Chapter 35

417 18 11
                                    

A/N: So eto na, sorry sobrang napatagal huehue busy kasi talaga.. Eto na😊 enjooy!

---------

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan na maglakad ung dalawang 95 liners. At ayun nagtataka sa reaksyon na ibinigay sakin ni Bwii.

Pero thankful parin ako dahil nakita ko sila ng di ine-expect.. Feeling ko sasabog na ko dito at iiyak na dahil sa nararamdaman ko. Masaya parin naman ako kahit papaano.

Nakapasok na sila sa restau na kakainan nila. Ako naman tumalikod na kaagad at nagpunas ng mga mata para mapigilan ang bubuhos na luha.

Agad naman akong lumingon lingon dahil naalala ko, umalis nga pala si ate, iniwan kaming dalawa ni Jimin. Naglakad lakad na ko para hanapin si ate pero nakita ko naman agad sya.

Nang malapit na ko sa kanya eh, kinalabit ko sya kase nakatalikod sya sakin eh.

"O? Tapos na kayo magusap?" Tanong nya agad. Pero ung mukha na blangko. Walang kahit na anong ekspresyon.

"Ahh, oo." Yan nalang ang sagot ko.

"Uhmm tara uwi na tayo." Yaya nya sakin.

"Huh? Eh, ambilis naman?"

"Akala mo lang mabilis kasi nagusap kayo nung Jimin MO . Kaya ayun nalibang ka."
Diniinan nya talaga ung word na MO. Haaaay nakooo. Makapagsalita naman to, kala mo hindi sakanya mapupunta eh. Hakhak!

"Grabe diniinan talaga ung MO?" Tanong ko.

At ayun wala lang sya sinagot.

"Tara na umuwi na tayo." Nasundan ng pagdeadma nya sa tanong ko ung sinabi nyang yan.

Gustuhin ko mang manatili sa mall nato kaso hindi na pwede. kasi diba? Sino ba namang gugustuhing umuwi pa kung ung matagal nyo nang pinagpapantasyahan eh nandito na mismo sa paligid lang?! Dibugh?

"Alam ko yang nasa utak mo, ayaw mo pa umuwi, maski ako ayoko rin kaso kailangan na natin umuwi tumawag na si Mama sakin." Sabi ni ate.

Sumunod nalang ako sa kanya. Wala kong magagawa eh .

Bye BANGTAN SONYEONDAN. Sana makita ko pa kayo ulit.😭😭

--------
~Bahay~

Matamlay akong dumeretso sa kwarto ko at humiga sa kama.

Iniisip ko ung mga nangyari kanina. Hindi talaga mawala sa isip ko ung masungit na tingin sakin ni Taehyung. Hays, ano na kayang ginagawa ng Bangtan ngayon? Nasaan na kaya sila? Umuwi na kaya sila hotel na tinutuluyan nila? O nasa mall parin sila.? Haaaay gusto ko bumalik dun. Gustung gustung gustoo..😭 Ang hirap din pala ng gantong sitwasyon hay nako.

Yung kanina lang ang saya saya ko kase hindi nakita ko talaga yung buong Bangtan ang hirap paniwalaan, tapos ung lumapit si Jimin sakin, mas lalong ang hirap paniwalaan, pero ung pagdating kay Taehyung? Ewan na. Diko alam dun. Ultimate Bias ko pa talaga magsusungit sakin?! Whyyyyyy?! Baka nga etong araw na to nalang ako palarin na makita sila, tapos ganun pa? Ang ganda na eh, ang ganda na nung simula as in. Tapos ung dulo, waaaaaaaah!

At dahil wala akong magawa, nag facebook nalang ako sa phone ko. Baka sakaling makalimutan ko ung nangyari kanina, .... Eh putek pano ko malilimutan eh halos puro ARMYs ung mga friends ko? At asahan mong puro Bangtan lang laman ng nf ko, hayst, pero ... Bahala na. Kesa naman wala akong gawin diba? Kaboring naman.

Nf ko puro #BTSinManila boset.

Hindi ko muna sasabihin sa mga kaibigan ko ung nangyari ngayon, alam ko naman na ung magiging reaksyon nila tsaka wala na rin akong gana magkwento. Tinatamad talaga ako.

Lucky ARMY (continuation)Where stories live. Discover now