CHAPTER 7

272 24 23
                                    

CHAPTER 7

Kinabukasan, kinwento ko sa mga kabarkada ko ang nakabunggo kong lalaki sa field. Pero as usual, wala na naman sa kwentuhan si Gino. Kasama niyang nag-lunch ang girlfriend niya at di siya sumabay samin. Hay, di ko na siya nakikita pero mas mabuti para di na ako masaktan. Naisip kong ikwento nalang na kunwari may crush ako. Sinasadya ko 'to, para di nila isiping si Gino ang crush ko. Kailangan, may ikwento akong kunwaring crush kong lalaki sakanila. Okay, pangangatawanan ko na to. Tutal maliit lang naman ang chance na kakilala nila yun. Aha, nakakuha din sawakas ng magandang pag-iwas na strategy.

"So feeling mo love at first sight yan?" Pag-uumpisa ni Cesar. May pagka-sarcastic ang tono.

"Di pa nga nag-uumpisa ang love story namin, kontrabida ka agad?" I pretended to be hurt.

"Alam mo ba kung saang department siya? Dapat nakipagkilala ka na!" He added.

I drank my juice, "Ang bilis eh, nag-sorry lang siya at umalis. Di ko na natanong. Sayang nga eh." Ano pa bang magandang dahilan?

Naglapag si Cesar ng yema sa tapat ng pinggan ko. Gaya ng dati, libre na naman niya to. "So tingin mo din, napansin ka niya? Kahit putikan ka?"

"Siguro..."

"So magkaka-boyfriend ka na agad niyan?" Cesar joked.

"E bakit ba so ka ng so?" I made a face. Kaasar talaga to. "Minsan lang maging inspired ganyan pa kayo."

Nagsalita na si Martin na kanina pa no comment at kain lang ng kain. "Wake up, Erick. Ilusyon mo lang yan."

---

I ignored the three guys during our class after lunch. Nakaka-hurt naman yung mga pinagsasabi nina Cesar at Martin sakin. Para bang wala na talaga akong pag-asa. Baka kasi di pa convincing ang arte ko. Kailangan galingan ko next time. Si Gino naman ay lingon ng lingon pero di ko pinapansin. Baka masaktan na naman ako tuwing ngingitian niya ako, kasi friendly smile lang pala yung mga smile na binibigay niya sakin dati. Akala ko pa naman, special na ako.

Binalik na samin ang weekly results ng long quizzes. Damn, kailangan ko pa galingan at mag-aral ng mabuti sa Chemistry. Almost passing lang ang grade ko. Bakit kasi hate na hate ko 'tong subject na to. Pero di na ako makalapit ulit kay Gino para magpaturo. Bakit kasi siya pa ang naging matalino sakanilang tatlo! Hay.

Naglakad ako mag-isa after class. Nagpaalam ako sa tatlo na may dadaanan pa ako sa library at mauuna na silang umuwi dahil hindi na ako sasabay. Kailangan ko mag-aral ng maigi. Malapit na ako sa pintuan ng library nang may makita akong nakapaskil sa bulletin board na poster.

TUTORIAL CLUB

Grade problems? Our club could help you build your grades higher as we continue the passion that we had for almost a decade of helping one another's hand. We could help you, and you could help us too! Share your knowledge with us and we'll also be grateful to give back to you by giving you tips and easy learning techniques.

Come join us today! Register inside.

Ano 'to? Ay mali, rephrase: Bakit may ganito? Ang galing may ganito palang club sa school! Sasali nga ako sa club na to, para makakuha ako ng mas mataas na grades. Mukhang hindi naman to fake or money-making. At nasa loob lang ng school premises. I-text ko nga ang tatlong mokong na yun.

Send to: Gino, Martin, Cesar

Msg: Guys, alam niyo bang may tutorial club dito malapit sa library? Andito ako ngayon! Punta kayo dali, try natin. Mag-reg tayo!

