Chapter 29

409 19 6
                                    

JIMIN's POV

Wtf, Park Jimin, seryoso ka ba? Ayan lang ang pumapasok sa utak ko ngayon. I can't believe na magkakagusto ako sa isang fan.. At ang pinaka mahirap pa, eh seryoso ako sa kanya? Ano na ba nangyayari sa akin? Ano ba mga pinagsasabi ko kay Rae kanina? Nagmakaawa ako na sana ako nalang? Na maghihintay ako? Nagtanong pa ako kung hindi na ba talaga mababago ang bias nya na si V na maging ako naman? Ano na? Ano na ba talaga nangyayari sakin?

Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit napaka seryoso ko sa kanya. Sa lahat ng fangirls, sya ang nagustuhan ko ng todo? Bakit kaya? Ewan ko, ang lakas ng tama ko sa kanya. Aish Jiminie! Anyare sayooo?

Bakit ganun? Kapag tuwing nababanggit naming ang pangalan ni V, may kumikirot sa puso ko?

Ganun na ba ako kabaliw sa kanya? Kay Rae? Isa lang din naman syang fangirl namin pero anong meron sa kanya at sya talaga ang napansin ko/namin?

Ang hirap din ng sitwasyon ko. Siguro kung maging kami man, KUNG lang! Marami na ang mangba-bash sa kanya at magsasalita ng hindi magaganda sa kanya. Ayoko ng nasasaktan sya. Ayoko ng pinagtutulungan sya. Eh ano nga kaya ang dapat kong gawin para hindi malaman ng armys to? Lalo na ng mga hyung ko? Syempre pati kay V. Ano nalang ang sasabihin ko sa elyen na yun kapag nalaman nya ito?

Natatakot ako na mapunta si Rae kay V .. Natatakot at the same time masasaktan ako ng sobra! Imagine, kung magiging sila naman, syempre masaya na si Rae kasi bias nya na ang katuluyan nya at ung ultimate bias nya na yun, may gusto rin sa kanya. Wala na akong magagawa kung mangyayari pa yun kasi masaya naman si Rae kay V kahit na masakit para sakin pero makita ko lang na masaya si Rae tatanggapin ko na.

Pero ayoko .. Gusto ko si Rae. Alam ko naguguluhan din sya. Pero bahala na.

Sorry TaeTae, una unahan nalang.. Sorry talaga.


V's POV

Jimin hyung, hindi mo ako mapagtataguan ng sikreto sinasabi ko sayo. Alam ko na, na naniwala na si Rae na ikaw talaga yan!

Nasa tapat ako ng pintuan ng kwarto ni Jimin hyung kanina na naka sarado.. Nakikinig ako dun habang ung tenga ko nakadikit sa pintuan. Wala namang ibang tao dun sa loob kanina kundi si Jimin hyung lang eh. Tapos may naririnig din akong boses ng babae na parang sa phone lang. Tapos nabigla ako at nanlaki ang mata ko nang marinig ko na binanggit ni Jimin hyung ang 'Rae' na pangalan. Ang babaeng gustung gusto ko.

Pero naiinis ako kay hyung sa mga sunod na salitang binitawan nya.. Narinig ko na ako talaga ang matimbang sa puso ni Rae .. Tapos sabi naman ni Jimin hyung, ano daw ba ang meron sa akin na wala sa kanya, hindi na daw ba mababago ang ultimate bias nya, at maghihintay daw sya!

Isa yan sa mga narinig ko galing kay Jimin hyung. So ibig sabihin nililigawan nya si Rae?!!!!! Hell no! Di ako makakapayag! At narinig nya na nga mismo kay Rae na ako ang mas matimbang sa puso nya diba? Bakit pinagsisiksikan parin nya ung sarili nya?!

Sigurado ako na nagpaplano na si Jimin hyung ngayon. Pero hindi! Hindi nya maitutuloy ang plano nya.  Alam ko na, alam ko na ang lahat! Hindi nya ako maiisahan! Ako ang unang unang nakapansin at nagkagusto kay Rae .. Sumunod lang sya.. Hindi ako makakapayag na agawin nya si Rae sakin.. Madali ko nalang makukuha si Rae sigurado ako dahil ako ang ultimate bias nya!

Dapat maunahan ko sya kay Rae!

Aish, Taehyuung! Isip isip! Ano ba ang dapat kong gawin?

Aha!

Kinuha ko agad agad ang phone ko sa table sa gilid ng kama ko. Nandito kasi ako ngayon sa kwarto ko. Agad agad kong binuksan ang ginawa kong secret acc sa fb, ang mga friends ko lang dun ay ang ibang members ng bangtan at wala nang iba.

Ang dami na agad friend requests! Pero sorry sila hindi ko pwedeng i-accept.

Tinignan ko lang saglit ung mga friend requests baka sakaling may Rae Kim na pangalan dun.. At hindi nga ako nagkakamali meron nga! Pero nagdalawang isip ako. Baka ibang Rae iyon. Agad ko munang viniew ang acc nya.. Nakita ko mutual friends namin isa lang si Jimin hyung lang.. Baka sya na nga to. Inaccept ko na agad .. Pero hindi ko muna sya chinat. Baka kasi kahit Mutual nya si Jimin hyung, ibang Rae naman yan. Baka mamaya ibang Rae yan tapos biglang malaman na ako ang tunay na Kim Taehyung, ipagkalat na agad tsk tsk.

Maya maya lang may nag pop na sa messenger ko.. Yung Rae!

From: Rae Kim

"Hi😊"

Nireplyan ko naman na agad sya.

To: Rae Kim

"Hello?"

From: Rae Kim

"Uhmm, alam ko po na ikaw ang real taehyung.😊"

HUH?? HOW??

To: Rae Kim

"Huh?"

From: Rae Kim

"Uhm, hehe.. Bye."

Whut? Seriously??

Paano nya nalaman na ako talaga ang tunay na Kim Taehyung?? Hindi kaya si Rae talaga to??! Hindi ko na sya nireplyan kasi nag out na sya at hindi ko rin naman alam kung anong mai-rereply ko. Aish.. Pano na to? Pano kung ibang Rae to at hinuhuli lang ako? Pero... Urrgh! Ano ba dapat kong ireply dito? Tsaka na nga lang kapag nagchat na ulit!

Kinakabahan na ako ha! Baka ung totoong Rae na to! Kinikilig na tuloy ako! Hahahaha! Humanda ka lang sakin Jimin Hyung! Hindi ko hahayaang maagaw mo si Rae sakin! Ako ang unang nagkagusto sa kanya at ako ang ultimate bias nya! Wrecker ka lang jimin hyung tandaan mo yan!

Hindi ko alam kung seryoso ka din kay Rae o pinagseselos mo lang ako pero kahit anong mangyari sisiguraduhin kong akin lang sya! Hinding hindi sya mapupunta sayo jimin hyung!😏😏😏😏

Seryoso ako kay Rae, ayokong may ibang umaaligid sa kanya.

Jimin hyung, sana naman ibigay mo na sakin to, lagi mo na akong inaagawan.. Pero ngayon sigurado ako, sa akin na mapupunta si Rae!

Lucky ARMY (continuation)Where stories live. Discover now