CHAPTER 10

253 15 16
                                    

CHAPTER 10

Erin's POV

"Okay, so where do we begin?" James leaned forward, looking closely to my eyes. Pakiramdam ko, mababasag ang salamin ko sa sobrang titig niya. Ang ganda pala ng mga mata niya... Parang nararamdaman kong may something sa mga matang yun... Para bang iba ang ibig sabihin ng mga tingin niya... Parang madaming ipinapahiwatig sakin... James...

Hay, tigilan ang ilusyon!

I snapped back at reality again, "Uhm," I looked down at my notes laid down on the table. "Meron kaming long assignment sa Chemistry. Due this coming Monday." Sabay turo sa isang makapal na handouts.

"Monday?"

I looked up, "Yup, Monday. Sorry, medyo advanced talaga ako mag-review eh... Medyo di ko pa kasi gets kaya gagawin ko na sana ngayon ang assignment para makapagpaturo ako sayo..."

Umupo si James sa tabi ko at nag-smile habang nakapatong ang isang siko sa sandalan ng upuan, "Chemistry is my favorite. I'm amazed on how these unseen things interact with each other to form a substance." He looked up the light blue lazy afternoon sky. "Minsan naiisip ko kung ganun din ba sa love."

I laughed and shook my head, "Baliw, napunta sa love ang usapan!"

"Seriously!" He looked back at me, "Haven't you been in love? Ganun kaya yun! Pag lagi kayo magkasama o magkausap, nadedevelop kayo. Therefore, makakaproduce kayo ng isang napakagandang feeling called love."

"Anong kakornihan yan?!" I laughed again. Bakit biglang na-awkward ako sa topic namin.

For the past few days, lagi kaming nagkikita ni James after class. Hindi naman required sa tutorial club na araw-araw magkita ng study buddy mo, pero napagkasunduan nalang namin na tuwing matatapos ang klase, ay magrereview kami ng sabay. Halos di ko na makasama sina Gino, Cesar at Martin dahil iniiwasan ko sila. Lagi ko kasi nakikita si Andrea na kasama nila dahil kay Gino. At nasasaktan ako na makita silang masaya. Siguro, kailangan ko muna silang iwasan.

The daily late afternoon lesson reviews with James helped me a lot. Maliban sa mas madali kong naiintindihan ang ibang lessons, mas nalalayo ang atensyon ko kina Gino at Andrea, which helps me get into focus again. Ang priority ko naman talaga dito sa school ay ma-maintain ang scholarship at hindi naman mag-boyfriend. Tutal, darating din naman yun at the right time.

I opened up my notes and stared at it blankly. Ganun din naman si James, naghahalungkat siya ng bag na parang may hinahanap at nawawala.

Sometimes, I wonder how does it feel to be a normal student here in our university. Mayaman, matalino (di ka agad matatanggap dito kung hindi ka papasa sa mahirap na entrance exam) at sunod lahat ang luho. Life seems so easy for them. Sa isang pitik, meron na silang mga bagay na para sakin ay luho lamang. Sa isang pitik, mas maganda na sila kaysa kahapon. Sa isang pitik, bago na ang kanilang kotse at minsan pati ang mga kasintahan bago narin.

Always the Best Friend, Never the GirlfriendМесто, где живут истории. Откройте их для себя