CHAPTER 16

202 7 2
                                    

CHAPTER 16

Ano ba kasing pumasok sa isip ko?!

I mentally slapped myself once. No, twice. Make it thrice. Argh! Nakakainis talaga! Bakit ba kasi awang-awa ako kay James nung gabing yun? Dahil ba sa nasaksihan ko ang lahat at narinig? Na kaagad ko namang naintindihan ang sitwasyon? Ganun ba kabilis yun?

Sinabunutan ko saglit ang sarili sa inis. Dahil sa sinabi kong yun, lagi nang good mood si James sakin at para bang akala niya ay mayroon ng mutual understanding sa pagitan naming dalawa.

Mali, mali, mali. Wala akong gusto kay James, at lahat ng ito ay palabas lang nung una palang. Kunwari lang na may crush ako sakanya. Kunwari lang na date niya ako sa party para pagselosin si Andrea. Hanggang ngayon ba naman kunwari paring sasakyan ko na ang mga trip niya?

I stood up from my chair, gathered my books and left the classroom. Wednesday ngayon at P.E. na naman namin ni Martin. Dalawang linggo narin ang nakaraan mula nung umattend ako ng acquaintance party kasama ni James at dalawang linggo narin ako walang humpay na tinutukso ng mga kaklase ko, kasama na dun ang magagaling kong kaibigang sina Martin, Cesar at pati narin si Gino.

"Erick! Napaka-moody mo na talaga ngayon!" Tinawag ako ni Martin at sinabayan sa paglalakad. "Di na nga ako masyado sumasali sa asaran tungkol kay James eh." Saad niya habang naglalakad kami papunta sa field. 

"Oo nga, Christy." Biglang sumulpot itong Cesar na 'to at inakbayan si Martin. "Asar talo ka talaga. Ayaw mo nun, dati rati crush mo lang, ngayon boyfriend mo na!"

Hinampas ko ng dala kong libro si Cesar. "Hindi ko siya boyfriend!" Napipikon na talaga ako sa pang-aasar nilang yun. Pakulo ko lang na crush ko siya dati eh, bakit ngayon parang ako ang na-go-good time ng sarili kong joke! At isa pa, hindi ko naman talaga type si James! Kahit ba, parang pwede narin, pero hindi parin! Iba parin ang paghanga ko kay Gino at di basta-basta mapapalitan yun. "Isang asar mo pa Buboy, di na kita kakausapin habambuhay napupuno na ako."

"Aba, sobra ka na Erick ah!" Kinurot ako ni Martin. Parang kuya ko na kasi siya. "Di ka na nga maka-get over kay Gino, ganyan ka pa."

"Sinong hindi maka-get over?" I stopped and turned to Martin. "At bakit naman ako dapat maka-get over kay Gino at the first place? Aber?"

"Kasi nga, crush mo siya." Sabay binanggit nina Cesar at Martin.

"Che! Paniwalaan niyo ang gusto niyong paniwalaan!" I continued walking.

Pinauna na ako ng dalawang mokong habang naglalakad. Hindi nila ako sinabayan. Nasa likod ko lamang sila hanggang namalayan kong malapit na pala kami ni Martin sa P.E. class namin. Maya-maya ay nagpaalam narin si Cesar dahil hindi naman namin siya kaklase sa P.E. Bago mag-umpisa ang klase, nilapitan na naman ako ni Martin para makipagkwentuhan.

"Erick, hindi naman sa nakikialam ako ah..." He started. Parang alam ko na ang tungo ng ganitong tono ni Martin. "Pero sobra na talaga ang closeness niyo ni James lately. Kahit walang meeting sa tutorial club, nagkikita parin kayo. Tsaka lagi ka niya sinusundo pauwi. Yung totoo..."

Always the Best Friend, Never the GirlfriendWhere stories live. Discover now