Chapter 38

429 16 22
                                    

"MAY SUNOOOGG MAY SUNOOG GAGO MAY SUNOOOG MGA KAPITBAHAY MAY SUNOOOG~~"

Bigla akong nagising nang mahulog ako sa kama ko haaay nako namaaan lintek na alarm kasi to eh. Napagtripan nanaman sigurong palitan ni ate yung alarm tone ng phone ko. Nung nakaraan Not Today tunog neto eh! Buset naman oh!

Pinatay ko naman agad ung alarm ko 7:30 am palang. Maaga aga pa naman kaya matutulog muna ako. Tutal wala naman akong gagawin ngayong araw. Makakapagpahinga ako ng maayos buong araw haaaaayy.

Saktong pabalik na sana ako sa pagkakahiga sa kama ko nang biglang may marinig akong nakakagulat na 100 na katok para kay Rae chos! Nakarinig ako ng napaka ingay na mga katok sa pintuan ng kwarto ko!

Nakakabwiset na ang aga-aga nambubulabog ggrrrr sino ba yang kumakatok na yan at parang first time nyang maka-katok sa pintuan in-enjoy masyado eh!

Pero syempre pigilan ko dapat yung galit ko dahil baka pag sumigaw ako dito lalo lang akong kukulitin kaya nagpanggap nalang ako na walang naririnig at pumikit na sabay talukbong ng kumot.

Pero maya maya lang narinig kong may nagbukas ng pintuan ng kwarto ko at
"PWEDE BA MAMAYA NA KAYO MANG ISTORBO DAHIL NGAYONG ARAW NALANG ANG PINAKA PAHINGA KO ANG AGA AGA ANG HILIG MAMBULABOG EH!" dere-deretso kong sabi habang nakaharap sa kung sino man yung nasigawan ko. Hindi ko napansin kung sino eh dahil habang nagsasalita ako nakapikit ako baka mamaya si ate pala masampal pa ako. Hehez.

"BAKIT KAILANGAN MONG SUMIGAW?!" Ella. Pasigaw din yan.

Ayt jusme yung tatlong pasaway na babae pala to.

"EH KASI NGA ANG AGA AGA ANG HILIG MAMBULABOG ANG SARAP SARAP NG TULOG KO EH."

So ang tema, sigawan mode kami dito.

"EH NGAYON NA NGA LANG ULIT TAYO MAGKIKITA SABAY GANYAN KA PA EH!" Marianne (pasigaw rin).

"EH PWEDE NAMANG MAMAYA NALANG EH BAKIT ANG AGA AGA AKALA NAMAN NAPAKARAMI NATING GAGAWIN NGAYON!"

"Kaya nga namin inagahan ang punta dito para makabawi at makapagbonding tayo ng matagal eh. Sorry ah, kung naistorbo ka namin. Sorry talaga di na mauulit. Wag ka magalala magpapakalayo layo na kami sayo. Wala nang iistorbo sayo. Wala nang makukulit na kaibigan mo ang mangungulit sayo simula ngayon. Siguro hindi talaga tayo ang itinakdang maging magkaibigan habang buhay. Oh sige aalis na kami." Sabi ni Faye na parang iiyak na at talaga ngang lalabas na sila ng kwarto.

"Anong kadramahan yan?!" Walang emosyong sabi ko.

"Hindi mo na kasi kami mahal eh" Faye .

Kahit kelan talaga ang drama drama ng babaeng to!

"Sige panindigan nyo yang ginagawa nyo ah, once na makalabas na kayo sa kwartong to wag na kayo babalik kahit kelan." Sabi ko in a blank face parin.

At nakita ko namang nagunahan sila sa pagpasok dito sa kwarto. Mga timang nga!

"Eto naman hindi mabiro alam mo namang mahal na mahal ka namin eh. Oh ano nang balak?" -Marianne.

"Ewan ko sa inyo, teka pano nga pala kayo nakapasok dito?" Tanong ko.

"Naglakad. Duh!" -Ella.

"Napakapilosopo mo tigil tigilan mo nga yan!" Ako.

"Ayan kase. Ganto kasi yan Rae. Una kase nyan, naglakad kami, sunod pagdating namin dito sa bahay nyo kumatok kami sa gate and then lumabas si Tita (mama ko yun. Maka-tita rin tong mga to eh) edi ayun pinapasok kami. Tapos sabi nya, puntahan ka nalang daw namin sa kwarto mo kaya ayun kumatok kami ng kumatok eh ang tagal mo buksan ung pinto kaya tinawag nalang namin si Tita tapos kinuha nya ung susi ng kwarto mo tapos ayun nakapasok na kami dito sa kwarto naten este mo." -Marianne.

Lucky ARMY (continuation)Where stories live. Discover now