CHAPTER 6

305 32 31
                                    

CHAPTER 6

Isang buwan na ang nakaraan mula nung nalaman kong may girlfriend na si Gino. Di parin ako makapaniwalang lagi na siyang may kadikit na babae kahit saan siya o kahit saan kaming magkakabarkada pumunta. Madalas pa nga ay di namin siya nakakasama dahil lagi niyang sinusundo ang girlfriend niya at napapadalas din ang paglabas nila tuwing pagkatapos ng klase at tuwing Sabado.

Sobrang lungkot. Di ko talaga akalaing may nililigawan siya dahil wala naman siyang nababanggit. Why didn't I see this coming? Di ba sabi ng iba, malakas ang pakiramdam ng mga babae. Pero bakit di ko manlang naramdaman o naamoy. Hay.

Baka dahil mas matindi yung feelings ko para kay Gino, kaya natatabunan na yung lakas ng instinct ko.

"Erin, what do you think?"

I spaced out again. Huh? Tumingala ako at nakita ko si Andrea, ang girlfriend ni Gino. Nasa cafeteria kami ng college building namin at magkasama kami sa table habang hinihintay ang 3 lalaki habang bumibili ng lunch.

Gano katagal ba akong nakatulala sa lunch ko habang pinaglalaruan yung kanin?

"I'm sorry?" I forced a smile. Wow, she's really pretty. Kahit babae ako, nagagandahan talaga ako sakanya. Maamo ang mukha at palangiti. Ang ganda pa ng buhok niya, natural ang pagka-straight at sobrang haba. She wears a little make-up at school. 

Parang pang commercial ng teen powder ang dating niya. Hay.

"I knew it, malalim ang iniisip mo." She smiled too, but a sad one.

"Sorry, my head is a little occupied earlier," I pretended to be interested on what she's saying.

"I was asking you," She became excited again. "Kung ipagluto ko ba siya ng pasta for our monthsary. I'm thinking of spaghetti or carbonara, pero di ko alam anong preference niya... "

Ouch.

"Ah..." I started to think. Food preference? Lagi naman kami magkakasama pero pansin ko... "Ayaw niya ng maanghang."

"Noted," Andrea leaned closer and I saw imaginary sparks on her eyes.

Ganon ba talaga ang feeling pag ipagluto ang taong gusto mo? Sobrang excited lang ba talaga?

"Tsaka di siya kumakain ng seafoods, allergic siya dun." I smiled kasi naalala ko one time nung nag-allergy siya at humingi siya sakin ng anti-histamine. Pareho kasi kaming allergic sa seafoods.

"Ah ok, I was thinking of seafood pasta pa naman... Sayang." She gave me a small pout.

"Gino loves chicken," I nodded. "Don't worry, pwede namang alternative yun. Tsaka basta ikaw ang nagluto, kakainin niya naman yan."

Suddenly she hugged me from the other side of the table. Whoa! That's quite a surprise. Bakit bigla akong na-awkward?

"Thanks Erin! I knew it. You're the best person to ask." She's clapping her hands now. "Lagi ka kasi nakwento ni Gino. I know you're one of the closest girl friends he had."

"No problem." My favorite line.

---

Today is PE day. Buti nalang, less time to see Gino. I'm walking from the locker area, katatapos lang ng PE at bibili ako ng drinks, the usual. Naglalakad ako papuntang bilihan ng drinks, bigla akong hinabol ni Martin.

"Erick babe," tinakpan niya ang mga mata ko galing sa As if namang di ko siya nakita nun paparating siya.

"Babe ka dyan!" Tinanggal ko yung kamay niya sa mata ko at humarap sakanya. "Kaya tayo napagkakamalan ng mga kaklase natin eh!"

Always the Best Friend, Never the GirlfriendWhere stories live. Discover now