Chapter 21

484 26 28
                                    

Kanina pa kami pa ikot ikot ni ate dito sa loob ng mall pero wala, di na talaga namin nahanap ung mga koreano kanina.

So, we decided na umuwi nalang since pagod na rin naman kami na maglakad lakad dito.

Hayss sayang talaga ang tanga ko kasi!

Lumabas na kami ng mall at sumakay nalang sa tricycle pauwi malapit lang naman bahay namin sa mall kaya tricycle nalang sasakyan namin, nakakapagod maglakad eh.

Habang nakasakay kami dito sa tricycle ngayon, bigla kong naalala ung katext ko kaninang jimin kuno, tinignan ko ung phone ko kung may text na sya, pero wala pa? Bakit kaya? Tagal nya naman magtext? Pero hindi ko sya namimiss noh! Nagtataka lang ako kung bakit di pa sya nagrereply..

After a few mins nandito na kami sa bahay.

Agad akong pumunta sa loob ng kwarto ko at nagbihis ng pambahay at lumabas na ako sa kwarto at umupo sa sofa sa sala.

"Hays, nakakapagod maglakad dun, napunta sa wala ung pagod natin." Sabi ko kay ate .

"Eh kung di ka ba naman kasi nangulit na hanapin ung mga koreano na yun eh!"

"Teka oy! Sinong huling nagyaya? Ikaw diba? Sakin sisi? Galeeng!"

Tumawa lang sya...

"Nasaan ba sila mama? Ba't hanggang ngayun wala pa? Anong oras na ah." Tanong ko. Sabay tingin sa wall clock.

"Aba malay ko. Text mo kaya."

Hindi ko nalang sya pinansin at tinext ko na si mama.

To: Eomma

"Ma, Nasaan na kayo?"

........
After 3 mins.

*1 message received*

From: Eomma

"Baka mamaya pa kami makauwi nak may inaasikaso pa kami ni Papa mo."

Ang galing eh noh, ang layo ng tanong ko sa sagot nya ..

To: Eomma

"Ahh okay po Ma."

Pagkatapos nun ay hindi na sya nagreply pero biglang nagvibrate ang phone ko..

Pagkatingin ko sa caller ID, si Jimin Kuno ang tumatawag bigla akong nagpanic dito at kinabahan! Bakit ba lagi akong ganto kapag kausap ko sya or kakausapin pag tuwing phone call na?

Pero dahil hindi nga sya nakapag reply sakin kanina, At gusto kong malaman kung bakit, sinago ko na ang tawag.

"Hello?" Panimula ko.

[Hi babe! Miss me?]

Aba ang kapal talaga ng mukha neto babe ng babe.. Pero may kakaiba sa boses nya, bakit parang iba ung boses nya ngayon??

"Ewan ko sayo! Ano na? Akala ko ba papatunayan mo na isa ka sa member ng BTS musta naman? Wala na ngayon? Hahahaha!"

*tooot* *tooot* *tooot*

Lucky ARMY (continuation)Where stories live. Discover now