CHAPTER 5

410 64 91
                                    

CHAPTER 5

"Christy!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kilala ko ang boses na yun at iisa lang ang tumatawag sakin ng ganun... Dahan-dahan ako lumingon sa likod ko. Kinakabahan ako.

Please, wag sana magduda si Cesar na may lakad talaga kaming DALAWA ni Gino ngayon. KAMING DALAWA lang.

Bigla akong na-body slam ni Cesar... Boom!

Na-out of balance ako at muntik na mapaupo sa lupa ng playground. What the! Ang tagal ko pa naman nag-ayos, tapos masisira lang ng ganito ang poise ko! Huhuhu. Muntik pang malaglag Ang salamin ko sa lupa. Sabi ko na dapat nag-contacts nalang ako.

Sa bilis ng pangyayaring binunggo ako ni Cesar, siyang bilis niya din para saluhin ako bago mapaupo sa lupa.

Pang pelikula. Pang teen series. Except the fact, na hindi kami ang magka-love team dito, kundi dapat kami ni Gino! Argh, erase, erase! I blinked and stared at his clown face. He smiled his trademark all-braced teeth smile. Parang niloloko ako nito ah. I pushed him. At nakatayo narin ako.

"Pinag-tripan mo naman ako Buboy!" I glared at him. Nakakahiya kay Gino. Baka isipin niya si Cesar ang crush ko. Bigla akong tumingin kay Gino sa swing.

Gino walked towards us laughing, "Ang korni niyong dalawa! Wag masyado cheesy, pero parang medyo bagay ah?"

Kung nakakamatay lang ang tingin, siguro patay na si Cesar dahil sobrang daming matalas na tingin na ang binato ko sakanya. Aaaaaaack, I hate it. Bakit ba siya nandito. Panira ng lakad. Panira ng porma. Panira ng poise.

"O san tayo?" Cesar wiped his hands with the back of his pants. Iba din ang pormahan niya ngayon ah, naka-black maong pants at plain white shirt. May nakasabit na shades sa round collar ng shirt niya. Feeling pogi! Pero pogi naman talaga siya. Yun nga lang, feel na feel niya. Nakakainis nag-uumapaw ng self-confidence.

Infairness, ang bango niya. 

Yuck, ano bang naisip ko!

"Ha? Kasama ka ba?" I answered Cesar's question with another question. Teka, date namin ni Gino to. Excuse me lang ho.

"Syempre!" Biglang inakbayan ni Cesar si Gino. Nakikipag-harutan na naman eh! "Ako pa ba ang magpapahuli sa lakwatsahan at gimikan? Enjoy now, study later!"

Walang explanation, nag-umpisa na maglakad sina Cesar at Gino. Magka-akbay parin. Nasa likuran nila akong nakasunod, nakasimangot at nakahawak sa bewang. Anong kalokohan ba to. 

Bigla nalang siyang sumulpot dito, at ngayon third wheel na siya sa first ever date ng buhay ko! I hate it!

Then my cellphone beeped. 1 New Message.

Martin: Guys, meet ko nalang kayo. The place to be. Sorry, late kasi magyaya eh. Sunod ako.

I stared at my screen with wide eyes. Ano to?! Pati si Martin kasama sa date namin ni Gino na naki-singit tong si Cesar, so ngayon barkada trip pala to?!

Matawa-tawa ako sa sarili ko. Ano bang inisip ko all throughout this afternoon? Maling akala lang pala. Asa naman akong i-date ako ni Gino. Kung di pa siguro lalabas kasama sina Cesar at Martin, di pa ako makakalabas with Gino ngayon. Hay.

Napa-bugtong hininga ako habang naglalakad. Nakakalungkot. Parang one of the boys talaga ang drama ko dito.

"Christy, catch!" Humarap sakin si Cesar at naghagis ng Max candy. Lemon. Favorite ko to pampalipas ng gutom sa klase. Siya ang supplier ko ng Max, adik ata siya sa candy. Lagi may laman ang bibig pag may klase. 

