CHAPTER 9

271 16 22
                                    

CHAPTER 9

James' POV

Tumayo ako bigla sa gulat sa mga nasabi ko. Kinuha ko ang bag sa bench para umalis. Argh! Nakakainis bakit di ko napigilan ang bunganga ko! I should've kept my mouth shut! Sinabunutan ko saglit ang sarili ko para magising.

"Ha?" Erin stared at me with eyes and mouth wide open.

Gulat na gulat din siya sa mga nasabi ko. Okay, ngayon ako na ang mukhang wirdo sa paningin niya! Masyado pang maaga para magsalita ng ganon. Halos kaka-kilala ko lang sakanya last week.

"I need to go Erin." I smiled nervously. Ang ganda niya, di parin siya makapaniwala sa nasabi ko. Kahit ako di parin makapaniwalang nasabi ko lahat yun. Akala ko nasa utak ko lang lahat yun.

Erin pushed her glasses up her nose and tucked a few strands of her behind her ear, "Okay James, see you later sa tutorials..." She smiled.

BOOM. Finally, ngumiti na siya ulit... Sakin siya ngumiti!

"Bye..." Erin waved her hand and smiled genuinely again.

I turned around and waved my hand up for goodbye. Baka pag di ako umalis, mabuking pa niya akong parang totoy na kinikilig dito. Dahan-dahan akong tumakbo sa corridor para di niya makitang nagpipigil lang din ako ng ngiti.

Nginitian na ako ni Erin! Ang ganda niya talaga at walang halong arte.

Huminto ako sa tapat ng hagdan at sumandal sa pader. Hingal na hingal ako. Tumingala ako at ngumiti. Grabe, bumilis ang tibok ng puso ko dun. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang picture niyang malungkot kanina. Kahit malungkot siya, maganda parin siya. Pero mas maganda siya pag ngumiti. Wala manlang siyang ka-ayos-ayos sa katawan o buhok. Simple lang at parang anghel na bumaba sa lupa para iligtas ako galing sa heartbreak ko--

"Sweetie..."

I looked up and saw Andrea standing in front of me. Yes, Andrea, Gino's current girlfriend, the one he took away from me more than a month ago.

I frowned at her while watching her walk towards me, "Wag mo akong tawaging Sweetie!"

Andrea smiled and placed her hand on my chest, "Why not James? May bago ka na bang girlfriend? Ayaw mo na bang tawagin kitang Sweetie kahit na alam mo namang mahal mo parin ako?"

"Stop it, Andrea." I slapped her hand away from my chest.

"Ssshhh..." Lumapit ulit si Andrea at dumikit sakin. "Kahit alam ko namang mahal mo pa ako James, sorry kasi pinagpalit kita kay Gino. Hindi naman niya alam na may boyfriend ako eh. At sino ba namang babae ang hindi ma-fall sa kasing sweet niyang lalaki?" Pagmamaldita niya sakin.

"Wala na akong panahon sa mga laro mo, Andrea." I growled. Lumayo ka sakin baka di kita matantsa papatulan kita kahit babae ka.

"Isa pa, madami siyang kayang gawin na hindi mo kaya... Mas magaling siyang humalik... Mas magaling siyang maglambing... Mas magaling siya sa ka--"

"I said STOP!" I shouted. Napatingin lahat ng dumadaan saming  dalawa. Nararamdaman kong umaakyat ang dugo ko sa ulo at nanginginig na ang kamay ko baka masuntok ko 'tong babaeng 'to.

Andrea stepped backwards while laughing, "O chill! High blood ka naman agad eh! Di mo naman ako masisisi kung ipagpalit kita diba?" With that, she walked out laughing while swaying her bouncy, full hips.

Don't drool over those sexy hips. Don't look at it. Hindi na sayo yan, kay Gino na yan.

Damn you, Gino. Bakit dumating ka pa sa buhay ko at inagaw ang girlfriend ko? Wala akong pakialam kung hindi mo alam na may boyfriend si Andrea. Sabay niyo akong tinraydor. Mga traydor.

---

Thursday na at ngayon kami magkikita ulit ni Erin para sa buddy tutorials namin. Naglalakad ako sa gilid ng field para pumunta sa meeting place namin - sa isang pavillion para doon magreview.

Habang naglalakad ako, napaisip ako kung paano ako nag-umpisang magkagusto kay Erin. Nung nalaman kong pinagpalit ako ni Andrea sa isang lalaki, agad kong inalam kung sino siya. 

Bakit, may hihigit pa ba sakin dito sa school? Alam kong school ito ng mayayaman pero alam ko din namang may iyayabang din ako dahil kilala din ang pamilya ko dito.

Nakita ko si Andrea na may kasamang babae sa canteen noon. Akala mo santa-santita siya, pala-ngiti at para bang di siya maarte. Alam kong maarte si Andrea pero napamahal narin ako sakanya kahit madami ang naiinis sakanya. Inaamin ko dati, nabilog niya talaga ang ulo ko. Madami akong regalong mamahaling binigay sakanya at di siya nakukuntento sa mga simpleng mumurahing gamit na binibigay ko. Gusto niya lahat ng atensyon ko nasa kanya.

Sino ba yung kasama niya?

Kilala ko naman lahat ng kaibigan niya, pero mukhang bagong mukha to. Unlike most of her friends, this girl looks more innocent and kind. No make-ups, no expensive accessories, no luxury bag, no hair color... I haven't seen such a genuine angelic face for quite a while. Everything is natural.

Then biglang lumapit si Gino.

Nagbago ang mukha ko. Makita ko lang ang Gino na 'to, kumukulo ang dugo ko. Hindi ako makapaniwalang pinagpalit ako ni Andrea sa kaibigan ko nung highschool! Kahit pa sabihin na walang alam si Gino, para sakin, tinraydor niya parin ako indirectly.

Sa araw-araw kong pagmanman kina Andrea at Gino, lagi ko din nakikita ang babaeng mala-anghel ang mukha. Bakit parang lagi na siyang malungkot? Samantalang dati nakikita ko siya sa campus, hindi naman siya ganyan.

Ano kayang iniisip niya?

Napapansin ko din na lagi siyang mag-isa madalas. Dati, lagi ko nakikitang siya ang kasama ni Gino noong girlfriend ko pa si Andrea. Akala ko nga dati, girlfriend siya ni Gino. Maliit lang ang building na 'to at lagi ko sila nakikita pero ngayon ko lang napansin ang kagandahan niya. Baka kasi dati lahat ng atensyon ko ay nakay Andrea.

"Erin!" I jogged to reach her at the nearest pavillion. "Matagal ka bang nag-hintay?"

She smiled, "Not really. Kanina pa ako nakarating pero nagpahinga muna ako. Napagod ako sa pagsusulat ng notes!"

"Okay, so where do we begin?" I leaned forward at her to see her eyes more closely. Kahit may salamin siya, kitang kita ko ang sarili kong nagre-reflect sa mata niya.

*--- runami :)

Always the Best Friend, Never the GirlfriendWhere stories live. Discover now