CHAPTER 3

430 63 82
                                    

CHAPTER 3

Hay, Wednesday na naman. PE class na naman. I hate PE.

I sipped my lemonade drink after that tiring class we had. Umupo ako sa gilid ng gym. Hay, kailan ba ako gagaling dito sa Table Tennis. For the whole sem, bakit ba kasi Table Tennis pa ang PE ko. Nakakainis.

Biglang may tumabi sakin. "Erick, painom naman!" He quickly grabbed my lemonade and took a sip too. WAAAAAAAAAAA.

"Ano ka ba naman Martin! Kadiri na may laway mo na!" I made a face.

Kunwari nag-inarte. Pero ang totoo niyan. Sanay na akong nakikiinom siya lagi sa drinks ko after PE. Sadyang uhawin lang ba ako na kailangan kong bumili agad sa tindahan sa labas ng gym, o sinasadya ko kasi alam kong makikiinom siya... Ewan ko, hindi ko alam? Haha.

"As if naman, may arte ka pa sa katawan, Erick." Tumawa siya at umupo sa tabi ko habang may dalang tuwalya. Pinunas niya sa noo ko yung tuwalya. "Nag-bu-butil na yang pawis mo. Umayos ka nga! Parang di ka babae ah!"

"Wala namang papansin niyan. Ikaw lang," Behlat!

"Paano ka na magkaka-boyfriend niyan. Mas maarte pa ako sayo eh." Tinulak niya yung noo ko habang pinupunasan.

"Aray, aray ah!" Nauntog ako sa pader. Seryoso. Napalakas ata yung tulak niya sakin. "Bakit mo ba laging pinapasok sa usapan yang boyfriend-boyfriend na yan?!"

"Alam mo yung..." He started.

Pero di niya tinuloy. Instead, siya naman ang nagpunas ng pawis niya.

Minsan naisip ko, wala talagang selan sa katawan tong si Martin. He doesn't care kung ginamit ko na yung gamit niya, gagamitin niya parin. Kung nainuman ko na yung drinks, iinuman niya parin. Same with food, pag di ko naubos, uubusin niya parin.

He's like a brother to me. Sobrang bait. Sometimes I also wonder kung bakit wala siyang girlfriend pero pag pinapanood ko siya habang kinakusap ang ibang girls, lagi naman siyang sweet. No wonder, laging may spark sa mga mata ng girls pag nakikipag-usap sakanya. He's a sweet-talker.

Except to me. Harsh siya.

"Ano?"

"Alam mo yung..." He repeated. "Sayang kasi eh. I always tell you. Maganda ka. Mag-ayos ka lang ng onti. Gaya niyan. Yung ibang girls asa locker room na at nagreretouch bago umuwi. Ikaw wala, uuwi ng ganyan lagi. Pawis at di manlang magsuklay."

Somehow, I felt hurt. Di naman niya naiintindihan eh.

Para saan pa ang pag-aayos kung ookrayin ka lang din ng mga girls na kasabay ko sa CR. I know sometimes, nakikita ko namang may looks din ako. Pero I don't have the confidence. Ewan ko ba.

Maybe I'm just super humble kasi majority dito sa school ay upper class. I'm a scholar. Though isang bagay naman yun na dapat maging proud ako, I never considered myself as if I belonged to their society. Alam ko naman kung saan ako dapat lumugar. 

Wala ako ng mga bagay na afford nila para mas mapansin at gumanda. Nahihiya ako ilabas yung simpleng loose powder ko sa CR. Kasi ang mga katabi ko naka-branded compact face powders. Nahihiya ako mag-spray ng perfume kasi yung sakin ay ordinaryong cologne lang. At marami pang iba.

"Eh..." I sighed. "Nakakatamad eh. Tanggap niyo naman akong ganito ako diba?" Hahahahaha! I faked a laugh.

Martin stood up. "Teka kunin ko lang ang gamit ko. Sabay na tayong umuwi. Kaya lang may dadaanan pa sana ako sa mall. Would you mind? Samahan mo naman ako."

"Anong gagawin sa mall?"

"May pinapabili kasi si Ate," He took his cellphone and read a message. "Sabi daw yung facial wash sa Korean shop. Wala naman akong alam dun eh. Pero kasi gagabihin na daw siya after work, sarada na ang mall. Samahan mo na ako please?"

I smiled. "Sure. No prob. Sige balikan mo nalang ako dito."

During PE class, si Martin lang ang kaklase ko from my original block. Iba ang PE class nina Cesar at Gino. Basketball sila. 

Dahil naubusan kami ng slot ni Martin, dito kami napunta. At iba din ang time ng class nila. So every Wednesday, si Martin lang ang kasabay ko umuwi.

Hinigpitan ko ang ponytail ko. Biglang may tumabi sakin. "Hi, Erin!" She's a girl from another course. Naging classmates lang kami because of PE. She has short hair, hanggang ilalim lang ng tenga at may bangs. I always find her cute para kasing carry niya talaga ang short hair. She smiled.

"Hi Sara," I greeted too.

"I'm just a little curious, boyfriend mo ba si Martin?" She let it all out suddenly. Walang kyeme? 

Nabilaukan ako. Umubo, ubo.

"OA ka naman!" Tumawa siya. "Ang sweet niyo kasi lagi. Sabi kasi ng ibang classmates natin, di mo daw siya boyfriend. So sabi ko, tatanungin ko nalang para sure."

"Bakit niyo naman naisip yan?" I frowned. Wow, si Martin, boyfriend ko? Bakit kasi ang gwapo ng mga kaibigan ko? Pero I know, never mangyayari yun. Tingin niya sakin ay kawawang babaeng kulang ng self-confidence.

I laughed at the thought na may nag-akalang boyfriend ko siya. Swerte ko naman?

"Super close niyo kasi eh. Blockmates kayo?"

"Yup, and sort of magka-barkada."

"Wow, ipakilala mo naman ako sa mga kabarkada mo!"

Hahaha. She's so frank. I always receive death glares from socialites around school pag kasama ko silang tatlo, pero no one ever dared to ask me to introduce her to the boys. Lakas ng loob nito ah.

"Ah... ok." I answered blankly. Weird ni Sara.

"Nakikita ko kasi hinahatid kayo dito before PE. Ang gwaaaaaapo nila. Pero no fuss, maganda ka rin naman eh. I always thought kaya mo sila lagi kasama kasi boyfriend mo si Martin." Again, sinabi niya lahat yan in one breathing. Ang bilis niya magsalita. She's amusing. Haha.

Sara wink then stood up and left. Napa-smile ako.

So okay, tanggap ko naman na maraming naiinggit sakin. Tatlo ba naman ang kasama mong gwapo eh! Minsan I feel special naman pag kasama ko sila, they're extra nice to me. Kahit na punong-puno ng asaran. 

Dumating na si Martin. He smiled at Sara nung nagkasalubong sila. Then sakin. Whew, smile palang, panalo narin. Perfect white teeth. Hinawi niya yung buhok niya na parang di naman nagugulo, clean cut. Kabaligtaran ng buhok ni Cesar na nakiki-One Direction ang hairdo.

"Baby Erick, let's go."

"Baby Erick ka dyan. So gay." Then we both laughed and walked out of the gym.

*---runami :)

Always the Best Friend, Never the GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon