CHAPTER 11

238 8 6
                                    

CHAPTER 11

Almost 2 weeks had passed. Everyday parin kaming nagkikita ni James after class. We became really close for quite a while. Minsan nahihiya ako, kasi tumatanggi na ako sa mga pakulo nina Cesar at Martin na bonding. I still can't take to see Gino and Andrea joining our group happily habang na-awkwardan ako sa sitwasyon. Siguro obvious na talagang umiiwas ako sakanila.

Pero sabi naman ni Martin, parang obvious naman daw na kaya si James ang kasama ko lagi kasi crush ko DAW siya at mas gusto ko lang mapalapit lalo sakanya.

Natatawa ako kasi nakakatulong pa pala yung imbento kong idea na yun. Kinakagat parin nila. Hahaha. Not bad na maging crush si James. He's quite a little perfect guy for me. We're getting really closer and closer each day at para bang minsan feeling ko, special narin ang pagtingin ko sakanya. Hindi naman mahirap na maging totoong magka-crush ako sakanya at some point.

"Erin, do you think Gino likes pink for me? I'm thinking of wearing pink on the party." Andrea asked me one time during lunch break. Yung acquaintance party na pupuntahan ni James ang tinutukoy niya. Nalaman kong pupunta din pala si Gino at Andrea dun dahil sa family ties sa business world. Sabi ni Gino, mas maigi daw na makipag-socialize sa mga party para ma-gain ang mga first class business friends in the future.

"Siguro naman lahat ng kulay babagay sayo, Andrea. Don't worry. Maganda ka parin naman eh." I faked a smile. Hay, bakit kasi ang ganda niya naman talaga. Wala akong laban sakanya.

---

Saturday afternoon of the acquaintance party came. Kahapong Friday palang, halatang busy ang karamihan sa mga estudyante ng school sa pag-prepare ng isusuot sa party, dadalhing kotse, saang parlor magpapa-ayos at kung anong oras pupunta.

I sat on the counter of the cafe where I work. Plantsadong plantsado ngayon ang uniform ko pero di ko alam na reliever pala ako ngayon ng absent na cashier. Sayang at nagtagal pa ako mamalantsa ng palda ko, yun pala ay uupo lang ako dito sa trabaho.

A few customers came in and I took their orders over the counter. Majority ng mga customer namin ay mga college students din na nagrereview. Minsan may mga nakikita akong batchmates dito kaya napapadalas ang tukso nila sakin kasi nakikita nila akong nagwowork dito. But I don't care. Wala naman silang alam sa buhay ko.

The chimes situated at the door knob rang when my manager entered the cafe. He's a man in his early thirties. He stepped forward then scanned the room like looking for someone who's absent in their respective areas. Then his eyes stopped just when his gaze met mine.

"Erin, kausapin ka daw ng may-ari ng cafe." He looked at me with sad eyes. Ano kaya yun? May nagawa ba akong mali? "Nasa 2nd floor siya sa conference room. Go up, now. Dalian mo bago pa siya lalo magalit."

Lalo magalit? So kanina pa pala siya galit? Patay, baka sabihing sesante na ako sa trabaho dahil nakabasag ako ng plato last week bilang isang waitress. Mabagal akong umakyat ng second floor ng cafe at dahan-dahang tinungo ang office ng may-ari. Laging naka-lock ang pintong 'to na may karatulang "Keep Out" na akala ko nung una kong makita ay electical room ng cafe. Huli ko na nalamang dun pala ang office ng may-ari.

Huminga ako ng malalim, tinuwid ang palda ko, at kumatok ng marahan sa pinto.

Walang sumagot.

Nagtaka ako kaya kumatok ulit ako.

Wala parin.

Akala ko ba kanina pa siya naghihintay? Unti-unti kong binuksan ang doorknob at sinilip ang loob ng office. Wala ngang tao. Pero sabi ni manager, nagagalit na daw ang may-ari kanina pa.

Pumasok ako at hinahanap ang totoo kong boss. Sa ilang buwan kong pagtatrabaho ko dito ay hindi ko pa siya nakita ni minsan. Marahil ay dahil sa twice a week lang ako pumupunta dito. Malaki pala itong office. Puti at itim ang kulay ng pintura pati ang mga kagamitan. Napaka-moderno pala at sa dulo ay may malaking painting ng karagatan.

Nilapitan ko ang painting at hinawakan ito. Mahal siguro ang bili dito ng boss ko. Lumingon ako sa kabilang dulo at may malaking vase din na may sariwang bulaklak. Siguro babae ang boss ko, ang ganda ng mga napili niyang bulaklak. Nilapitan ko ang vase at yumuko upang amuyin ang mga bulaklak.

"Erin," I heard a male voice whispered behind my back.

"Ay kamote!" Natabig ko ang vase at nakita ko itong nalaglag mula sa lamesa. Parang nag-slow motion ang mundo ko dahil baka lalo magalit sakin ang amo ko at masesante ako. Hindi pwede mabasag ang vase! Pero huli na ang lahat, masyadong mabilis ang pangyayari. Para akong naparalisa at nagtakip na lamang ng mukha habang inaantay ang ilang segundong pagbagsak ng vase sa sahig.

3

2

1...

Ngunit walang nabasag na vase.

Dinilat ko ang mga mata ko at nakitang ibinalik na ito sa mesa. Tanging kamay ng lalaki ang nakita ko na nagbalik ng vase sa lamesa. Grabe ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung nabasag ang vase na yun. Parang tulala parin ako sa muntikang mangyari nang maisipan kong tignan ang mukha ng taong nagsagip sa trabaho ko. Pero nakatalikod pa siya at nakasuot siya ng jacket at baseball cap.

Nakita ko ang magara niyang relo. May kamukha 'to. Uso siguro ang relo na yun, baka isa sa mga kaibigan ko ang may ganun. Pamilyar din ang pabango niya. Baka ganun talaga pag mayaman, amoy mamahalin, amoy mayaman.

"S-sir..." Finally, I found my voice at the back of my throat. "Sorry po, hindi ko sinasadya..."

Humarap ang lalaki at laking gulat ko sa nakita ko.

Siya?! Anong ginagawa niya dito?! Baka lalo ako malagot sa boss ko dahil baka isiping nagsama pa ako ng kakilala sa office niya!

Always the Best Friend, Never the GirlfriendWhere stories live. Discover now