CHAPTER 8

279 16 20
                                    

CHAPTER 8

I stood dumbfounded by the door while staring at the mystery guy in surprise. I didn't see this coming, again! Sinong mag-aakalang magkikita kami dito sa tutorial club na 'to? Hindi naman din siya mukhang nerd! Baka naman failure ang exams kaya siya member?

"So mag-me-member ka na ba dito Gino?" He smiled at Gino. Why does his smile seem so kind and genuine? Looks so gay to see him smiling like that at Gino. Urgh.

"Ang totoo niyan, niyaya lang ako ng mga kabarkada ko dito." Gino replied while pointing at me. Tulala parin ako. I really can't believe this. Tumingin ako kina Martin at Cesar at tumawa lang sila.

"Whatever, just come in!" The guy held the door open and lead us into a small office inside. The walls are painted pale blue with a touch of white at the angles everywhere. I smiled nervously. "By the way, I'm James..." Nag-smile siya saming lahat, "And you are?" Tingin niya sakin.

"Erin," I replied nervously. He shook my nervous and sweating right hand. My gulay, napaka-formal naman niya. Parang na-kuryente ako sa shake hands!

"Cesar and Martin," Gino continued the introduction and the two guys simply nodded.

Umupo kaming apat sa malapit na sofa habang pumasok muna si James sa isang room. Bumalik siya agad hawak ang apat na papel na naglalaman ng "House Rules" ng Tutorial Club. 

Nagpaliwanag siya sa harap namin habang binabasa namin ang binigay na papel. Nang matapos ito, agad na nagtanong si Cesar sa bagay na hindi niya maintindihan sa binasa.

"Ah bale magkakaroon kami ng study buddy at siya yung makakatulong namin sa studies?" Cesar asked.

"Oo, mabibigyan kayo ng buddies at magkakaroon din weekly group tutorials dito din sa office every Friday after classes." sagot ni James. Naka-smile parin siya. Bakit parang di siya nangangawit?

---

Monday morning nang mapadaan ako sa bulletin board ng tutorial club. Nakita kong mayroon ng listahan ng partners sa tutorials. Inumpisahan kong basahin ang bawat pangalan na nakasulat hanggang makita ko na ang pangalan ko. Whoa, di ko alam kung sinasadya ba ng pagkakataon, pero si James pala ang ka-partner ko this week. Wala akong naramdamang emosyon. Kundi pagtataka. 

Bakit naman kasi ang swerte ko? Iniiwasan ko na nga pag-usapan sa barkada ang kunwaring pagka-crush ko kay James kahit araw-araw akong tinutukso nina Cesar at Martin.

Napaupo ako sa bench sa labas ng tutorial club habang nagbubuklat ng libro. Malungkot ako dahil medyo umasa ako na si Gino ang makakapareha ko. Hindi naman masyado madami ang member ng tutorial club, pero kahit hanggang dito, wala parin kaming chance magkasama.

I opened my cellphone and checked if I have new messages. None. Bumalik ako sa home screen at tinitigan ang wallpaper ko.

Picture namin ni Gino habang naka-akbay siya sakin nung minsang lumabas kami ng Sabado. 

Nung mga panahong wala pa siyang girlfriend. At wala pa akong kamalay-malay na may nililigawan pala siya.

"Haaaaaaaaaaaay..." I sighed while looking sad at the picture.

"Boyfriend mo ba si Gino?" Narinig kong may bumulong sa kanang tenga ko.

"Ay kamote!" Halos nalaglag ako sa upuan ko sa laking gulat na may bumulong sakin at nakita pang wallpaper pa ang picture namin ni Gino. Nalaglag ang cellphone ko sa sahig. Napatayo ako kaagad. "James!"

"Haha nakakatawa ka ah, napaka-oa mo talaga." He bent down and picked up my cellphone. He smiled and looked at my home screen wallpaper, "So ikaw pala yung girlfriend niyang sinasabi niya sakin?"

"Hindi ah!" I frowned and snatched my phone from him. "Tinitignan ko lang yung mga lumang picture namin dito sa gallery."

"Tinitignan? E bakit naging wallpaper?" James asked innocently. Walang halong pang-aasar sa tono niya. Parang nagtatanong lang talaga. Ang wirdo naman nitong James na 'to.

"Wala." I answered sadly. "Nga pala, James tayo ang magka-buddy this week. I'm happy kasi nakilala na kita. Akala ko sa mga hindi ko pa kakilala ako ma-pa-partner."

James sat at the bench beside my bag, with his elbows on his knees while looking up at me smiling, "Oo naman, ako naman ang nag-a-assign ng buddies sa tutorial club every week."

"Ah, siguro ako nalang yung hindi mo pa naka-buddy..." I sat beside him and returned from reading my book.

"No," He started. "I'm just interested to know you better." Kinuha niya ang bag niya at binuksan ito.

*click*

I looked at him in shock. "Bakit mo ako pinicturan? Patingin nga, idelete mo yan!" Napalingon ako agad nung narinig ko ang shutter sound ng cellphone niya. Hindi pa nga nag-sink in sakin na 'he's interested to know me better' biglang pinicturan naman ako.

"Ang lungkot mo kasi, I have a collection of sad photos." He sat beside me again and showed me his gallery, "Look, ang dami ko na." He scrolled the gallery and I was amazed by the large collection he got. Then he held my chin for him to see my face.

Nangingilabot ako. Di ko ma-explain kung kinakabahan o kinikilig pero ang weird!

"Infairness, ang ganda ng emo shot mo sakin." I joked and forced a laugh. Di parin niya tinatanggal yung kamay niya sa baba ko. Ang weird niya...

"Erin, since the day I met you, I haven't seen you smile." He cupped my face with both hands to study my face. Argh, pakiramdam ko nag-blush ako. Please, stop this. "Kahit nung araw na nabunggo kita sa field, ang lungkot mo."

I turned away from his stare. Tinanggal na niya ang kamay niya sa mukha ko. Ang init ng kamay niya, somehow, I found comfort for a few seconds. "Wala James, madami lang akong iniisip..."

"When we get to know each other better, will you tell me why?"

"And why do you sound so curious?" I asked sadly. Lately, wala kasi akong makausap at hindi ko naman pwede sabihin 'to kina Cesar o Martin.

"Kasi Erin, I always see you around before. Hindi ka naman ganyan. Kahit pag pumapasok ka sa back gate ng university sa umaga, masaya ka. O kaya pag lunch time kapag kasama mo sina Gino, ang ganda ng ngiti mo. Tuwing nadadaan ako sa classroom niyo at nagtatawanan kayo ni Cesar. Kapag PE, lagi kitang nakikitang kasama ni Martin, ang saya-saya mong umuuwi... Alam ko ding scholar ka kaya wala ka masyadong friends kasi mapagmaliit ang mga babae dito sa school." He paused to catch his breath.

"Hindi pa kita kilala noon Erin, pero lagi na kitang nakikita. Lagi na kitang tinitignan." He added.

Tumayo bigla si James na para bang nagulat at kinuha ang bag sa bench. Sinabunutan niya ang sarili saglit at lumingon sakin.

"Ha?" Napatingin ako sakanya at natulala na naman.

Nakakagulat ang dami niyang alam sakin. Hindi ako makapaniwala sa dami ng nasabi niya. I didn't know I exist in somebody else's world until now. Maybe I'm just too busy at guarding my emotions kaya di ko napapansin na may kagaya ni James na nakikita din ang mga bawat galaw o kilos ko.

*--- runami :)

Always the Best Friend, Never the GirlfriendWhere stories live. Discover now