CHAPTER 17

194 10 2
                                    

CHAPTER 17

James' POV

I watched Erin sleep as I sat beside her bed at the university's clinic. Just when I thought she understood my feelings from the kiss I gave her, she fainted right in front of my eyes and I have no choice but to take her somewhere for first aid. She looked so innocent while sleeping but I could see the tension between her brows. I don't know if it was because of dreaming or having a nightmare.

The girl I had fallen in love with for quite a short time is just next to me. "I think I've fallen for you, Erin...  Ano bang gagawin ko? Tinamaan ako ng lintik." Hinimas ko ang pisngi niya gamit ang likod ng kamay ko.

Dumilat siya, tumingin sa paligid at pinakahuli ay sakin. "Anong sabi mo? Tinamaan ka?" Tanong niya sakin na para bang siya pa ang nagtataka.

Natawa ako. "Buti gising ka na..." Napangiti ako. Ngayon alam ko na narinig niya ang sinabi ko at mas sigurado akong naramdaman niya yun mula sa halik ko kanina.

Bumangon siya at hinimas ang ulo niya. "James, totoo ba ang mga nangyari?" Tumingin siya sa labas ng bintana at nakita kong namula ang kanyang pisngi. "Totoo ba yun o napanaginipan ko lang?"

I smiled to myself. Baliw-baliwan talaga 'tong babaeng 'to. Natatawa ako sakanya, masyadong inosente! Habang nakatingin siya sa bintana at ginugusot-gusot ang kumot niya, ay bigla ko naisipang tumayo at...

Halikan na naman siya sa kanyang mga labi.

Ngayon, hindi ako pumikit dahil gusto ko makita ang reaksyon niya. Tulala siya at nakatingin din sa mga mata ko. Akmang itutulak niya ako pero pinigilan ko ang mga kamay niya. Pinilit niyang ipikit ang mga mata niya na para bang ilang saglit pa ay mawawalan na naman siya ng malay.

Natawa ako kaya hininto ko na ang saglit kong paghalik sakanya.

Nakapikit parin siya at mahigpit ang pagkakahawak sa kumot.

"Miss Erin..." Biglang pumasok ang nurse galing sa likod ng kurtina. 

Laking gulat ko sa nurse kaya tinulak ko si Erin sa kama sabay lingon sa nagsalita. Siguro hindi maipinta ang mukha ko ngayon sa hiya. Nahuli niya lang naman kaming dalawang magkahalikan.

"Aray..." Tanging nasambit ni Erin na muntik na mahulog sa kabilang gilid ng kama.

"Ahem." Sambit ng nurse at binuksan ang kurtina lalo na para bang pinapaalis na kami. "Pwede na po kayo makauwi. Masyado ka daw napagod sa P.E. class kanina at sa pagpupuyat mo sa pag-aaral."

Dali-daling tumayo si Erin at isinuot ang kanyang sapatos. "Thank you po, Nurse." Saka kinuha ang kanyang bag na nakapatong sa lamesa at naglakad na palabas ng pintuan.

Sinundan ko si Erin at hindi din ako makatingin sa nurse. Nakakahiya! Bakit na naman kasi hindi ko napigilan ang sarili ko?

"Kabataan talaga ngayon!" Narinig kong sinabi ng nurse habang papalabas kami ng pintuan.

Dahan-dahan kong sinara ang pinto pero pagkatapos nito ay agad na palang nakalayo si Erin mula sakin. Ang bilis niyang maglakad at para talagang nagmamadali para hindi ko siya maabutan. Mukhang balak pa niya ata ako iwasan. Hindi 'to maari, hindi ako papayag na dedmahin niya lang ang pagtatapat ko kanina.

"Erin! Kausapin mo naman ako!" Sigaw ko sakanya habang hinahabol ko siya.

"James, naguguluhan ako. Wag kang lalapit." Lumingon siya at sinenyasan ako para tumigil sa paghabol sakanya. "Bakit parang nabibilisan ako sa mga nangyayari?!"

"Erin, totoo lahat yun! Totoo lahat ng nararamdaman ko at ang mga sinabi ko sayo!" Sigaw ko mula sa kinatatayuan ko. Tinangka kong humakbang papalapit sakanya pero humakbang din siya ng paatras. Nalungkot ako dahil di ko nagustuhan ang ginawa niyang yun, parang hindi magandang senyales.

Always the Best Friend, Never the GirlfriendWhere stories live. Discover now