CHAPTER 19

277 5 3
                                    

CHAPTER 19

Two weeks had passed. Ngayon na ang week ng finals. Puyat na puyat ako everyday para maka-catch up sa pace ng pagrereview sa tutorial club. Doble effort ako ngayon dahil kailangan kong mag-maintain ng grades para manatili ang scholarship. Tungkol naman kay James, medyo nasasanay na ako sa pangungulit at pagbubuntot niya lagi sakin. Though, hindi naman talaga officially kami as boyfriend-girlfriend, masyado parin siyang sweet at thoughtful sakin.

Unti-unti ko nalang tinatanggap na bigyan ko ng chance ang lalaking 'to baka naman sakaling matanggap din siya ng puso ko. Hindi naman siya nagpaalam kung manliligaw o ano, pero sa nakikita ko, nililigawan niya ako. Pero minsan, feeling ko boyfriend ko na talaga siya at hindi na ako makatanggi. 

"Erin, ito na yung ibang handouts para sa Chemistry natin." Sabay abot sakin ni James ng mga papel habang nasa library kami at nagrereview para sa exam bukas. "Alam ko, ito ang weakness mo, kaya may mga tips at techniques pa akong ituturo sayo, okay? Galingan mo bukas sa exam, ha?" Ngumiti siya sakin.

Ngumiti din ako, sabay tingin sa papel, "O? E eto yung sarili mong notes ah? Bakit mo binibigay sakin 'to?"

"Tapos na ako magreview dyan, pahiram ko nalang muna sa'yo." Binuksan niya ang bag niya at naglabas ng ibang handouts sa ibang subject. "Nagaya ko na ang study habits ko sayo dahil lagi kitang kasama. Advance narin akong nagrereview! Ayos pala!"

Tumingin ako sakanya at parang kinilig. Siguro ganun nga dahil lagi kaming magkasama, nakukuha namin ang ugali ng bawat isa.

"Hey, bro!" May umupo sa tapat ng upuan namin sa library. Nagulat ako kasi pagtingala ko, nakita kong si Gino pala yun. Namula ako. Pero agad kong nakita na nasa likuran niya pala si Andrea, kaya medyo umiwas ako ng tingin.

Walang kaalam-alam ang mga lalaki na may tensyon din sa pagitan namin ni Andrea. Akala nila, okay kaming dalawa at nagkakasundo. Pero nagbago na ang lahat nang yun pagkatapos kong marinig ang katotohanan sa acquaintance party. Napatingin ako kay James at nakita kong nanginginig ang kamay niya na tipong manununtok sa ilalim ng mesa habang nakapatong sa bag niya.

"Hi Erin, hi James..." Bati ni Andrea, "Mag-lunch na kami, gusto niyo bang sumabay? Para makapagkwentuhan naman tayo. Miss ko na kayong dalawa. Para kasing may sarili na kayong mundo mula ng naging magboyfriend-girlfriend kayo eh." She stated in a sarcastic tone.

I rolled my eyes. Plastik! Nakakairita. Di ako sumagot, pero tumingin ulit ako kay James at nakayuko siya sa handouts, nanginginig parin sa galit ang kamay. Hay, ano bang gagawin ko sakanya, ang awkward naman kasi ng sitwasyon namin dito.

"Oo nga James, lalo ka na Erin!" Lumapit si Gino sa harap namin, "Ang tagal ko nang di kayo nakakasama. Hindi ko nga alam kung ako ba yung busy dito kay Andrea o kayo ang busy sa isa't isa kaya di tayo nakakapag-bonding eh." Sabay ngiti niya kay Andrea.

Yeah, yeah, yeah.

"Naisip kasi ng barkada, na mag-outing tayo sa sembreak! Pumunta tayo sa Batangas!" Pagpapatuloy ni Gino. "Ipina-plano na ni Martin ang outing, kailangan kasama tayong lahat, walang mawawala, guys. Tsaka excited narin si Cesar kaya nga mas inuna pa niya ang pag-shopping ng ipoporma niya kesa magreview kahapon eh!"

"Outing? Saan sa Batangas?" Tanong ko.

"Beach, naghahanap pa." Ngiti ni Andrea. Napaka-plastik. Naiinis din tuloy ako. "After exams on Friday, 3 days 2 nights yun."

"At don't worry sa expenses, Erin." Dugtong ni Gino. "Dad ko ang may sagot ng outing kasi early birthday gift niya daw. Alam niyo namang sembreak ang birthday ko. Kaya please, be there. Wag kayong mawawalang dalawa. Magtatampo talaga ako."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Always the Best Friend, Never the GirlfriendWhere stories live. Discover now