Chapter 73

332K 9.1K 851
                                    

Chapter 73

Hindi ko na alam kung anong oras pa kami nakatapos ni Nero, kung hindi ako nagkakamali ay inabot kami ng madaling araw na hindi ko na pinagtakhan.

We're both lying on bed with his arms embracing around me. Balot na balot kaming dalawa ng makapal na kumot dahil sa tindi ng lamig sa mansion. Masasabi ko na ang Leviathan ang isa sa pinakamalamig na probinsya dito sa Pilipinas at mas pinamalamig pa ang posisyon ng mansion dahil nakatayo ito sa mataas na lugar.

Bahagyang gumalaw si Nero at mas niyakap niya ako nang mahigpit. Nagulo ang pagkakabalot namin sa kumot.

"Nero, ang paa ko ang lamig lamig." Mahinang sabi ko.

"Oh, sorry baby.." hinalikan niya ako bago siya bahagyang bumangon para ayusin ang kumot namin sa aming paa. Nang maayos niya ito ay mabilis siyang bumalik sa tabi ko at niyakap niya ulit ako.

"I feel so comfortable Florence, mamaya na tayo bumangon." Hindi ko magawang sagutin si Nero, kahit ako ay antok na antok pa rin.

Tatangayin na sana ako nang antok nang maramdaman ko na nagsisimula na namang humalik sa akin si Nero.

"Hmm.. Nero.." bahagya akong umiwas sa paghalik niya pero hindi siya nagpatinag. Kaya lumingon na ako sa kanya at marahan kong ginantihan ang paghalik niya.

We're kissing each other like we haven't done this for the whole night. Kailan ba kami nagsawa ni Nero halikan ang isa't isa?

Hindi din nagtagal ay mas lalo nang lumalim ang kanyang paghalik, alam ko na ang sunod na mangyayari kaya ako na mismo ang humiwalay sa kanya.

"We need sleep Nero, tulog muna tayo." Ngusong sabi ko sa kanya. I felt so weak, but damn happy and satisfied.

Marahang hinaplos ni Nero ang baba ko at hinalikan niya ang aking noo.

"Sleep Florence, I'll sleep with you."

Muli kaming natulog ni Nero na magkayakap, alam kong pagkatapos nito mahabang pag uusap ang mangyayari sa pagitan namin at sa pagkakataong ito, matututo na akong makinig sa mga sasabihin niya.

Mag isa na lamag ako sa kama nang magising ako, ilang beses pa akong lumingon sa kabuuan ng kwarto pero hindi ko makita ang asawa ko.

"Nero?" binalot ko ng makapal na kumot ang katawan ko at sinimulan ko nang lumabas ng kwarto.

"Nero.." tawag ko ulit sa kanya.

Saan naman kaya ito nagpunta? Bakit iniwan niya ako sa kwarto?

"Ne—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang dumungaw siya sa may bukana ng kusina. Kusina.

Bahagya akong napatigil sa paghakbang, kitang kita ko ang pag ngisi niya sa naging reaksyon ko.

"Come here, you don't need to crawl wife." Gusto kong murahin ang sarili ko nang maramdaman ko na nag iinit ang pisngi ko.

What's wrong with me? Ngayon pa ako nakaramdam ng pagkahiya? Pagkatapos kong lakas loob na gumapang sa ibabaw ng lamesa kagabi?

Ngayong medyo natauhan na ako, hindi ko pa rin mapaniwalaan na nagawa kong gawin ang mga bagay na hindi ko inaakalanag magagawa ko.

That's the power of Nero Ferell's hypnotic desire. Kahit ang pinaka maamon at inosenteng babae, matututong ihain ang sarili sa lamesa para lamang hindi siya hayaang magutom.

"What are you staring Florence? Come here, nagpadeliver ako ng pagkain." Hindi na nakapaghintay si Nero dahil lumapit na ito sa akin para alalayan na ako patungo sa kusina.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon