Christmas Entry #12: Crimson-Colored Gift

50.8K 1.3K 879
                                    

JAMIE

"Mamaya na ang Christmas eve. Anong regalo kaya ang matatanggap ko kay Loki? I hope he will give me something special... like a shimmering shining ring." sabi ko habang nakatingin sa maputi at makikinis kong mga daliri.

"Umaasa ka na magbibigay ng regalo ang lalaking iyon? Sa tingin ko kasi, hindi iyon mag-aabalang maghanap ng regalo, baka nga hindi iyon interesado sa mga exchange gifts." sabi naman ni Alistair. Nakatayo siya sa harapan ng isang vending machine habang hawak ang isang lata ng cola.

"Well, mukhang nagkakamali ka. I heard he gave Lori a stun pen with her name on it. It could be a gift from Loki for her. Naiinggit tuloy ako."

"Let's just wait and see kung magbibigay nga ng regalo ang taong iyon." bulong pa ni Alistair.

Nang maubos na ni Alistair ang iniinom niya, nagpatuloy na kami sa paglalakad papasok ng mall. Niyaya ko kasi siya na maghanap ng puwedeng iregalo kay Loki, noong una nga ay hindi pa siya pumayag pero nung sinabi ko na puwede rin siyang maghanap ng regalo niya para kay Lorelei... now, we're here.

"Anong ibibigay mo kay Lori?" tanong ko kay Al. Tumingin siya sa akin at nagkibit-balikat pa siya, "You don't have any ideas?"

"Of course I have. Pero kapag sinabi ko sa iyo, hindi na iyon surprise."

"As if naman na ako ang reregaluhan mo para masurpresa ako." I rolled my eyes as he smiled widely. This guy.

Dumaan kami sa isang souvenir store. Nagpunta ako sa mga shelf ng Detective Conan figures. Paborito kasi ni Loki ang mga ito, sigurado akong magugustuhan niya kapag binigyan ko siya nito.

"Detective Conan a? He will like it for sure." komento ni Al. Nakatayo siya sa likod ko habang may hawak na stuffed toy na pusa.

"Hmm, she will like that too." I said to him and he smiled, I rolled my eyes.

We stayed inside the souvenir store for almost half hour. Ang dami kasing puwedeng pagpilian from the variety of detective stuff to cute feline ones which I loved too. Bumili nga ako ng isang stuffed toy na pusa at pinangalanan itong Freya gaya ng pusa namin sa clubroom.

"Sometimes, I missed that cat." sabi ni Alistair nang makita niyang nabili ko ang stuff toy na kanina lang ay hawak niya.

"I'm not going to argue with that." sagot ko.

Nakaalis na kami ng souvenir store at dumako naman kami sa isang food stall. Medyo nagutom ako sa paghahanap ng regalo kay Loki, I hope sapat na para sa kaniya ang limang manga ng Detective Conan na binili ko para sa kaniya.

Si Alistair naman, hindi niya ipinakita sa akin kung ano ang ibinili niya, ni ayaw niya ngang sabihin kung ano iyon. Medyo nakaramdam tuloy ako ng curiosity sa ikinikilos niya. I mean, was that gift of him for Lorelei is too special to be secreted? I bet it is.

"Jamie, may itatanong ako sa iyo." sabi ni Alistair habang kumakain kami sa Greenwich. Paborito ko kasi mag-pizza at napag-isipan namin ni Alistair na maghati sa bill.

"Ano 'yun?"

"It's about you and Loki."

Napaubo ako at muntik ko nang malunok ng buo yung isinubo kong pizza, "What?"

"Ba't mukhang nagulat ka?"

"No, I'm not. Para kasing seryoso yung itatanong mo at nagtataka ako kung bakit tungkol sa amin ni Loki ang tanong mo. Isa pa, hindi ka naman interesado sa kung ano man ang mayroon kami."

"I see. Pero tama ka, medyo seryoso at personal itong tanong ko. May gusto lang akong i-clarify to settle things clear."

"Like what?"

Project LOKI: FanficsWhere stories live. Discover now