ng aso.

Sa halip na si Owen na siyang dinala sa hospital ang siyang buhat namin ngayon, si Tristan ang inaalalayan namin ngayon dahil inabot na ng antok ang gago.


"Tang ina, antok na antok na ako" reklamo ni Aldus. Lahat kami ay antok na antok na, ang gagong si Tristan lamang ang hindi na nakatiis at nauna nang natulog sa hospital.


"Ayoko na, huwag ka na ulit magpapakagat sa aso Owen! Tang ina! Dapat ay kay Antonia ka mismo nagpakagat! Tatanggapin naming apat kung si Antonia ang kumagat sa'yo! Gago ka!" malakas na sigaw ko kay Owen.


"Tama, dapat ay kay Antonia ka na lang nagpakagat Owen" mabilis na sabi ni Aldus. Tumango tango na lang si Nero sa sinabi ko.


"Mga gago ba kayo? Bakit ako kakagatin ni Antonia? Hindi ako ang type non!" pabagsak na isinarado ni Owen ang sasakyan at nagsimula na kaming magpipinsang humakbang papasok sa gate pero sabay sabay din kaming napaatras nang may maaninaw kami.


"Tang ina aso! Ayaw ko na!" unang nagsalita sa amin si Owen na nagmadali nang bumalik sa loob ng sasakyan. Natrauma na ang gago.

Kasalukuyan lamang namang nakatayo sa harap ng aming gate si Antonia habang may hawak na tali ng dalawang malaking aso na alaga niya. What the fvck is wrong with this girl? Bakit parang hindi lang binti ni Owen ang gusto niyang biktimahin?


"Tang ina mo Troy! Bakit ko naman kakagatin ang pinsan mo?! Nababaliw na ba kayo?! Mga baliw na kayo! Mga gago kayo!" galit na galit na sigaw niya sa aming magpipinsan habang kami ay nakatitig lamang sa kanyang asong masama na ang tingin sa binti naming apat.


"What the fvck is this Antonia?" iritadong sabi ni Nero. Anong ginagawa ni Antonia sa ganitong oras?


"What the hell are you doing?" nangangatal na ang boses ni Aldus habang nagsisimula na kaming humakbang paatras. Papalapit na rin sa amin ang aso ni Antonia.

Nang tamaan siya ng ilaw ay natigilan kaming magpipinsan nang mapansing umiiyak ang maarte naming kapitbahay. Kami yata ang biktima sa pagkakatanda ko? Bakit kami iniiyakan ng babaeng ito? My god! Girls.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon