CHAPTER 18

161 6 1
                                    

CHAPTER 18

Erin's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Ang bigat ng ulo ko dahil sa pagkakapuyat kagabi. Madami akong kailangang reviewhin at medyo distracted talaga ako sa nangyari samin ni James. Bumangon ako at humarap sa salamin. Mugtong-mugto ang mga mata ko sa pag-iyak. Hindi ko talaga matanggal sa isip ko na hinalikan niya ako at nagtapat siya sakin. Bakit parang hindi ako masaya? 

Bakit parang gusto ko din naman pero ayoko? Bakit parang hindi ako sigurado?

Hinawakan ko ang aking mga labi at naalala ang mga halik ni James. Naramdaman kong tumulo na naman ang mga luha ko. Siguro, hindi lang ako makapaniwalang ganoon kalaki ang paghanga at nararamdaman niya sakin, at tila hindi ako handa sa isasagot sakanya.

Ang alam ko lang, tuwing naalala ko ang mga nangyari kahapon, naiiyak ako sa di malamang kadahilanan. Hindi ko malaman kung masaya ba o malungkot ang puso ko. Kaibigan lang ang tingin ko kay James. Siguro, sa ngayon. Hindi pa talaga ako handa.

Ilang minuto ang lumipas, nakaalis na ako ng bahay para pumasok sa school. Masyado pang maaga nang dumating ako, kaya hindi naman ako nagmadaling pumasok o maglakad mula sa gate ng university. Ilang saglit ang lumipas ng paglalakad, nakita kong nakatayo si James sa gilid ng poste bago tumawid sa kabilang kalsada ng school.

Napahinto ako at nagkatinginan kami sa mga mata. Hindi ko alam ang gagawin ko o sasabihin. Hinigpitan ko ang kapit sa bag ko at yumuko. Binilisan ko ang paglakad upang malagpasan siya kaagad.

"Erin..." Pinigilan ako ni James sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko, "Sorry, kung mukhang pinipilit kita. Pero please, wag mo naman ako iwasan. Kagabi pa kita tinatawagan, patay ang cellphone mo."

Hindi ako lumingon at naramdaman kong nagtutubig na naman ang aking mga mata. Bakit ba hindi nalang kami maging magkaibigan? 

Para sana hindi na kami nasasaktan ng ganito. Para hindi komplikado. "James, nag-aaral ako. I need to focus." Yun lamang ang naisip kong dahilan para makawala sa higpit ng hawak niya at makaalis na.

Dumating ako sa classroom at wala pang tao. Nilapag ko ang gamit ko sa sahig at yumuko sa desk. Hindi ko namalayang umiiyak na naman ako. Ang bigat bigat ng loob ko at sana panaginip lang itong lahat na nangyayari samin ni James. Dahil hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin.

Biglang bumukas ang pintuan at napalingon ako habang nakayuko.

"Christy! Aga mo ah!" Pabirong bati ni Cesar. Talaga naman, sa lahat ng kaibigan kong mauunang dumating, siya pa ang nauna. Wala akong oras sa pakikipagbiruan. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at patuloy na yumuko sa desk. Ayoko makita niyang namumula ang mga mata ko. "Uy, anong nangyari sayo? May problema ka ba?"

Hindi ako sumagot.

"Nako, Christy." Tinabihan niya ako at tinapik ang likod ko. "Si James yan noh?"

Nagulat ako. Paano niya nalaman?

"Nakwento sakin ni Martin ang nangyari kahapon." Nakarinig ako ng buntong-hininga galing kay Cesar. "Hindi na kita tatanungin, pero kung anuman ang meron kayo, please, hindi mo naman kailangang itago samin. Para alam namin kung saan kami lulugar."

Ngayon, nakuha ko nang lumingon sakanya. Nakita ko ang reaksyon niya ng makita niyang namumula ang mga mata ko. "Cesar, hindi ko siya boyfriend. Hindi ko alam. Ewan?" Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. First time ko maranasan 'to lahat at para bang nangyari ang lahat ng isang bagsakan.

"Sige, handa akong makinig. Pero have a break." Inabutan niya ako ng chocolate. "Have a KitKat."

Napangiti ako, sa kakornihan ni Cesar. Kahit papano, sa chocolate na 'to, gumaan ng onti ang loob ko. Kinain ko muna lahat bago ko inumpisahan ang kwento. Hindi umimik si Cesar sa buong storya ko at para bang nakikinig talaga siya sa lahat ng detalye ng kwento ko. Ilang beses kong nakitang bumukas at sumara ang bibig niya pero hindi siya nagsalita.

Always the Best Friend, Never the GirlfriendWhere stories live. Discover now