"Di naman ako gutom." I caught the candy in my hand. I smiled, kahit walang klase, may thoughtfulness parin tong Cesar na to. Wala nga siyang bag eh. Candy lang ang laman ng bulsa??

"Ano ka ba, pampalamig ng ulo yang Max. Cooooooool ka laaaaang. Halatang disappointed eh." 

Nang-asar pa to. Anong disappointed?!

"Wala ah! Ang cool kaya ng ulo ko. At higit sa lahat, wala akong alam sa disappointed na sinasabi mo!" I laughed. Mautak. Magaling humanap ng butas tong unggoy na to.

The two returned walking happily. Parang mga bata tong mga to. Sumakay na kami ng FX at maya-maya ay nakarating na sa mall. Una kaming nagpunta sa "the place to be" na sinasabi ni Martin. Starbucks.

Napaisip ako, gastos na naman to. Pinauna ko na sila mag-order at humanap muna ako ng upuan. May nakita akong couch sa malapit sa CR. Pinili ko doon maupo kasi di gaano maingay ang mga katabi, parehong matatanda na nagbabasa ng news ang mga nasa kabilang table. 

Nagbasa muna ako ng magazine.  

May naglapag ng dalawang venti frappe sa table ko. Pagtingala ko, si Cesar pala. Nasaan si Gino?

"Ayan, libre na kita." Sabay turo sa isang frappe na may name na SMILE.

"Hindi SMILE ang pangalan ko." I joked. Gusto ko man pigilan, napa-smile talaga ako. For real. Creative ha. Naisip niya to.

"O! O kita mo na! Nag-smile ka rin!" He sat beside me. "Ikaw naman kasi masyadong seryoso! Ayan, literal, magpalamig ka muna!" Uminom na siya ng frappe niya.

"Wow, thanks. Ang thoughtful naman, sinabi mo talaga sa barista na SMILE ang ilagay na name?" Nakakainis man aminin, napangiti ako ng lokong to. True friend talaga.

"Syempre, kaya nga nasulat dyan eh. Isusulat ba yan kung hindi yan ang sinabi ko? Minsan gamit din tayo ng utak pag may time Christy." Nag-joke na naman tong Cesar na to! Kanina lang bumawi na sa inis ko eh!

I sipped my frappe, ignoring his sarcastic remark. Tralala, happy kid ako, libreng frappe!

"Nasaan nga pala si Gino? Matagal pa ba darating si Martin?"

"Kilala mo naman si Martin, always late. Mamaya pa yun." He looked at his cellphone, frowned, and returned it to his pocket.

"E si Gino? Di pa nakuha yung order niya?"

"Ah, nasa labas. Hinihintay si Andrea. On the way na daw eh."

I froze. Maybe my brain got freezed from the frappe I'm currently drinking. Andrea? Name ng babae, wala naman siyang ate. Baka pinsan? Hmmm, kinabahan ako bigla ah. Napa-tuwid ang upo 

ko sa couch. At bakit kasama siya sa trip ng barkada ngayon? Anong nangyayari?

"A-ano??" Yan lang ang nasabi ko kay Cesar. Di ko ma-process ang mga simpleng bagay. Kasi bigla kong nakita si Gino, pumasok sa main door na may ka-akbay na babae. Namutla ako.

Natulala din ako. Ang ganda ng girl, ni Andrea. Ang haba ng buhok niya, halos umabot sa waist, naka-digiperm pa ata. At mukhang sa Tony and Jackey pa siya nagpa-digiperm! Ang puti, ang kinis, ang slim. Ang ganda ng make-up.

Ang layo niya sakin. Kabaligtaran kung ano ako. 

As if the world slowed down around me, not in a romantic way, but in a tragic way.

They kissed lightly on the lips while walking towards our table. Gino smiled sweetly at me. 

 This time, di ako nakaramdam ng kilig. I felt as though a knife was stabbed through my heart.

Parang gumuho ang mundo ko.

*--- runami :)

Always the Best Friend, Never the GirlfriendWhere stories live. Discover now