I read the poster again. Waaaa nag-sink in na sakin ang mga nabasa ko. Give and take pala 'tong club. Baka makakuha ako ng tips o dating sample questions sa mga ibang members or higher batch. Magandang chance to. Tamang tama sa Chemistry. Bahala na kahit kasama ko parin dito si Gino. Makabubuti naman saming lahat ang pagsali dito.

Nakita ko sa ilalim ng poster na may nakadikit na mga registration forms. Kumuha ako ng apat para samin. Sinasagutan ko na ang registration form ko ng biglang dumating ang tatlo.

"Christy!" Nangungunang pagtakbo ni Cesar. Aba excited din siya. Sabi ko na nga ba, gusto niya din to kasi alam kong hirap din siya mag-aral.

Binasa nina Cesar at Martin ang bulletin samantalang si Gino naman ay diretsong sumagot na ng reg form. Pagkatapos masagutan ni Gino ang form saka niya pa lamang binasa ang bulletin. Mabilis na nasagutan nina Cesar at Martin ang kani-kanilang reg form. Tahimik silang nagbubulungan at tumitingin-tingin sakin.

"Erick, kung may bayad to, ilibre ka nalang namin." Martin offered.

Sabi ko na nga ba, yun ang iniisip nila. "Hindi, wag na. Feeling ko naman libre to."

"Oo libre to, may kakilala akong member dito. Tinatamad lang ako sumali dati mag-isa." Biglang sumagot si Gino.

"O tara na, tara na baka magsarado pa 'to at di pa tayo maka-register." Hinatak kami isa-isa ni Cesar sa upuan para tumayo.

Kumatok ako sa pintuan ng tutorial club. Medyo excited ako sa bagong experience na 'to. Wala naman kaming ganito nung highschool kaya napapa-isip ako kung paano ito gumagana.

*Knock, knock, knock*

Wala paring bumubukas. Baka walang tao.

Pero biglang may bumukas ng pinto at nagulat ako sa nakita ko. O hindeeeeeeeeee.

Nakatayo sa pintuan ang lalaking nakabunggo sakin kahapon sa field! Nakangiti parin siya at very welcome ang mukha samin, lalo na sakin. Hindi ito totoo! Akala ko pa naman di ko na siya makikita forever at baka mabuking ang pag-arte kong crush ko kunwari siya.

The mystery guy tilted his head sideways and said, "Welcome po?" Parang di niya pa sigurado ang sinabi niya. He smiled weakly, "Ok ka na ba, miss? Sorry ulit kahapon... By the way, are you by chance interested to join our club?"

Argh. Bakit dito pa tayo ulit nagkita! Mali, mali! At bakit naaalala mo pa ako kahit putikan pa ang itsura ko kahapon! Sana di nalang niya ako nakilala dahil sa dungis ko! Paano na yan...

"Kahapon? Bakit?" I heard Cesar asked.

Nasa likuran si Gino pero bigla siyang sumingit sa harapan ko, "Pre, long time no see! Wala na akong balita sayo since June! Akala ko hindi ka na active dito!"

I throwed a dirty glance at Gino. Whaaaaaaat? "Magkakilala kayo?"

"Yup, he's a highschool batchmate." The mystery guy replied while smiling at me. "Sorry ulit kahapon, miss."

I blushed. He put too much emphasis on the word 'miss' making it sound so sweet.

"Bakit? Magkakilala din ba kayo?" Gino asked him. He gave me a weird funny stare. Oh, oh, mukhang mabubuking na ako!

"Not really," The guy smiled again, "I just kind of bumped into her while we're on soccer yesterday."

"Oooooooooooooh..." I heard cesar and Martin sang in chorus. Nakita ko din silang nagkatitigan at nagka-sikuhan.

That moment, gusto ko ng malusaw. Alam ko na yang mga tingin nina Cesar at Martin! Huli na. Buking na ako. Hindi ko naman totoong crush 'tong lalaking 'to eh!

Always the Best Friend, Never the GirlfriendWhere stories live. Discover now