CHAPTER 4

388 56 78
                                    

CHAPTER 4

The week flew by. Weekend na agad. Time to relax and unwind. Kagabi, kahit Friday night palang, nag-start na akong magreview for the quizzes on Monday. My eyes hurt sa pagbabasa ng makapal na hand-outs ng prof.

Ang hirap ng college. Unlike highschool, kahit di ako mag-aral. Pumapasa ako and I get high grades. Ngayon, kailangan ko ma-maintain ang grades para di mawala ang scholarship.

Humiga muna ako sa kama. Tanghali na pala. Tama na muna ang pagrereview.

RIIIIIING. RIIIIIIING.

I bolted upwards. Nasaan ang fone ko? 

RIIIIING. RIIIIIIIING.

Gotcha! Nasa ilalim pala ng unan, "Hello? Gino?"

"Bakit ang tagal mong sumagot Erin?" He seemed pissed.

"Di ba pwedeng may ginagawa lang, kaya natagalang sumagot?"

"Haha joke lang. Uy, labas naman tayo. I'm drained." I heard a small sigh from the other line.

"Bakit? May problema ka ba?"

"Wala naman. Pero pagod na ako magbasa ng hand-outs! I need a break!"

Natawa ako. Akala ko ako lang. Among the three, si Gino ang pinakamatalino sakanila. We share the same interest in reading and studying. Kaya siguro ganon nalang ang admiration ko sakanya. Wait, did I admitted to myself na crush ko siya? Can't be.

"Sure. No prob." And there goes my finishing line.

Lahat naman sila, di ko matanggihan. Those guys did a lot for me for the past few months. Kahit puno lagi ng asaran, I still owe them a lot. Dahil alam kong sila ang mabilis kong lapitan pag may problem ako. Especially when it comes to financial issues. At hiyang hiya ako sakanila dahil dun. But they don't seem to mind. Nababayaran ko din naman agad.

I hopped out of my bed merrily. Is it a date?

Naligo muna ako sa CR habang kumakanta. Good mood eh. After shower, namili na ako ng isusuot.

Nagtext si Gino, daanan niya daw ako sa park malapit samin. On the way kasi ang bahay ko sa bahay nila. But he doesn't have a car. His parents never let him drive. Sabagay freshman palang naman kami.

Okay, pwede na siguro tong plain V-neck black shirt and skinny jeans ko. Magsusuot na lang ako ng stud earrings para di masyadong plain. Flats or slippers? Sige, flats nalang.

I sat in front of my bedroom mirror. Siguro I'll tie my hair in a half-pony. Para maiba. Onting powder. Onting blush-on. Onting lipgloss. Spray ng onting cologne. Ay mali, damihan ko na ng cologne!

I smiled. Pwede na to. Mas maganda na kesa sa everyday look ko. Do I look weird? Baka naman obvious na nagpaganda ako. Wag nalang kaya ako mag earrings at maghilamos nalang ako para walang blush-on?

Then I checked my watch. 12:30 PM.

Oh my gulay, 1 hour na pala ang lumipas! Bakit ang tagal ko dito sa salamin! Waaaa. Malayo pa naman lakarin ang park! Argh, ayoko ma-late sa date namin. Date talaga?

Habang naglalakad ako, napapa-smile ako. Ang ganda ba ng weather, o sadyang good mood lang ako? Date with Gino! Waaaa. I can't help myself giggling. Kinikilig ako. Buti nag-review na ako kagabi. Less worries.

Gino. The guy I admired the most. Not only because of his looks, but also because of his brains. Matalino siya, actually one of the top sa class namin. Feeling ko nga magiging Dean's Lister siya. How could a guy own everything - looks, brains and wealth. Siya na. I'm sure di lang ako ang nagpapantasya maka-date siya sa classroom. Well! Dizizit! Hahaha!

I've never been on a date before. Ewan ko ba, nung highschool kasi, diretso bahay lang ako. I know I somehow got the looks. 

Pero wala akong naging boyfriend. I'm very busy with my studies para maka-graduate with honors. Though 5th honorable mention ako, malaking bagay yun para ma-consider akong scholar ngayong college. And I need to prove that I deserve to be a scholar.

A girl with the brains and humble beauty like mine, I guess I knew the reason why I didn't get a boyfriend. Siguro, I come too strong for the boys on my highschool. Sabi ng iba, masyado daw kasi akong seryoso. Di din daw ako umaattend ng mga weekend lakwatsa. Hindi din daw ako nakikipag-textmate sa mga di ko kilala. At majority ng classmates ko sa first section ay girls. Yung mga iilang boys naman ay bakla at wala namang ka-gwapuhan sa mga tunay na lalaki.

Mind you, I'm very friendly when I was in highschool. Pero ngayong college, ibang level talaga ang ugali ng mga nakilala ko. 

Siguro malaking factor talaga na I'm a little less rich than them. Siguro, nakakahiyang makipag-friends sa isang scholar. 

Iniisip siguro nila, trying hard ako. So, nag-decide akong wag ng ipilit ang sarili sa mga taong makitid ang utak.

Weeee, excited na talaga ako. Late bloomer eh. Ngayon lang lalabas with a guy. A hot guy. Hahaha.

I turned right at the corner of the street. Ayan na ang park! Wait, mag-spray ulit ako ng cologne. Okay, check!

"Erin!" I heard Gino shouted on my back.

Eto na. I looked around, and saw him sitting on the swing, his elbows on his knees, his clasped palm right under his chin. 

Nakasuot siya ng light blue polo shirt, napansin ko din ang new watch niya dahil sa pwesto niya sa swing. Ang ganda talaga magdala ng damit nito. O ganon talaga pag mahal ang gamit mo?

Bakit laging ganon pag nakikita ko siya, lagi siyang nakayuko at nakatingin ang mata sakin? Ang gwapo mo talaga tuwing ganyan ka... I spaced out.

*--- runami :)

Always the Best Friend, Never the GirlfriendWhere stories live. Discover now